Chapter 14

45K 961 282
                                    


Chapter 14
***

Maaga akong nagising at naisipan kong tumulong sa paghahanda ng breakfast. Pababa palang ako ng staircase, nakita ko na ang mga maids na nag lilinis.

"Good morning po." Bati ko pabalik ng  batiin nila ako at dumiretso na ng kusina dahil siguradong naghahanda na ng almusal si Ate Mildred.

"Good morning, Ate Mil." Bati ko sakanya na naabutan kong busy mag luto.

Nginitian nya ako at nilagay ang niluluto sa plato. "Good morning, Beth. Patapos na ako mag titimpla nalang pagtapos nito." Aniya kaya mabilis na akong gumalaw.

"Ako na po." Sabi ko at kumuha na ng cup para sa coffee ni Hiro at drinking glass para sa gatas ko.

Inuna ko ang gatas ko at ininit sa microwave at habang nag hihintay nag umpisa na akong mag timpla ng black coffee ni Hiro.

Mahina akong napatalon ng biglang may yumakap sakin mula sa likod at binaon ang mukha sa leeg ko.

Sigurado akong si Hiro yun kaya gulat at namumulang nilingon ko si Ate Mildred na nakangiti lang habang nagluluto.

Ito ang unang beses na ginawa nya to ng harap harapan kay Ate Mildred dahil sya ang laging nauunang magising.

Umalis sya sa pagkakabaon sa leeg ko at tinignan si Ate Mildred habang yakap parin ako.

"Okay lang naman to diba, Ate Mildred? Tanggap mo naman na kami diba?" Tanong ni Hiro kaya mahina ko syang kinurot.

"Oo naman." Nakangiti nyang sagot kaya namula ako ng ibaon ulit ni Hiro ang mukha sa leeg ko.

"Pero pano ang ibang maids?" Nakahalukipkip na tanong ni Ate Mildred ngayon.

"They doesn't matter." Sagot ni Hiro at nag angat ulit ng tingin kay Ate Mildred. "Ikaw lang ang importante kay Annabeth. And you already accepts us, that only matters to us. Hindi na namin kaylangan ng opinion ng iba." Sabi ni Hiro kaya mas lumaki ang ngiti ni Ate Mildred.

"Pinapakilig nyo ko." Sabi ni Ate Mildred at pumunta na ng dinning room dala ang mga niluto.

Saglit namayani ang katahimikan at hinigpitan ni Hiro ang yakap sakin habang namumula parin na tinuloy ko ang pagtitimpla.

"Why'd you leave the bed early? You didn't wake me up." Tanong nya at naalala kong iniwan ko sya sa kama ko dahil sobrang himbing ng tulog nya sa pagod.

Inabot ko ang pisngi nya sa may balikat ko. "You're sleeping well." Sagot ko lang at hinalo na ang tinimpla ko.

Napalingon ako sakanya ng hawakan nya ang kamay kong nakahawak sakanya at pinagsalikop ang mga kamay namin at binigyan ng halik ang kamay ko.

Madiin kaming nagkatinginan at nilapit nya ang mukha nya sakin at binigyan ng halik ang labi ko. "Kiss me." Mahina at napapaos nyang aniya kaya namula ako at tinignan muna kung bumalik ba si Ate Mildred bago inabot ang labi nya at dahan dahan kaming naghalikan.

Habang nag be-breakfast, hinayaan kong maging malandi si Hiro. Tama sya, hindi na namin kaylangan ng opinion ng iba. Ang mga importante lang samin ang kaylangan namin.







"Bukas na nga pala mag uusap usap para sa posisyon ko." Sabi ni Hiro Kaya napalingon ako sakanya habang nakababad ang hubad naming katawan sa bathtub at sinasabunan nya ang braso ko habang nasa likod ko sya.

Napababa ako ng tingin habang inaalala ang kumpanya at sila mommy at daddy. Ayaw nilang mapunta yun sa kamay ng mga kamag anak namin..

Nalungkot ako habang iniisip palang na iba na ang uupo sa pwesto ni Hiro.

The Obsessive Lawyer [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon