IKA-DALAWAMPUNG KABANATA:

91.8K 1.8K 149
                                    

~JOHANNA

"Love me again, like the way you love me before."

I thought the world just stop.

Nanigas ang buong katawan ko sa sinabing iyon ni Thorin. Sa lakas ng pagkalabog ng dibdib ko ay parang hindi ko narinig ang sarili kong pagsinghap. Kulang ang salitang gulat upang ipaliwanag ang nangyaring iyon.

Ang pagkabasag ng dala-dala kong tray ang s'yang gumawa nang ingay sa apat na sulok ng silid na iyon. Sa sobrang kaba, ay nadulas gng hawak Kong tray.  At dahil sa nangyaring iyon ay kaagad umikot paharap ang kinauupuan ni Thorin.

Walang pag aalinlangan, at upang itago ang kabang nararamdaman ay   mabilis akong yumuko at dali-daling pinulot ang mga basag na piraso ng plato at baso. 

"Hindi ka talaga marunong mag ingat." Saad nito. Mabilis ang naging paghakbanag nito papalapit sa akin at mabilis akong hinatak patayo. Hindi ako nakagalaw. Nakatingin lang ako sa braso n'ya na nakahawak sa braso ko. Unti-unti kong inalis iyon. Tumayo ako ng maayos at nagbuntong hininga.

"P'wede ka namang kumuha ng dustpan at walis sa baba. Hindi mo na dapat pulutin ang mga 'yan at baka masugatan ang kamay mo." Mahinahong turan parin nito bago ako pasimpleng iginaya patungong pintuan.

"Linisin mo na 'to. Kumain ka na rin at may pag-uusapan pa tayo. " dugtong nito. Tumango na lamang ako at mabilis na bumaba upang kumuha ng panlinis. Habang pababa ako ng hagdanan, hindi maalis sa utak ko kung ano ang kanyang sinabi. Para bang sirang plaka iyon na paulit-ulit na nahuhumiyaw sa utak ko na s'yang nagpapapintig nang malakas sa dibdib ko.

Wala akong ideya kung anong gusto n'yang mangyari. Kung bakit nais n'yang muling mahalin ko s'ya, kahit hindi naman n'ya sabihin 'yon....

Alam ko sa sarili kong hindi kailanman nawala ang nararamdaman ko sa kanya.

Hanggang ngayon ay palihim ko parin s'yang minamahal ngunit, alam ko rin naman na tanging paghihiganti lamang ang dahilan ni Thorin kung bakit n'ya ginagawa ito.

Wala na akong karapatang mahalin s'ya ulit kagaya ng dati. Hindi ko na kayang ibigay ang pagmamahal na iyon nang buo. Hindi na dapat. Hindi na maari, dahil ayoko na nang magulong buhay.

Nagbuntong-hininga na lamang ako at kagaad kinuha ang mga kailangan. Nang muli akong pumasok sa silid ay hindi ko na naabutan si Thorin kaya ang hula ko ay nasa sarili n'ya na itong silid at malamang na hinihintay ako.

Madali ko na iyong nilinis at kumain na rin pagkatapos. Mabilis rin akong naglinis ng katawan at nagsuot lamang ng maluwang na T-shirt at pajama bago tumungo sa silid na ni Thorin. Nakakahiya naman kung amoy pawis akong tatabi sa kanya~ Hindi sa gusto, pero wala naman akong ibang pamimilian.

Tatlong katok sa kanyang pinto ang ginawa ko bago pihitin ito pabukas. Madilim na paligid ang sumalubong sa akin habang ang liwanag ng buwan ang nagsisilbing tanglaw sa balkonahe ng kanyang silid.

Malamyos na tugtog naman ang pumapainlanlang sa loob ng kwartong iyong habang namataan ko naman si Thorin na nakatayo sa balkon habang nakahawak sa railing.

"Join me here Hanna. " Matigas n'yang Ingles nang marahan kong sinara ang pinto. Kahit kabado ay dahan-dahan akong lumapit sa kanya, at sa unang pagkakataon, naramdaman ko ang pananabik sa dating kasintahan. Pananabik sa kanyang presensya, yong pakiramdam na parang walang makakapanakit sayo dahil nandyan sya.

Tumayo ako sa kanyang tabi at pinagmasdan rin ang bilog na bilog na buwan na tila nakatunghay sa aming dalawa. Malayang humampas ang pang gabing hangin. Tinangay nito ang buhok ko. Marahan ko iyong hinawakan at di nag-abalang lingunin ito.

The Lust SufferWhere stories live. Discover now