Chapter 21

45.9K 919 31
                                    


Chapter 21
***

Napatingin ako sa madaming paro-parong naglilipadan sa mabulaklak na garden kung nasaan ako.

Napaangat ako ng tingin sa maaraw na kalangitan ngunit hindi masakit sa mata at balat dahil maaga pa.

"Ma'am Annabeth." Tawag sakin ni sarah na isa sa maid kaya napalingon ako sakanya at nginitian sya ng ayun na pala ang bacon na hinihintay ko.

"Salamat. Ito na ba ang huli?" Tanong ko sakanya at inayos na ulit ang mga pagkain na pinaluto ko sa picnic blanket.

"Opo, ma'am Annabeth." Aniya at tinulungan ako sa pag aayos.

Naisipan kong surpresahin si Hiro ng picnic breakfast sa garden kaso hindi ako marunong mag luto kaya nag paluto nalang ako at ako nalang ang naghanda ng lahat.

Gusto pa akong alalayan ng mga maid sa pag aayos pero tumanggi na ako dahil kaya ko naman. At pinipigilan na talaga nila ako ng gusto kong mag dilig sa garden pero hindi ako nag papigil at napapayag ko sila ng nangako akong titigil ako pag napagod ako.

Alam nilang nag dadalang tao ako at dahil sa OA na Daddy Hiro, binilin nya sa maid na wag akong pagalawin at hayaan na mapagod.

"Sorry, nag paluto pa ako. Hindi kasi ako marunong." Nahihiya kong sabi at inilingan nya lang ako at nginitian.

"Okay lang po, ma'am Annabeth. Trabaho po namin yun at bilin din po ni Sir. Hiro na wag kayong pagalawin." Aniya at nginitian ulit ako.

Tinignan ko sya at nginitian din. Mas bata sakin si Sarah at sobrang bait, maganda at masiyahin sya. Sya ang unang naging close ko sa mga maids.

"Pero mas matutuwa po si Sir. Hiro kung kayo po ang mag luluto." Aniya kaya nahihiyang napaiwas ako.

"Sa tingin mo?" Tanong ko sakanya at masaya nya akong tinanguan. "Kahit sunog?" Dagdag ko ng maalala ko ng sinubukan kong mag prito at parehas lang kaming natawa.

"Oo naman po." Masaya nyang aniya at saglit nya akong tinulungan sa pag aayos ulit bago nag paalam na babalik na sa loob.

Nang makaalis si Sarah, tinignan ko muna ang hinanda ko at napangiti bago tatayo na sana para gisingin si Hiro.

"Where is your Ma'am Bree?" Rinig kong tanong ng halatang kakagising palang na boses na yun sa hindi kalayuan.

Mabilis akong lumingon dun at agad kong nakuha ang pansin nya kaya hindi na sumagot si Sarah at nag paalam nalang at masayang pumasok sa loob ng mansion.

Madiin kaming nagkatinginan ni Hiro na sobrang gwapo kahit bagong gising at nginitian sya.

Naglakad na sya papunta sakin at nakita kong tinignan nya ang hinanda ko at maliit na napangiti ng ibalik ang tingin sakin.

Gusto ko syang salubungin at tatayo sana ng mahirapan ako. Nakita kong binilisan nya ang lakad nya at nag angat ako ng tingin sakanya ng nasa harap ko na sya at nilahad nya ang mga kamay nya sakin.

Inalalayan nya akong bumangon at napangiti ako ng ipalupot nya agad ang mga braso nya sa bewang ko at hulihin ang labi ko.

Dahan dahan nya akong hinalikan at sinundan ko lang ang galaw ng mga labi nya.

"Good morning." Napapaos nyang bati sakin at nginitian ako.

"Morning." Bati ko habang madiin na nakatingin sakanya at saglit na tinignan ang hinanda ko bago binalik ang tingin sakanya. "So, picnic date?" Tanong ko sakanya at masaya nya akong nginitian.

"Sure." Masaya nyang aniya.

Inalis na nya ang hawak sakin pero binalik din ng dahan dahan na akong umupo at inalalayan nya akong umupo.

The Obsessive Lawyer [COMPLETE]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora