IKA-PITONG KABANATA

118K 2K 125
                                    

Magkahawak kamay kaming lumabas ng classroom ni Thorin habang rinig ko pa ang pagsigaw ni Tonette sa pangalan n'ya. Hila- hila n'ya lang ako sa hallway habang ang ilang estudyanteng nadadaanan namin ay nanlalaki ang mata sa magkahawak naming kamay.

"T--Thorin" mahinang tawag ko sa kanya habang naglalakad kami. Huminto s'ya nang pababa na kami sa ikalawang palapag ng building ng school. Humarap s'ya sa'kin at humugot nang malalim na paghinga pagkatapos ay hinapit ako at niyakap.

Napasubsob ako sa matipuno n'yang dibdib na hindi nag- aalangan kung maraming estudyanteng dumaan, kung maraming estudyanteng makakita. Ang mahalaga, sa yakap na iyon, alam kong ligtas ako.

"I'm sorry" mahina n'yang bulong. Ilang minuto pa kaming nanatili sa ganoong posisyon nang kumalas s'ya sa yakap namin at hinatak ako papunta sa parking lot.

Huminto kami sa tapat ng isang sasakyang kulay itim at pinapaupo ako sa tabi ng driver seat. Umikot naman s'ya at umupo na'din sa tabi ko at marahas na hinampas ang manibela na s'yang ikinagulat ko.

"Fuck!" sigaw n'ya, sabay hampas muli sa manibela at tumingin sa'kin. "I can't believe she hurt you. I'm sorry Johanna. I'm so sorry." usal nito.

Kita ko ang lungkot sa abuhing matang iyon, kita ko ang sinseridad sa paghingi ng sorry, pero hindi rin maalis sa isip ko na kaya ako humantong sa ganitong sitwasyon ay dahil na rin sa kanya.

"Dapat hindi mo na ginawa 'yon" sabi ko."Sa tingin mo ba porke't niligtas mo ako at tinakot mo si Tonette titigilan n'ya na ako?" Madiin kong tanong.

"I won't let anyone hurt you Johanna. I won't" sagot n'ya habang magkatitigan kami.

"Paano Thorin?" diretso kong tanong sa kanya. Nag-iwas lang s'ya ng tingin sa'kin kaya umiling ako. "Tama si Tonette, hindi ba't masaya ka kapag nasasaktan ako? Diba masaya ka kapag umiiyak ako? So bakit sinasabi mo sa'kin ngayon 'yan? Bakit Thorin? Isa pa ba 'yan sa mga laro mo para pagkatuwaan ako?" Naluluha kong tanong.

"Fuck. No! Alam kong nasaktan kita pero hindi ito isang laro." yumuko s'ya ng sabihin n'ya ang huling katagang iyon at iniangat ang ulo, pero this time hindi na s'ya nakatingin sakin." I Like you. I really like you and I think I'm falling for you, but afraid to fall baka kasi hindi mo ako saluhin." humina ang boses n'ya ngunit sapat para marinig ko.

Nabigla ako sa sinabi n'ya, idagdag pa ang sobrang pagkabog ng dibdib ko. Parang hindi ako makahinga at nanlalaki ang mata habang nakatingi ako sa kanya.

"It's funny how my heart works whenever you are near, it's funny how my lips smile when I see your smile, it's funny how my eyes blink whenever I see your face. Gago lang ako at ginamitan pa kita ng pambubully para lang mapansin ako." Hinampas n'yang mahina ang manibela at ipinatong ang baba sa kaliwang braso n'ya."Mali ba ang pamamaraang ginawa ko para makasama kita? Mali bang natakot ako kasi shit lang Johanna ikaw lang ang tanging babaeng nagpakaba ng ganito kalala sa'kin." ngumiti s'ya, ngunit nakita ko pa rin ang lungkot sa kulay abo n'yang mata.

"Ayokong umiiyak ka pero tang ina! ako 'yong unang nag papaiyak sayo kasi gusto ko, gusto ko maramdaman mo ako, gusto kong makita mo yung totoong ako, gusto kong isama sa mundo ko, dahil noong una palang kitang nakita. Tang ina, sumama na ako sa mundo mo!" Sabi pa n'ya ulit tapos tumingin s'ya sa'kin at hinawakan n'ya ang aking mukha at ikinulong sa kanyang palad. Halos magdikit na ang aming labi sa sobrang lapit n'ya, at sobrang kabog naman ng dibdib ko sa magkadikit naming mga balat.

"Pero noong nakita ko 'yong sugat ng labi mo, 'yong buhok mong ginupit, 'yong namumula mong pisngi at umiiyak mong mga mata. Gusto kong magwala, gusto kong manakit, gusto kong gawin sa kanila 'yong ginawa nila sayo. Galit ako sarili ko Johanna. Galit ako. Sana nandoon ako mismo para naprotektahan kita. I'm sorry. I should've treat you well from the start. I'm sorry. " idinikit n'ya ang kanyang noo sa noo ko habang marahang pinaglandas n'ya ang kanyang palad sa makinis kong pisngi."Forgive me."

The Lust SufferWhere stories live. Discover now