IKA-LABING SYAM NA KABANATA:

93.5K 1.9K 126
                                    

JOHANNA

Kung hindi ako nakahawak sa mesang naroon malamang siguro ay natumba na ako sa sobrang gulat sa binitawang salita ni Thorin. Pakiramdam ko rin ay tila nagkaroon nang malakas na lindol sa apat na sulok ng silid na iyon. Ganoon kalakas ang naging epekto ng simpleng pahayag na iyon magmula sa kanya.

Hindi ko mahanap ang gusto kong sabihin.

"S--Sir?" Tila nanghihina kong tanong sa kanya. Parang hindi ako makapaniwala sa kanyang sinabi. Nang mag-angat ako ng tingin at nahuli ko ang pagbuntong hininga nito at pagkurap ng dalawang beses bago nangingiting umiling.

"Sabi ko...subuan mo ako. Parang bago naman sayo 'yon." turan nito na parang naiirita bago muling bumalik ang atensyon sa pag pirma. Bumalik muli ang pagseseryoso nito kaya naman lumapit na ako sa kanya.

Wala naman akong pagpipilian kung kaya't hinila ko ang isang bangkong naroon at itinabi kung saa ang pwesto n'ya. Hinatak ko rin ang maliit na mesa upang doon ipatong ang pagkain. Naging tahimik ang buong silid at tanging kalansing lang ng kutsara't tinidor ang lumilikha ng ingay. Ilang beses akong napalulon ng laway nang itaas ko na ang kutsara at akmang susubuan s'ya. Pinigil kong manginig ngunit, tila ayaw sumunod ng katawan ko.

Ganito sya kapag maraming iniisip. Noon, madalas ko syang subuan habang busy sya sa paggawa ng kanyang thesis.

O kaya naman nastress sya sa mga utos ng kanyang ama.

"S--Sir." tawag pansin ko rito. Luminga naman s'ya sa akin at walang emosyong ibinuka ang bibig at isinubo ang nasa kutsara. Unang subo palang ay parang hindi ko na kaya. Tiningnan ko ang pagkain sa mesa. Mahaba-haba pa ang dapat kong tiisin. Lumilingon lang s'ya sa akin kapag susubuan ko. Ibabalik din nito ang atensyon sa papeles kapag nakasubo.

Nasa pang anim na subo ko na sa kanya nang itupi n'ya ang ilang folder at itabi. Umayos rin ito nang upo at bahagya pa akong sinulyapan. Pinagmasdan ko naman ang pag nguya nito, at nang masiguro ko ng ubos na iyon ay muli kong itinaas ang kamay ko para muli s'yang subuan.

 Nang muli kong itinaas ang kutsara upang subuan s'ya ay diretso n'yang hinuli ang paningin ko kaya naman napahinto ang dapat kong pagsubo sa kanya ng pagkain. Naramdaman ko ang matinding kaba kung kaya naman nanginig ang kamay ko.Tiningnan n'ya iyon at bahagyang ngumiti.

"Bakit ba nanginginig 'yang kamay mo? Susubuan mo lang ako Johanna, hindi ikaw ang kakainin ko." Medyo natatawa nitong saad kaya unti-unti kong ibinaba ang aking braso ngunit, maagap iyong nakahawak ni Thorin at muling iniangat ng kanyang kamay ang kamay ko at iginaya upang maisubo ang pagkain na nasa kutsara sa kanyang bibig.

Pagdampi palang ng kanyang palad sa kamay ko ay may ilang libong boltahe ng mumunting kuryente ang dumaloy sa buo kong katawan. Pamilyar na pakiramdam na ngayong ko lang ulit naramdaman. Pamilyar na parang hindi ko nakalimutan

Ngunit sa totohanan lang naman ay hindi ko nagawang lumimot. Ni sandali ay wala akong makalimutan.

Ibinaba kong muli ang kamay ko nang bitawan n'ya. Mula sa peripheral vision ko, dahil nakayuko ako. Nakita ko ang pagsandig ng kanyang likod sa swivel chair at ang patuloy na pagnguya nito. Ipinikit nito ang kanyang mga mata. Ang mga kamay nito ay pumahinga sa armrest ng upuan. Malaya kong napagmasdan ang mabining pagtaas baba ng kanyang dibdib.

"Ilang taon ka na dito sa Hacienda?" maya-maya pa'y tanong nito na nagpaangat sa ulo ko.

"P--Po?" utal kong tanong. Parang namamalikmata ako dahil sa malumanay nitong pagkakatanong. Nabigla lang ako dahil sa parang interasado ito sa buhay ko rito sa hacienda.

Umiling-iling muna s'ya at bahagyang ngumiti bago muling dumilat at mabining tumunghay sa aking ang kanyang paninitig.

"Bingi kana." Ngiti n'ya.

The Lust SufferWhere stories live. Discover now