Chapter 12

51.3K 1K 341
                                    


Chapter 12
***

"Wag kang lalapit.. o makikipag usap kay Tita Agatha unless may importante syang tanong." Babala ko kay Hiro at tuwang tuwa lang syang pinapanuod ako.

Inis na nag isip pa ako ng mga dapat ipag bawal ko. "Ah! Kakauwi lang ni Tita Agatha kaya wag kang makikipag beso. Naiintindihan mo?" Sabi ko sakanya at inis syang tinignan ng nginitian nya lang ako at hindi sumagot.

"Hiro." Reklamo ko sakanya at natigilan ng bigyan nya ng halik ang labi ko.

"Yes, Ma'am." Aniya kaya namula ako at aalis na sana sa pagkakakandong sakanya dahil baka maabutan pa kami ni Tita Agatha.

Mas hinigpitan ni Hiro ang hawak sakin kaya hindi ako makaalis sa pagkakakandong sakanya. "Stay." Seryoso nyang aniya.

"Hindi kita malalandi mamaya." Seryoso parin nyang aniya kaya mahina akong natawa at hinuli nya ang labi ko.

Dahan dahan na gumagalaw ang mga labi namin at napahawak ako sa dibdib nya habang nag hahalikan kami.

Lumayo ako ng may marinig akong bumusina na sasakyan sa harap ng mansion pero saglit na hinuli ulit ni Hiro ang labi ko bago tinapos na ang halik.

Aalis na sana ulit ako sa pagkakakandong ng mahigpit parin ang hawak nya sakin at mukhang ayaw nya akong pakawalan.

"We're not yet ready." Sabi ko sakanya habang nakahawak sa mga braso nya.

Masungit syang napaiwas ng tingin. "I'm ready to tell the world that we are together." Aniya kaya napakagat labi ako.

"I'm not yet ready." Sabi ko kaya dahan dahan nya akong binitawan at nakaalis ako sa pagkakakandong sakanya saktong narinig ko na ang tunog ng heels ni Tita Agatha kaya tumayo na ako.

"Fine." Rinig kong suko nalang ni Hiro kaya nilingon ko sya at napangiti. Hindi nya ako matiis, huh?

Tumayo na din sya at maya maya ay nakita na namin si Tita Agatha na malaki agad kaming nginitian.

Hindi ko naman talaga na miss si Tita Agatha pero nauna na akong lapitan sya.

"My Annabeth." Masaya nyang tawag sakin kaya maliit akong napangiti at nilahad nya ang mga braso nya para yakapin ako.

Niyakap ko si Tita Agatha at agad ding lumayo.

"Agatha."

Natigilan ako sa masayang boses na yun at napaangat ng tingin kay Hiro na sobrang sayang nakangiti.

"Hiro." Nakangiting bati ni Tita Agatha at nanlaki ang mga mata ko ng si Hiro pa ang naunang makipag beso.

Matalim ko syang tinignan habang nakikipag beso sya at nakita ko pa ang  mala demonyo nyang nang aasar na tingin.

Gumaganti ba sya dahil kanina? Dahil nakipag usap ako kay Kuya Christian? Kaasar ka Hiro!

Mahinang tumawa si Tita Agatha at madiin na tinignan si Hiro bago nilipat ang tingin sakin. "Anyways, Umorder ako ng foods on my way here, Let's eat?" Masayang tanong ni Tita Agatha.




Inis na inis ako habang kumakain at pinapanuod si Tita Agatha na nag kukwento at si Hiro naman na masayang nakikinig at excited sa bawat kwento na halatang fake pero hindi napapansin ni Tita Agatha.

"What happened next?" Excited nyang tanong kay Tita Agatha.

Ganon lang sila.. mali, Ganun lang si Hiro sa buong mag damag na kumakain kami.

"Galing ka pa ng byahe. You must be tired. You should rest Agatha." Nakangiting sabi ni Hiro na hindi na kita ang mga mata nya habang tinutulungan pa si Tita Agatha na mag ligpit ng pinag kainan namin.

The Obsessive Lawyer [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon