Chapter 11

57.6K 1K 124
                                    

Chapter 11
***

Napakunot ako ng magising at dahan dahan na dinilat ang mga mata. Ang gwapong mukha agad ni Hiro na mahimbing na natutulog ang naabutan ko.

Gumalaw ako ng unti at bumaba ang tingin ko sa braso nya na humigpit ang yakap sa hubad kong katawan na natatakpan lang ng kumot.

Huminga nalang ako ng malalim at dahan dahan na nilapag ang isang kamay sa dibdib nya. Nakadamit na sya.

Pinag masdan ko pa ang gwapo nyang mukha bago nilingon ang orasan. Sobrang aga pa naman pero walang maids at kami lang.

"Hiro." Mahina kong tawag sakanya at ng hindi sya sumagot ay hinawakan ko na ang pisngi nya. "Hiro, gising na." Gising ko ulit sakanya.

Mahina lang syang umungol at tumagilid ng higa at mahigpit akong niyakap. "10 more minutes please." Aniya sa kagigising lang na boses.

"Pero walang mag hahanda ng breakfast natin.." napakagat labi ako. "I don't know how to cook or fry." Mahina kong sabi at inisip na kung paano mag luluto dahil mukhang napagod sya... Namula ako ng todo sa naisip.

"I'll cook. Just 10 more minutes, please? Sleep for another 10 minutes too." Aya nya at mas hinapit ako sakanya.

"Hiro." Tawag ko nalang sakanya at napanguso.

Ilang segundo lang namayani ang katahimikan at napakunot ako ng mahina syang tumawa at dahan dahan na bumangon.

"I'm just kidding. Kanina pa ako gising. I just want to feel your body." Nakangisi nyang aniya.

Agad akong namula at niyakap ang sarili habang matalim syang tinitignan at papaluin sana sya ng agad na nyang nasalo ang kamay ko at  tumibok ng mabilis ang puso ko ng ilapit nya ang mukha nya sakin.

Hahalikan nya ba ako? Tumitibok lang ng mabilis ang puso ko ng may abutin sya sa likod ko.

"Here. Drink your milk." Aniya at inabot na sakin ang baso ng gatas. So, kanina pa talaga sya gising?

Inabot ko na ang gatas at humigop ng unti. "We're actually out of groceries." Balita nya kaya nag tatanong ko syang tinignan.

"Pinigilan ko ang maid na umorder ng mga groceries so.. we could do that together. Buying groceries.. for us, this week." Dahan dahan nyang sabi habang madiin na nakatingin sakin.

Masaya talaga sya na kami lang dito sa mansion?

May kinuha sya sa bulsa nya at papel yun na nakatupi. "Actually, here's the list of what we're going to buy but.." aniya at nilukot ang papel kaya nagulat ako.

"I want you to decide of what we're going to buy. Our needs and your wants." Dagdag nya pero agad ko ng kinuha ang papel.

"Hiro! Hindi ko alam yung mga dapat nating bilhin. Let's just follow this." Sabi ko sakanya habang inaayos ang papel.

Nang hindi nag salita si Hiro, nag angat ako ng tingin sakanya at madiin lang syang nakatingin sakin at nagulat ako ng halikan nya ako.

Dahan dahan lang na gumagalaw ang labi nya pero may diin sa bawat galaw ng labi nya.

Namumulang ginantihan ko ang halik nya at dahan dahan kaming nag halikan. "God. I love it when you call my name." Napapaos nyang aniya at hahalikan sana ulit ako ng mabilis ko ng ininom ang gatas.

"Mag bibihis na ako." Mabilis kong sabi at tumayo na at namula pa ng hubad na tumakbo papuntang bathroom.


Habang tulak ni Hiro ang cart gamit ang isang kamay lang ay hawak naman nya ako sa kabilang kamay na parang may kukuha sakin.

The Obsessive Lawyer [COMPLETE]Where stories live. Discover now