IKA-LABING WALONG KABANATA:

90.3K 1.8K 129
                                    

ANDREI

Napangisi nalang kami ni Rhys sa tinuran n'ya. Totoo naman nakakaputang ina ang buhay na kahit maging mabuti ka, magiging masama ka minsan sa buhay mo.

Napagdaanan na naming dalawa ang tagpong iyon. Mahirap pumili kung anong desisyon ang gagawin, pero nandito na. Tapos na ang nangyari noon kaya dapat naming pagbayaran ngayon. Malaki ang kasalanan naming lahat kay Johanna at Thorin, kaya ngayon gagawin namin ang lahat para makabawi.

"Mapapatay tayo ni Thorin kapag nalaman n'ya." nakangising turan ni Rhys, bago humihit ng sigarilyo at pataas itong ibinuga. Ngumisi ko at humihithit din ng sigarilyo.  Nilingon ko s'ya na natatawa. 

"Ikaw lang. Ikaw ang unang nakaalam." saad kong muli bago humithit buga ng sigarilyo. Malaya kong pinagmasdan ang kalangitan at bahagyang binalikan ang nangyari noon kay Johanna at Thorin.

"May alam ka rin naman. 'Wag mong itanggi na parehas tayong naging duwag noon." sagot n'ya bago tumawa nang malakas. Lumingon akong muli kay Rhys, at kahit matagal nang nangyari iyon ay hindi parin namin maiwasang ma guilty.

Apat na taon na rin ang sikretong iyon ngunit, isa man sa amin ni Rhys ay hindi umimik. Ni hindi nagbigay ng palatandaan na mayroon kaming alam sa pag-iwan at sa pagkamatay ng anak nila ni Joan. Tikom ang bibig naming dalawa dahil hawak kami sa leeg ng taong iyon. Buhay ng pamilya namin ang nakahain sa mesa kaya kahit minsan ay hindi namin sinubukang sabihin ang lahat. 

"Iyong anak ni Joan." maya- maya'y tanong ni Rhys. "Sino ang ama ng bata Andrei?" malungkot na saad nito. Ramdam ko ang lungkot sa tinig na binitiwan ni Rhys. Alam ko naman na noon pa lang, may nararamdaman na s'ya kay Joan kaya lahat ng kaya n'ya ay ginawa n'ya upang maprotektahan ito.

"Kay Thorin, kanino pa nga ba?" nakakunot noo kong sagot.

"Pero hindi ba--" 

"Bakit? naniniwala kabang kaya n'yang patayin ang sarili n'yang apo?" Pagputol ko sa kung anumang sasabihin nito. Naniniwala kasi akong hindi magagawa ng taong iyon na patayin ang sarili nitong dugo kahit pa nga parehas naming alam na ayaw n'ya kay Joan.

Umiling-iling lang ito bago humalakhak nang malakas, pati tuloy ako ay nakitawa na rin kahit hindi ko alam kung para saan.

"Sa tingin mo ba hindi n'ya kayang gawin 'yon? halos mapatay nga tayo nun Andrei." sansala nitong muli bago humithit ngsigarilyo sabay buga ng usok.

"Wala na tayong magagawa Rhys. Matagal nang nangyari iyon. Parehas tayong nagkamali noon kay Thorin at Johanna. Ang kailangan nalang nating gawin ay bumawi sa kanilang dalawa sa kahit na anong paraan." Sagot ko naman dito.

"Huwag ka na ring mag-alala kay Joan. She's okey." pinal kong saad, ngunit kaagad akong napatda sa sinabi ni Rhys.

"Kukuhanin ko si Joan." tumingin s'ya ng diretso sa mata ko kaya alam kong hindi s'ya nagbibiro. Ngumisi ako at tinapik sa balikat ang kaibigan ko.

"Huwag mo nang balakin Rhys. Para mo na rin inihampas sa pader ang sarili mo kapag ipinilit mo pa iyon." Seryoso kong saad bago s'ya ayaing pumasok sa loob.

________________________________

Johanna

Naging malamig ang pakikitungo ni Thorin matapos ang tagpong iyon sa aming dalawa. Ilang araw na n'yang ginagawa ang pagdistansyana ng kanyang sarili sa akin kaya natatakot akong baka nga totohanin n'ya kung ano mang balak n'ya sa aking anak.

Natatakot ako sa dalawang dahilan. Takot ako dahil hindi ko na s'ya kilala, pero mas takot ako, dahil kilalang-kilala ko na s'ya.

Maari nga sigurong hindi na dapat balikan kung ano ang nangyari sa nakaraan. Hayaan na lamang kung ano ang nasira, kung ano ang nabasag. Hayaan na lang na manatiling masakit ang sugat ng kahapon, dahil kahit ihingi mo iyon ng kapatawaran ay matatawag mo pa rin itong sugat. Pinili ko ang iwanan s'ya para ako na lang ang higit na masaktan, ako na lang ang maging masama sa akin nalang maisisi ang lahat kaysa naman kasama ko s'ya at parehas kaming lumalaban, ngunit parehas kaming nahihirapan at nasasaktan dahil hindi namin makuha ang tunay na kaligayahan.

The Lust SufferWhere stories live. Discover now