IKA-LABING DALAWANG KABANATA

82.8K 1.8K 121
                                    

Warning!

(Nakaprivate po ang ibang chapter for the sake of the young readers)

Gaya nang napag-usapan namin ni Thorin, makalipas lang ang mahigit trenta minutos matapos kong lisanin ang library ay inaya n'ya na akong makapag pa check-up.

Nakatitig lamang ako sa kanyang likod habang palabas kami ng Mansyon. Nadaanan din namin Andrei, at tahimik itong nakamasid sa amin. Hindi naman ako makatingin ng diretso sa kanya lalo nang mapansin ko Ang bahagya nyang pag iling na tila may alam ito sa mangyayari.

Napabuntong hininga ako nang sumakay kami sa sasakyan. Tahimik parin kaming dalawa nang pumasok ito sa loob at ito mismo ang nagmaneho papunta sa bayan.

Sumusunod lang ako sa gusto n'ya at ang tanging nasa isip ko na lang ng mga oras na 'yon ay ang kaligtasan ng anak ko. Wala kaming imik nang tumungo kami sa bayan. Panaka-naka akong sumusulyap sa kanya. Umaambang magsalita, ngunit sa twing makikita ko kung gaano kadiin ang pagkakahawak nito sa manibela ay nauumid akong magpakawala ng kahit na anong salita.

"L--Lumiko ka dyan." Nanantya kong turo nang direksyon nang marating namin ang bukana kung saan patungong bayan. Tinapon lamang nya ako nang tingin at nagpakawala ng marahas na paghinga.

"I know. Don't talk. I don't wanna hear your voice." Naiirita nitong anas. Lalo akong natahimik at nilibang na lamang ang sarili sa daan.

Ilang minuto lang ay narating na namin ang bayan. Kahit nagtataka ay nagsawalang kibo na lamang ako dahil kabisado pala nito ang lugar. Alam nito ang maliit na hospital na pupuntahan.

Tahimik akong bumaba, kasama sya. Agaw pansin ang kanyang presenya. nang pumasok kami sa loob. Ang mga pasyente at nurse at literal na napatingin sa kanyang pagpasok at sa paghakbang. Ang nurse na napagtungan nito nang gagawin ay tila maamong pusa na tumango tango at kaagad kaming inasikaso. Tinapunam pa ako nito nagtatakang tingin bago tumalikod at may tinawag na doctor.

Tahimik kaming naupo sa waiting area sa labas ng Isang kwarto kung saan kami iginaya ng nurse. Inilabas ni Thorin ang cellphone nito para siguro magpatay ng oras.

Nagpalinga-linga naman ako. Magkasalikop ang kamay sa ibabaw ng hita. Kinakabahan sa kung anong pwedeng gawin sa akin sa loob.

Ilang sandali ay may lumabas na lalaking doctor. Kaagad na tamad na tumayo si Thorin at sinalubong ito.

"Wala bang babae?" Seryosong saad nito. Ngumisi naman ang kausap nitong Doctor at tinapik ang kanyang balikat.

"She's safe with me. Don't worry too much Dela Fuente." Nangingiting saad nito bago bumaling sakin.

Narinig ko ang mahinang pag 'tsk' ni Thorin at bumaling sa akin.

"Make it faster Doc. George. " Saad nito sa seryosong titig at tinig na may diin. Tumaas naman ang gilid ng labi ng doctor bago Ako iginaya sa loob. 

Kinakabahan man ay sumunod na lamang ako. Agad akong pinaupo sa puting single bed na naroon at may ilang personal na itinanong bago ginawa ang procedure.

Kinuhanan ako ng sample ng dugo at ihi. Nag undergo din ako nang swab sa loob ng aking bibig at sa pribadong bahagi ng aking katawan~ Ang aking cervix para makasiguro sa gagawing test.

Nakakahiya. Pero wala naman akong magagawa.

Lumabas ako pagkatapos. Kasunod ko ang Doctor. Mariin ang tingin nito sa aming dalawa. Narinig ko ang mahinang tawa ng doctor sa likod ko nang salubungin kami ni Thorin.

Silang dalawa lang ang nag usap, habang tahimik akong naupo sa gilid. Panaka-naka ay sinusulyapan ako ni Thorin at nag iiwas naman ako ng tingin.

Nang matapos silang dalawa ay naupo ito sa tabi ko at nagtipa ng kung ano sa kanyang cellphone. Wala kaming imik habang naghihintay ng resulta, at lalong walang imik nang makauwi kami. Panaka-naka lang nito akong sinusulyapan sa byahe. Hindi ko naman magawang tumingin sa kanya. Hindi rin ako pwedeng magreklamo sa kung anong pinasok ko. Nandito na ako at hindi na ako pwede pang umatras pa.

The Lust SufferWhere stories live. Discover now