IKA-DALAWAMPU'T ISANG KABANATA:

97.7K 2K 153
                                    

THORIN

"What the hell we're you thinking Thorin! " Dumagundong ang tinig ni Daddy sa apat na sulok ng k'warto ko kasabay nnag malakas na kalabog ng pintuan pabukas. Ang nakayuko kong ulo ay bahagya kong iniangat upang makita ang itsura ni Daddy na ngayon ay nagtataas-baba ang dibdib.

Nakayukom ang dalawang kamay at nakunot nang mariin ang noo. Nasa tabi nito si Mommy, na hawak sa braso ni Daddy na tila pinipigilan ito sa kung anong maaring gawin.

"Dad, Mom, Hi." nakangisi kong turan. Muling lumungayngay ang ulo ko dala na rin marahil nang kalasingan. Nahihilo na ako. Nasusuka, pero nagawa ko paring ngumisi kahit alam kong hindi naman iyon mapapansin nang aking ama.

"Ganyan na lang ba ang gagawin mo sa buhay mo Thorin?" mariin at mahinang turan ni daddy na sinabayan ng mahinang pag-hikbi ng aking ina. Kahit kalmado ang pagkakasabi nun ay ramdam ko ang tapang sa salita ni Daddy. Mukhang nasagad ko na ang pasensya nya.

Tsk. 

Muli kong itinungo ang ulo ko at nginisihan sila. Kahit na gustong- gusto kong sigawan si Daddy ngayon at magwala sa kanyang harapan ay pinigil ko nalang ang aking sarili dahil alam kong wala rin iyong patutunguhan. Alam ko naman talo ako e. Talong talo.

"Hindi ka ba masaya? " diretso kong tanong. Umayos ako nang tayo at diretsong sinalubong ang matalim nyang mga tingin.

"Akala ko masaya ka kapag nakikitang nahihirapan ang mga anak mo?" Ngisi ko dito tsaka pinadausdos ang kamay sa magulo kong buhok.

"Sinisisi mo ba ako, kung bakit iniwan ka ni Johanna?" Hindi makapaniwalang tanong nito.

Totoo naman. Sinisisi ko sya sa nangyari sa amin ni Johanna. Pero di ko sasabihin yon. Hinding hindi ko kailanman sasabihin sa kanya na sya ang dahilan ng lahat. Bahala sya. Bahala sya.

"Of course, No! Why would I blame you dad? Asked yourself." Pabalang kong sagot dito. Ngumisi pa ako at tuluyang ginulo ang buhok.

"Why would I blame my own flesh and blood." Tila nanunuya iyong lumabas mismo sa bibig ko. Parang mapait yon na gustong kong idura sa kanyang harapan.

"Tim" mahinahong tawag rito ni mama, kasabay ng paghikbi. Ang nakahawak na kamay ni mommy sa braso ni daddy ay unti-unti nitong inalis at inilang hakbang lamang kung saan ako nakaupo.

"Ginawa ko 'yon para sa ikabubuti mo anak." mariin ngunit galit na turan nito. Tumayo ito sa harap ko. Bumuntong hininga na tila pagod nang magpaliwanag.

Tumawa ako ng mapang uyam. 

"Nakabuti ba Dad?" nanghihina kong tanong. "Look at me now Dad. I am mess. I am mess because of what you did. You hurt me big time." ngisi ko rito sabay nang pag alpas ng luha ko sa magkabilang mata. Hindi ko alintana kung makita nila akong ganito ngayon. Wala akong paki alam kung makita nilang nasasaktan ako!

Hindi nila alam kung gaano ako kadurog sa mga nangyari. Hindi nila alam kung gaano kasakit ang nararamdaman ko ngayon. Para akong namamanhid. Para akong Wala sa sarili. Hindi ko alam kung humihinga pa ba ako o kung ano.

Nakatayo lamang si mommy sa may pintuan, si Daddy ay nakatayo sa harapan ko habang nakayukom nang mahigpit ang dalawang kamay.

"Ni minsan hindi mo tinanong kung ano ang makakapagpasaya sa akin." nanlulumo kong saad sabay sapo ng mukha.

"Hindi mo man lang akong tinanong kung okay ako. Kung ano talaga ang gusto ko--"

"You never deserved a woman like that son." pinal na turan nito. Hindi na nito pinatapos kung ano ang sasabihin ko. Ang nakayuko kong mukha ay dahan-dahan kong iniangat at sinalubong ang mga mata n'ya.

The Lust SufferTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon