IKATLONG KABANATA

128K 2.6K 217
                                    

Hindi ko maisip kung saan ako nagkamali! Ang nais ko lamang talaga sa unibersidad na ito ay mag aral ng matiwasay at makagraduate na humihinga pa! Gusto kong magkaroon ng normal na buhay, pero hindi yata mangyayari iyon kung nasa paligid si Thorin Alexus Dela Fuente. Iyong lalaking akala ko—akala ko mabait! Humanga pa naman ako noong una ko s'yang makita sa harap ng gate. Parehas pa kaming nagwapuhan sa kanya ng bestfriend kong si Grace, pero gwapo lang pala ang mayroon s'ya. Paano ba kaming nagsimula? Aa oo! Noong first day kung saan kinagat ko ang braso n'ya dahil hinawakan n'ya ang pwet ko. Nabastos ako, pero bakit ako ang nabully? Hindi ko naman akalain na sikat pala s'ya. Anong malay ko diba? Ano!

"Hoy Samonte!" Sigaw nito. Alam ko naman s'ya 'yon. S'ya lang naman ang tumatawag sa'kin gamit ang apelyido ko. Halos dalawang buwan na ako ang buntot n'ya. Kailangan kong dumikit sa kanya, dahil ako naman ang patay sa mga babaeng galit sa'kin dahil sa ginawa ko sa kanya.

Hindi ko nalang s'ya pinansin at itinuloy ang kunwari kong pagbabasa ng libro. Nasabi ko na bang sa sobrang malas ko ay classmate ko s'ya sa lahat ng subject? Nakakainis talaga! Nawalan ako ng privacy. Kung nandito sana si Grace may kakampi ako, pero wala! Nasa malayong departamento s'ya, at kung magkita man kami ay tuwing weekdays lang, at kung mamalasin pa ako ay nasa Condo ako ni Thorin para pagsilbihan s'ya. Bakit? 'yon daw ang natatanging paraan para tigilan ako ng mga taong p'wedeng mambully sa'kin. S'ya raw ang gagawa ng paraan para matigil iyon. Nakakaiyak! Nasaan ang hustisya! kinagat ko lang naman ang kamay n'ya dahil hinawakan n'ya ang pwet ko! Hindi ko s'ya pinatay, na sana ginawa ko na.

Hindi ko nalang s'ya pinansin nang umupo s'ya sa tabi ko. Wala kaming klase ngayon dahil may meeting ang lahat ng prof regarding kung saan.

"Samonte!" tawag n'ya ulit, pero this time binagsak ko nang malakas 'yong librong hawak ko. Alam ko naman kung bakit nandito 'to ee. Kung hindi ako aasarin, panigurado magpapagawa ng Assignment sa'kin o kaya magpapalinis na naman ng Condo.

"Ano na naman ba Thorin! hindi mo na nakikitang may ginagawa ako? Tsaka isa pa, p'wede bang 'wag muna ngayon kasi pagod ako!" Hindi ko na naiwasang bulyawan s'ya. Totoo namang pagod ako. Sinong hindi mapapagod kung ikaw ang nasa kalagayan ko kahapon na nagpasamang bumili ng grocery at ikaw pa ang nagdala ng isang katerbang plastic. Take note. Ikaw pa ang nag ayos n'on sa condo nya. Isa pang take note. Pinagluto mo pa s'ya at nilinis mo pa ang buong condo n'ya na parang dinaanan ng bagyo sa sobrang kalat. Nakipagtitigan naman ako sa kanya na ngayon ay parang nagulat sa pagsigaw ko. Ngayon ko lang din napansin ang hawak n'yang plastic na kung hindi ako nagkakamali ay may lamang pagkain.

"I just want to give you this. Alam ko kasing hindi kapa naglalunch." Nilapag n'ya 'yong plastic sa ibabaw ng armchair ko at mabilis na tumalikod."Sorry about last night." Saad nito bago tuluyang lumabas ng pintuan.

_________________________________

Johanna

Maaga akong bumalik ng masyon kinabukasan para tumulong sa paliligpit ng mga kalat pagkatapos ng salo-salong iyon. Nagpumilit kasi akong umuwi ng gabing iyon kasama si Taurein dahil hindi ko kinaya ang mga ala-alang nag umpisang magsibalikan sa akin nang muling sumagi sa isipan ko ang nakaraan. Idagdag mo pa ang lalaking pamilyar sa'kin ng magtama ang paningin naming dalawa. Hindi ko mawari ngunit, mukhang hindi maganda ang pakiramdam ko kung iyon nga ang nakabili ng buong Hacienda.

Naabutan kong isa-isa nang nililikom ang natirang mga bangko at lamesa nina mang Abuh at Joward, habang nililinis naman ni Anne at Anding ang bakuran.

"Joan! " napangiti ako nang sabay pa akong tawagin ni Joward, Anding at Anne. Nagtatalon pa ang mga ito na animo'y kinikiliti ang tagiliran sa kakakislot. Hindi ko alam kung anong trip ng tatlong ito at sabay pa nila akong tinawag at nilapitan. Nangingiti na lamang ako ng maalalang, marahil ang bungad ng tatlong ito, ee yung mga kalalakihan kagabi.

The Lust SufferWhere stories live. Discover now