Simula

97.7K 1.7K 384
                                    


Simula
***

Humawak ako sa kamay ni daddy habang naglalakad kami paakyat ng hagdan papunta sa church.

Nginitian ko si mommy na nauuna samin ng lingunin nya kami ni daddy.

It's our normal sunday. Going to church and then family bonding since sunday is only Mommy's and Daddy's free day from work.. even Saturday they're busy.

But anyways, kuya Christian, my bodyguard is with me and so our maids. And we're going to church today. I'm happy already.

Pumasok na kami nila mommy sa church at may kaibigan agad si mommy na kumausap sakanya.

"Ito na ba si Annabeth?" Masayang tanong ng ginang na hindi ko kilala.

"Yes. Our precious Annabeth." Masayang sabi ni mommy kaya nag angat ako ng tingin sakanya at nginitian sya.

My mommy is so sweet.

"Beth, my dear, say hello to her." Masayang sabi naman ni daddy kaya nag angat ako ng tingin sakanya at malaki ang ngiti ni daddy.

"Hello.. po!" Masigla kong sabi kaya tumawa silang lahat. Napangiti din ako ng mag usap pa sila tungkol sakin hanggang sa napunta sila sa business.

Napasimangot ako at lumingon lingon nalang sa paligid. Pag tingin ko sa likod ko, nagkatinginan kami ng malaki ng lalaki.. kasi hindi na bata.

Singkit ang mga mata nya kaya napakunot ako kung nakatingin ba talaga sya sakin.

Sa akalang hindi sya nakatingin sakin, humarap nalang ulit ako kila mommy.

Siguradong hindi tiga dito yun.

Nilingon ko ulit sya at naabutan kong nag dadalawang isip syang pumasok. Bakit ayaw nyang pumasok? Hindi naman sya masusunog.. kung hindi sya bad.

Mahina akong napatalon ng sigurado ng nagkatinginan kami.

"Honey?" Tanong ni Daddy sakin kaya agad ko syang inilingan at bumalik din sila sa usapan bago mag simula ang church.

Sinundan ko ang lalaki na yun ng maglakad na papunta sa mga upuan. Hinintay ko na mag pray sya para mapatunayan na hindi sya bad ng lingunin nya ako.

Kinunotan ko sya kaya bumalik din sya sa harap. Hinintay ko ulit na mag pray sya pero nilingon nya lang ulit ako.

Nakikipag laro ba sya? Katulad ng mga ginagawa ng mga matatanda na sa mga baby pag hindi nakatingin ang mga mommy.

"Mag uumpisa na. Let's go." Sabi na ni mommy kaya naglakad na kami papunta sa harapan.

Nilagpasan namin ang lalaki na yun at matigas lang ang katawan na nilagpasan ko sya habang hindi tinitignan.

Nang matapos ang church, sobrang saya ko dahil kakain kami nila mommy sa labas. Lagi naman kaming kumakain sa labas kaso tuwing sunday lang pagkatapos ng church ako pinapayagan ni mommy kumain sa mga fast food chain.

"Where's our beth want to eat? McDo? Jollibee?" Tanong ni mommy at sasagot na sana ako ng mapatili ako sa  takot ng bigla nalang may kumuha ng bag ni mommy sa hawak nya.

"Mommy!" Natatakot kong tili at mabilis na tumakbo palayo samin ang mataba at maliit na lalaki na naka jacket kaya hindi ko nakita ang mukha habang kinukuha ang bag ni mommy.

Sinundan ko ng tingin ang lalaking naka black shirt na mabilis din tumakbo para habulin ang magnanakaw.

Nakita kong agad nya din yung nabawi sa magnanakaw na agad din namang kumaripas ng takbo sakanya.

The Obsessive Lawyer [COMPLETE]Where stories live. Discover now