Chapter 15

46.6K 956 160
                                    


Chapter 15
***

Mabilis kong sinundan si Annabeth ng  tumakbo sya pero huminto din dahil hindi alam ang bathroom. Mabilis ko syang inalalayan habang nakatakip parin sya sa bibig nya at inalalayang maglakad papunta sa bathroom.

Inalalayan ko sya sa sink kung saan nakita ko sa salamin ang namumutla nyang mukha.

Inipon ko ang mahaba nyang buhok sa isa kong kamay ng sumuka na sya at nasa likod nya lang ako at nakaalalay pag bigla syang natumba habang hinihimas ang likod nya.

Madaming tumatakbo sa isip ko pero mas kinakain ako ng pag aalala sa pagsuka nya.

Mabilis kong pinalupot ang mga braso ko sa bewang nya ng sumandal sya sakin habang madiin na nakapikit.

"Are you okay? How are you feeling?" Nag aalala kong tanong at binigyan sya ng halik sa sentido.

Kung totoo nga, I'm so happy. And I want to hear it from her that she's feeling.. pregnant.

Pinatong ko ang mukha ko sa balikat nya habang madiin na nakatingin sa maganda nyang mukha na dahan dahan ng dumilat.

Nagkatinginan kami at matamis nya akong nginitian kaya tumalon ang puso ko. "Okay lang ako. Dahil siguro sa kaba lang kanina. Wag ka ng mag alala." Aniya at inabot ang pisngi ko.

Hinawakan ko ang kamay nyang nakahawak sakin habang madiin parin akong nakatingin sakanya at hinihintay na sabihin nyang...

Ilang segundong namayani ang katahimikan bago ko kinuha ang kamay nya at binigyan ng halik ang pulsuhan nya.

Baka nga siguro dahil sa kaba. Gosh. I'm just so excited.

Nilinis ko muna ang sink at inalalayang mag mumog sya bago kami lumabas.

"Oh yeah. Nagpa order ako ng pwede mong kainin--" Napatigil ako ng mabilis syang tumakbo papunta sa pizza at sa lapag lang umupo. "Habang nasa meeting ako." Pagtutuloy ko.

Nilapitan ko sya at binuhat paupo sa sofa habang makalat ng kumakain. Napahinga nalang ako ng malalim habang pinapanuod syang ubusin ang slice ng pizza.

Mabilis akong kumuha ng tissue at pinunasan muna ang gilid ng labi nya at mga kamay bago kumuha ng bagong tissue.

Kumuha ako ng isang slice ng pizza gamit ang tissue at finold para hindi na kumalat at inabot kay Bree na agad nyang kinuha.

Napangiti ako ng hindi na sya magkalat at kinuha ang plate na nandun para sa lasagna.

Kukunan ko palang sana sya ng mahina nyang hatakin ang coat ko at namumutlang inilingan.

"Why? You don't like this?" Nakakunot kong tanong at mabilis naman syang tumango kaya tumayo ako para tawagin sa intercom ang Secretary na agad namang dumating.

"You can have this." Sabi ko at inabot ang lasagna sakanya na gulat nyang inabot.

"Thank you, Sir. Hiro." Pasalamat nya at tinignan ang relo nya. "The meeting will start soon, Sir." Aniya at tumango lang ako at tinignan si Bree.

"Want something, Bree?" Tanong ko at inayos na ang coat ko.

"Burger and fries." Nag nining-ning nyang aniya kaya napangiti ako at nilapitan sya at binigyan ng halik sa labi.

Namumula nya akong tinignan matapos ang halik at hinimas ko muna ang buhok nya bago umayos na ng tayo. "Order what she wants." Utos ko at mabilis na kinuha ng secretary ang cellphone nya.

"Just stay here Bree, hmm? Wait for me." Sabi ko at tumango lang sya kaya matagal ko muna syang tinignan bago lumabas na ng opisina ko at napanatag ako ng nakapwesto na sa labas ng opisina ko ang mga tauhan ko na mag babantay kay Bree habang nasa meeting ako.

The Obsessive Lawyer [COMPLETE]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora