Chapter 1

69.4K 1.5K 558
                                    

Chapter 1
***

Sa ilang araw ni kuya Hiro sa mansion, lagi syang busy. Madaming tinuturo sakanya sila mommy at daddy tungkol sa kumpanya.

Bata pa ako para sa kumpanya kaya mukhang si Kuya hiro muna ang hahawak at wala naman talaga akong interest sa kumpanya.

"Hiro, anong course ang gusto mong kunin?" Tanong ni daddy habang nasa hapag kami.

Nag angat ng tingin si kuya hiro kay daddy. "Law." Sagot lang ni kuya hiro at sinubo ang maliit na piraso ng steak at nginuya.

"Hmm okay. Study law and I'll teach you myself about business." Sabi ni daddy at tumango lang si kuya Hiro.

No! Hindi na talaga kami makakapag laro!

Naging sobrang busy nga si kuya hiro gaya ng inaasahan ko ng mag simula syang mag aral ng pagiging lawyer.

Nag uumagahan kami ngayon at nakasimangot akong nag angat ng tingin kay kuya hiro.

Naaalala ko parin ang sinabi nya na hindi ko sya kuya.

Nag angat sya ng tingin sakin at nagulat ako ng matalim akong tignan ng mga singkit nyang mata.

Mabilis kong pinagpagan ang pisngi ko. Hindi nalang si Kuya Christian ang nagagalit sa makalat kong pagkain. Si Kuya Hiro na din.

Nawala din naman ang matalim nyang tingin at inubos ang gatas nya habang nakatingin sakin.

"Mauuna na po ako." Magalang na sabi ni Kuya Hiro at tumayo na.

"Take care, Hiro." Sabi ni mommy at tumayo para ibeso si Kuya Hiro. Tinanguan lang sya ni daddy at bago pa sya makalabas ng dinning room mabilis na din akong tumayo at kinuha ang nilagay sa likod ko sa upuan.

"Tapos na din po ako!" Mabilis kong sabi at mabilis ng tumakbo palabas ng dinning room at narinig ko pa ang paalala ni mommy.

"Madapa ka, annabeth." Paalala ni mommy.

Mabilis na akong tumakbo papunta sa living room kung nasaan ang bag ni Kuya Hiro.

May narinig akong mabilis na mga yapak at may humawak sa braso ko kaya natigilan ako sa pagtakbo.

"Just walk." Sabi ni kyuya Hiro kaya nag angat ako ng tingin sakanya at dahan dahan na tumango.

Binitawan na ni Kuya Hiro ang braso ko at mabilis nalang na naglakad ako papunta sa sofa kung nasaan ang bag nya.

"Tsk." Rinig kong sabi ni Kuya Hiro sa likod ko.

Mabilis ko ng nilagay sa bag ni Kuya Hiro ang favorite kong ice cream sandwich.

Siguradong gusto na ako maging kapatid ni Kuya Hiro.

Nakangiting nag angat ako ng tingin kay Kuya Hiro at Pinapanuod nya lang ako.

"Kuya Hiro, Ingat sa school." Masaya kong sabi sakanya.

Ilang segundo akong tinignan ni Kuya Hiro bago ngumisi at kinuha na ang bag nya.

Pinigilan ko ang ngiti ko. Magkaka gwapo na akong kapatid!

Sinuot na nya ang bag nya at napababa sya ng tingin sakin ng tulungan ko sya pero kaya naman na nya.

"Kuya." Tawag ko ulit sakanya.

Napaiwas sya ng tingin at napangiti. "Tsk. Kuya?.. When already a good wife to me?" Mahina nyang bulong kaya hindi ko maintindihan.

"Ano yun, kuya?" Tanong ko sakanya kaya tinignan nya ulit ako at pinantayan.

"Stop calling me kuya.. I'm not your brother." Seryoso nyang aniya kaya napasimangot ako. Akala ko.. magugustuhan na nya ako.

The Obsessive Lawyer [COMPLETE]Where stories live. Discover now