PROLOGO:

263K 3.4K 438
                                    

Thorin Alexus Dela Fuente

Sobrang kaba ang nararamdaman ko sa loob ng Eroplano habang pauwi ng Pilipinas. Ilang buwan naba? Nakalimutan ko narin, hindi ko na binilang, ang natatandaan ko nalang ay halos anim na buwan narin nang huli kaming magkita ng Girlfriend kong si Johanna.

Anim na buwan o higit pa ang tiniis naming dalawa para lang maipakita kay Daddy na ready na akong mag settle down kasama ang babaeng mahal ko. Hindi naman lingid sa kaalaman ko na ayaw ni Daddy sa Girlfriend ko. Ang naiisip n'ya kasi, ay hindi deserved ni Johanna ang kagaya ko. Nakakainis iisipin, pero para mapatunayan kong hindi ganoon ang taong mahal ko, pumayag ako sa plano na pansamantala ay sa America muna ako at ihandle ang business na iniwan ni daddy at inabot iyon ng anim na buwan o higit pa nga —kahit nakakalungkot dahil wala kaming contact ni Johanna ay ayos lang. Ano lang naman ang anim na buwan sa habang buhay naming pagsasama hindi ba?

Tumanaw ako sa bintana ng eroplanong sinasakyan ko pabalik ng Pilipinas, habang iniisip ko ang kauna-unahang mukha na nais kong makita. Damn! Mahihina kong mura. I really miss her!

Gusto ko nalang tuloy tumalon sa maliit na bintanang dinudungawan ko ngayon para mabilis maka-uwi at mayakap ko s'ya. Ilang nakakainip na sandali pa ang hinintay ko bago inanunsyo na malapit nang lumapag ang eroplano. Sobrang pagkasabik na may halong kaba ang nararamdaman ko. Kaba na hindi maipaliwanag. Sabik na parang nakakaiyak. Ganoon pala ang pakiramdam nang nagmamahal. Gusto mong may mapatunayan para maging karapat-dapat ang pagmamahalan ninyong dalawa.

Nang makalapag na ang eroplano sa NAIA, hindi na ako nag-aksaya ng oras at agad na akong bumaba sa eroplanong iyon at lumabas ng airport. Nagmamadaling akong kumuha ng taxi. Laking pasalamat ko naman na mayroon kaagad akong nakuha. Wala akong pakialam kung marami man akong dala, ang importante ay makauwi na ako kay Johanna. Nagpahatid ako sa Metro kung nasaan ang Condo namin. Walang nakakaalam na ngayon ang uwi ko. Mas pinili kong maging sekreto ito para masupresa ko talaga s'ya. Sigurado magugulat na maiiyak pa iyon.

Mag iisang taon na rin simula noong magpasya kaming magsama ni Johanna. Halos isang taon naring kaming magkasintahan bago gawin ang pasyang iyon. Last year kasi ay namatay ang mga magulang n'ya. Ayokong mamuhay s'ya mag-isa, ayokong maramdaman n'yang wala s'yang pamilya. At masasabi kong napakas'werte ko dahil dumating s'ya sa buhay ko. S'ya 'yong nagbigay ng direksyon sa'kin. S'ya yong nagsasabi na lahat kaya ko. Kaya ang tanging hiling ko nalang ngayon ay matanggap ni Daddy si Johanna bilang magiging asawa ko.

Nang makarating na kami sa Condo ay kaagad na akong bumababa. Wala akong pakialam kung mabigat ang dala kong bagahe basta dire-diretso akong tumungo sa mataas na building na iyon. Ibang klase ang saya na nararamdamanko habang pumapanhik sa taas. Bahagya ko pang pinipitik-pitik ang daliri ko upang maalis ang sobrang kaba. Nang marating ko ang Penthouse, wala na akong inaksayang sandali. Nanginginig ko pang hinawakan ang seradura ng pinto. Napapikit pa ako ng tuluyang bumukas iyon at sumalubong ang pamilyar na amoy na kaytagal kong hinanap. Tahimik ang paligid. Maayos ang loob. Napailing nalang ako. Napakasinop talaga ni Johanna sa bahay naming dalawa. Humakbang ako papasok at ang una kong pinuntahan ay ang kwarto naming dalawa. Napangisi ako dahil naabutan ko s'yang nagtitiklop ng mga damit.

"Baby" I called her. Nakangiti akong pinagmasdan ang daha-dahan n'yang pag-angat ng ulo. Nakita ko ang gulat sa kanyang mga mata. Nabitiwan nito ang hawak na damit at diretsong tumingin sa'kin. "What are you doing? " I asked. Humakbang ako palapit sa kanya. Bawat hakbang ko ay kasabay na pagkalabog ng aking dibdib. Gusto ko na lang s'yang yakapin! Ngunit bago pa ako makapunta sa kanyang tabi ay nagsalita na ito.

"I'm leaving Thorin." Matigas n'yang tugon. Nagulat ako roon kaya naman mabilis akong nagpunta sa kanyang tabi. Agad ko s'yang niyakap.

"Why?" Ngumisi ako sa pagitan ng kanyang leeg at mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanya. Wala naman s'yang ibang pupuntahan kung hindi sa akin lang.

The Lust SufferTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon