Chapter 20

47K 921 91
                                    


Chapter 20
***

"Sa ampunan na ata ako nag kaisip." Panimula nya at parang inalala ang nangyari. "Hindi ko kasi maintindihan kung bakit nila ako dinala sa ampunan na hindi gaya ng ibang mga bata dun ay may mga magulang ako." Malungkot nyang sabi.

Natigilan ako sa nalaman ko at nangilid ang mga luha sa pag sisisi at galit habang inaalala ang kasinungalingan na sinabi ng mga magulang nya.

Paano nila na kayang baliktarin ang batang hiro na yun? At paano ko nakaya na... paniwalaan ang mga kasinungalingan nila?

Napayuko nalang ako at pinag salikop ang mg kamay namin.

"Ah! Alam ko na! Sabi ko sa sarili ko nun ng bisitahin nila ako ng patago sa bahay ng umampon sakin at hindi ko namalayan na tinutulungan ko pala silang magnakaw." Malungkot at puno ng pagsisisi nyang aniya.

"Hiro." Tawag ko sakanya at hinawakan ang pisngi nya. "Wala ka pang kaalam alam nun. Wag mong sisihin ang sarili mo." Sabi ko sakanya at pinalibot ang tingin sa gwapo nyang mukha.

"That happened many times." Aniya at madiin kaming nagkatinginan at puno ng kalungkutan ang mga mata nya kaya parang biniyak ang puso ko.

"Minsan iniisip ko na sana ay totoong mga magulang ko nalang ang mga kumupkop sakin. Na sana... Wala nalang akong mga magulang. Pero iniisip ko palang na ilang beses silang pag nanakawan ng totoong mga magulang ko kung mag tatagal pa ako sakanila ay lumalayas nalang ako at sumasama ulit sakanila. That way, hindi na sila pagnanakawan kaso bagong target naman." Kwento nya at tahimik lang akong nakinig habang hawak ang kamay nya.

Maliit syang napangiti. "Mahal ko naman ang mga magulang ko kahit sa mga pinapagawa nila sakin." Aniya kaya napataas ang mga kilay ko at hinintay syang mag kwento.

"Kasi sa hirap at ginhawa, magkasama kaming tatlo." Aniya at mahinang tumawa.

"Bumalik kami ng Japan kung saan unti lang ang naaalala ko at akala ko mamumuhay na kami ng maayos pero ganun parin. Puro pagnanakaw. Con artist. Nakapag tapos ako ng highschool sa Japan habang sobrang gulo ng buhay ko." Kwento nya at hindi ko maiwasang mapaisip.

Pano kaya si Hiro nung highschool? Madami ba syang nakaaway?... Naging girlfriend? Siguradong sikat sya nun dahil sobrang gwapo nya. Never naman syang naging pangit.

Napahinga nalang ako ng malalim ng bumalik ang matinding emosyon na yun pero pilit kong pinipigilan dahil baka magkasakitan na naman kami.

Binaon ko nalang ang mukha ko sa leeg nya kaya pinalupot nya ang mga braso nya sa bewang ko. "Bumalik kami ng pilipinas at wala ng syempreng aampon sakin dahil hindi na ako bata at magkakapera lang sila... Kung gagamitin nila ang kagwapuhan at katawan ko." Aniya at mahinang tumawa.

"Did that happened sometimes?" Hindi ko na mapigilang tanong sakanya at nawala agad ang ngiti nya at napaiwas ng tingin.

"Sometimes... To make them fall for me then asked for their money." Aniya at tinaasan ko sya ng isang kilay habang magkatinginan kami dahil parang may hindi pa sya sinasabi.

"Then some.. using my body... When I was 18." Kinakabahan nyang amin at hindi ko mapigilang mapairap at binaon ang mukha sa leeg nya para kagatin.

"Bree." Natatawa nyang tawag sakin. "That's my dark past." Aniya at nilayo ako ng unti para magkatinginan kami.

"But then I stopped when I saw this angel at church that keeps looking at me." Seryoso na nyang aniya habang puno ng pagmamahal at lambot ang mukha nya.

"Hell, I feel so sinful while these innocent eyes are looking at me." Aniya habang nakatingin sa mga mata ko at napaiwas din.

"Yes, your parents is one of our victims." Hindi makatingin nyang amin kaya hinimas ko ang pisngi nya at dun lang sya nag angat ulit ng tingin sakin.

The Obsessive Lawyer [COMPLETE]Where stories live. Discover now