Chapter 17

42.9K 936 138
                                    

Chapter 17
***

Dahan dahang huminto ang takbo ng sasakyan ng nasa harap na namin ang malaking gate. Ayokong maging curious pero napakunot ako ng wala pa akong nakikitang bahay mula sa gate.

Bakit sobrang layo ng gate mula sa bahay mismo?

Bumusina si Hiro at lumabas agad ang nag babantay sa gate. "Sir. Hiro!" Masaya nyang bati ng binaba ni Hiro ang bintana nya.

"Dito kayo matutulog?" Masaya nyang tanong. "Kasama nyo na si ma'am?" Dagdag nya pa at nilingon ang tabi ni Hiro bago nilipat sakin sa likod ng hindi ako makita sa tabi ni Hiro sa passenger seat.

Mukhang mabait naman may katandaan ng bantay pero nag iwas lang ako ng tingin.

"Yes." Sagot lang ni Hiro at maya maya lang, narinig ko ng pinagbuksan sya ng gate at umandar na ulit ang sasakyan at nararamdaman ko ang tingin ni Hiro sakin.

Nasagot ang tanong ko kung bakit sobrang layo ng gate sa bahay mismo dahil hindi basta bahay ang nasa harap ko... Mansion.

Kahit madilim na, nakikita ko ang magagandang halaman at may fountain pa sa gitna at sa likod nun, ang napakalaki at sobrang gandang mansion.

Nagliliwanag ang mansion dahil sa mga ilaw at mas dumagdag yun sa ganda ng mansion sa gabi.

Mas malaki at mas maganda sa mansion namin nila mommy... Napakuyom ako at pinigilang mamangha at napayuko nalang.

Tumigil na ang sasakyan sa harap ng mansion at nakita kong agad na binuksan ng mga maids ang double doors at luminya lahat ng tauhan.

Umiwas ako ng tingin sakanila at nagkatinginan kami bago sya bumaba na ng sasakyan. Pinanuod ko syang umikot at hindi ko sya nilingon ng pagbuksan nya ako ng pinto.

Hindi ako bumaba at tahimik nya lang akong hinintay bago nilahad ang kamay nya sakin.

Galit kong tinignan ang kamay nya sa harap ko at masama syang tinignan bago bumaba na ng hindi inaabot ang kamay nya.

Nakatingin lang ako sa harap ko ng makababa ako at nararamdaman ko ang tingin ni Hiro sakin.

Alam kong pinapanuod kami ng mga maids dahil paiwas iwas sila ng tingin samin. Narinig kong sinarado na nya ang pinto sa likod ko at saglit akong natigilan ng hawakan nya ako sa bewang.

Nauna na akong lumakad para mawala ang hawak nya at narinig ko din naman syang sumunod sakin.

Pinapanuod ng mga maids ang pag taas ko at alam kong tinatantsa pa nila ang ugali ko. Gaya kanina sa bantay, nag iwas lang ako ng tingin sakanila.

"Welcome home, Ma'am Annabeth." Sabay sabay nilang bati sakin ng nasa harap na nila ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya nag iwas lang ulit ako ng tingin.

"Papapiliin ko ang mga maids sa mansion kung gusto nila dito mag trabaho o mag stay sa mansion para ma-maintain ang kalinisan." Aniya ng nasa tabi ko na sya.

"Gusto kong umuwi." Sabi ko at nakita kong napaiwas ng tingin ang mga maid bago ko sya hinarap.

Madiin nya lang akong tinignan at napababa ng tingin. "No. You'll stay here in our house." Aniya bago nag angat ulit ng tingin sakin.

Matalim ko syang tinignan. "You stay here. I'll stay in our mansion specially now..." That I know you killed my parents.

Tinalikudan ko na sya at nakaisang hakbang lang ng pigilan nya ako sa braso pero sobrang gaan lang ng hawak nya sakin na parang ayaw akong masaktan sa hawak nya.

"Stay here o ipapasarado ko ang mansion." Aniya kaya natigilan ako at sobrang galit at sakit syang tinignan.

S-sobrang sama nya. Ipapasara nya ang mansion? Nandun lahat ng alaala ko kila mommy. Hindi ko hahayaan na maabanduna ang bahay na pinuno namin nila mommy ng masasayang alaala.

The Obsessive Lawyer [COMPLETE]Where stories live. Discover now