IKA-LABING APAT NA KABANATA

98.5K 2K 152
                                    

~Friends.

Matapos kong patulugin si Taurein ay saktong dumating naman si Anding na may dala-dalang pananghalian.

Malungkot akong sumulyap dito nang agad itong naupo sa tabi ko at bahagyang pinisil ang aking balikat matapos halikan ang noo ng aking anak. Yumakap naman ako sa kanya na tila doon ako kumukuha ng lakas.

Anak nila kung ituring si Taurein dahil sila ang kasama namin sa panahong wala kaming masilungan.

"Kamusta si Taurein? " Tanong nito na may pag-aalala. Marahan itong kumalas sa yakap ko at bumuntong hininga na tumayo at inabalang ayusin ang mga dala n'yang paper bag na may lamang pagkain.

Tumayo ako at tinulungan itong ilabas ang mga dala para paggising ng anak ko ay kakain nalang kami.

"Sa ngayon okey na s'ya, pero ang sabi n'ong doctor kailangan na s'yang mailipat sa mas malaking ospital." nanlulumo kong sagot. Bahagya pa akong ngumiti para ipakitang okey naman lahat. Nang maayos ang pagkain ay naupo sa bangko na katabi ng kama ni Taurein. Naupo sa tabi ko si Anding at hinawakan ang aking kamay.

"Ikaw nga Joan ay magtapat sa akin. Sino ba ang ama ni Taurein? Bakit gan'on nalang ang takot mong malaman nila na may anak ka?" diretsong tanong nito. 

Hindi ako makakibo. Maski sila kasi ay hindi alam kung sino nga ba ang ama ng anak ko. Sa tagal ko sa kanila ay inilihim ko rin ang tunay na pagkatao ng aking anak. Ayokong malaman nila Ang tunay na dahilan kung bakit Hanggang ngayon mag Isa kong tinataguyod ang anak ko. Ayokong malaman nila.

"Hindi sa pinipilit kitang sabihin sa akin kung sino ang ama ni Taurein, pero hindi mo ba nakikita na nahihirapan na ang anak mo. Nahihirapan ka na rin Joan. 'Wag mong paabutin sa puntong mawalan ka muli ng anak." saad nito sa akin. Umiwas ako ng tingin sa sinabi ni Anding. May punto ang sinabi n'ya. Alam ko naman iyon. Bilang ina~ kapag anak na Ang pag uusapan, kaya kong isakripisyo ang lahat. Maliban sa parteng ito.

"Hindi n'ya na kailangang malaman na mayroon kaming anak Anding." Saad ko rito. "Tama na iyong isipin n'yang wala kaming anak na dalawa. Tama na 'yong wala s'yang alam. Ayokong bandang huli, magulo ang buhay ng anak ko sa pakikipag-agawan naming dalawa sa kanya. Kilala ko ang taong iyon, makasarili s'ya at kahit patayan ay ilalaban n'ya ang sa kanya." matuwid kong sagot.

"Pero Joan, s'ya pa rin ang ama ng bata." nanlulumong saad ni Anding.

"Pero ako ang magdedesisyon para sa ikabubuti ng aking anak." diretso kong sagot.

"Okey okey. Ang gusto ko lang namang ipunto dito ay may karapatan ang ama ni Taurein na malaman ang kalagayan n'ya. Hindi mo ba naiisip na nahihirapan na kayong dalawa?" iiling-iling n'yang tanong. Hinaplos-haplos nito ang noo ng anak ko bago matalim na tumingin sa'kin.

"Hindi ko kinukwestyon ang pagiging nanay mo kay Taurein. Isa kang mabuting ina Joan, pero sa kalagayan ng anak mo ngayon, isantabi mo muna kung ano ang nangyari sa nakaraan. Ama pa rin s'ya ng bata Joan, at kahit saang anggulo mo tingnan, anak n'ya si Taurein." Dagdag pa nito.

"Pag nalaman n'ya Anding na may anak kami siguradong kukuhanin n'ya si Taurein sa akin. Hindi ako papayag n'on. Akin lang ang anak ko Anding akin lang s'ya." naiiyak ko nang sambit. Padabog naman itong  tumayo at humarap sa akin ng nakapamewang.

"H'wag mong ariin mag-isa 'yang anak mo Joan. Aba! egg cell mo lang ba ang bumuo d'yan? Ang hirap kasi sayo, puro ka takot. Takot, takot, takot. Paano ka tuluyang gagaling n'yan, kung pati sarili mo kinukulong mo sa kahapon! " mariin ang kanyang pagkakasabi, ngunit nandoon 'yong tinig na nag-aalala.

"P--Pero Anding, kapag nalaman n'ya ang tungkol kay Taurein, alam nating lahat na hindi ako mananalo. Kahit may karapatan ako sa aking anak ay hindi pa rin ako papanigan ng korte" saad ko, na parehas naming ikinatahimik. 

The Lust SufferWhere stories live. Discover now