IKA-DALAWAMPUT DALAWANG KABANATA:

95.2K 1.8K 230
                                    

JOHANNA

Pagkarinig ko palang ng pangalang Ian, ay sobrang kumalabog ang dibdib ko. Kaya naman kahit malapit ako kay Thorin ay  hindi ko na naintindihan kung anuman ang napag-usapan nilang dalawa. Para kasing biglang nablangko ang paligid ko, tila natakpan ang dalawang tenga ko upang hindi makarinig ng anumang ingay. Ang paningin ko ay bahagyang lumabo at naramdaman kong muli ang takot na hindi ko malabanan.

Johanna...

Johanna..

Nanatili akong nakatalikod kay Thorin kahit na para bang naririnig ko ang pagtawag n'ya sa akin. Okupado ni Ian ang utak at emosyon ko na ngayon ay tila nagbabalik ang mga ala-alang akala ko nakalimutan ko na. Mga ala-ala nagdala sa akin sa ganitong sitwasyon. Ala-alang kaytagal ko ng nais kalimutan. Ala-ala kaytagal ko nang ibinaon ngunit ngayon~ Ngayon ay para itong multong muling nandyan. Multo nang kahapon na ngayon ay unti-unting nagbabalik.

"Johanna." napapiksi ako at gulat na napatayo nang maramdaman ko ang pagdampi ng mainit na labi ni Thorin sa leeg ko. Gulat akong napatitig sa kanya habang nag-aalala naman ang mga mata n'yang nakatunghay sa'kin.

 "Why? " nag-aalala n'yang tanong bago ako nilapitan at hinawakan ang dalawang kamay.

"Johanna." marahang tawag n'ya. Pakiramdam ko ay nakatitig lang Ako sa kanya. Pigil ang hininga na hindi man lang kayang kumurap.

"Johanna." Muling pagtawag nito sabay tapik sa aking pisngi kaaya naman tila nakabalik ako sa realidad at napatitig sa mga mata n'yang ngayon ay napako sa akin.

"What's wrong?" tanong nito ngunit nanatili akong tahimik kaya hinila n'ya ako upang mayakap. Ramdam ko ang panginginig ng sarili kong katawan. Hinang hina ako kaya't hinayaan ko na lamang si Thorin na yakapin ako at hindi alintana kung maramdaman n'ya ang pangangatog ng katawan ko.

"Hey, Calm down." pagpapakalma sa akin ni Thorin.

"B--Baka saktan ako ni Ian." bulalas ko sa kanya. Wala sa sariling nabigkas ko ang katagang iyon. Bigla s'yang napalayo sa akin at ikinulong ang pisngi ko sa mga palad n'ya. Napatitig ako sa kanya, at kitang- kita ko ang pagtataka at pagtatanong sa kanyang mga mata.

"He hurt you?" 'di makapaniwalang tanong nito. Napayuko ako at parang natauhan sa pagkasabi ko.

"Johanna.." muling tawag nito. Mariin, kasabay ng muli n'yang pag angat ng baba ko upang pumantay sa kanyang tingin.

"Did Ian hurt you? " matigas nitong tanong. Tumitig ako sa kanyang mga mata, kasabay ng pag iling. Nakakunot na ang noo nito at mariin ang balik na tingin sa akin.

"H--Hindi." tanggi ko dito. "A--Ang ibig kong s--sabihin, baka pag nalaman n'yang nasa poder mo naman ako, m--mag away kayo ulit." paliwanag ko dito bago ko hawakan ang braso n'ya at ibinaba iyon. Bumuntong hininga na lamang si Thorin at malamang naintindihan n'ya kung ano ang nais kong iparating. Alam namin pareho na ayaw sa akin ni Ian. At hindi rin lingid sa kaalamanan ni Thorin ang mga pinaggagawa ni Ian sa akin noon para lang maghiwalay kami.At lalong hindi lingid sa akin ang naging gap nilang magkapatid simula nang pumasok ako sa pamilya nila.

"Okey." sagot nito na nanatiling nakatingin sa mukha ko.

"Hindi ko hahayaang pumasok muli sa buhay natin si Ian." pinal nitong saad, kasabay ng muling pagyakap sa akin. Bumuntong hininga ako at sinuklian ang yakap na iyon.

"Ipaghahanda na kita ng almusal." saad ko dito nang bumitiw ako sa yakap na iyon.

"Mamaya na. Sabay na tayong bumaba." sagot nito.

"Per-- " magproprotesta pa lamang ako nang mabilis n'yang kinintalan ng halik ang nakaawang kong mga labi.

"Tulungan mo nalang muna akong ayusin 'yong mga papeles na dadalhin ko sa manila, para hindi na pumunta si Ian." seryoso n'yang sabi. Tumango na lamang ako at tinanong kung anong mga papeles ang dadalhin nya. Ako na'rin ang nagpresintang mag ayos n'on habang naliligo s'ya.

The Lust SufferWhere stories live. Discover now