Chapter 16

41.9K 924 324
                                    

Chapter 16
***

Saglit akong natigilan pero tumuloy na din sa paglalakad papunta sa room ko. Hindi nya tanggap ang relasyon namin.. Hindi sa gusto kong tanggapin nya kami o pilitin sya, walang magandang mangyayari kung sasama ako sakanya.

Hindi nya kami tanggap at gusto nya kaming sirain.

Hindi ko hinayaan na ma-distract ako sa sinabi ni Kuya christian sa buong klase ko at nakinig nalang ng mabuti.

Tama din si Hiro sa sinabi nya na hindi na kayang pumasok ni Bikoy dahil absent sya sa lahat ng subject.

Napahinga nalang ako ng malalim habang naglalakad sa hallway para puntahan si manong at ayain na mag lunch sa labas.

Dalawang sobrang importante sakin dati ang nawala na sakin ng tuluyan. Sanay na ako na pasulpot sulpot nalang si Bikoy dahil paiba iba sya ng school at sanay na din ako na wala si Kuya Christian simula ng masisante sya.

Pero bumalik silang dalawa sa buhay ko at masakit na mawawala din sila ng tuluyan sakin.

Napahinto ako sa paglalakad ng tumunog ang cellphone ko at agad ko yung kinuha at binasa ang mensahe.

From: My good boyfriend who buys me chicken.

I'll pick you up. I'll buy you lots of chicken. The super crispy one. Does my babies want that? I miss you.

Malaki akong napangiti habang binabasa ang message nya.

Ah, I'm fine. I have Hiro with me. Ayun lang, sapat na.

"Yes!" Masaya kong reply at hindi maiwasang matakam. Gusto ko ng chicken!

Pero "My babies"?

"May kaylangan kang malaman..." Natigilan ako ng marinig ko ulit ang boses na yun sa likod ko at hindi nalang sana ulit sya papansinin at tutuloy nalang sana sa paglalakad.

"..Tungkol kay Hiro." Dagdag nya at ayun ang hindi ko kayang palagpasin nalang.









"San mo ko dadalhin, Kuya Christian?" Tanong ko sakanya habang naglalakad kami palabas ng school.

Lunch break ngayon kaya malaya kaming nakalabas ng school at kanina ko pa tinext si manong na hintayin nalang ako sa sasakyan at pupuntahan ko sya ng balak ayain syang kumain.

"Sandali lang tayo." Seryoso nyang aniya habang nakatingin lang sa harap namin.

Tumango lang ako. Sana nga sandali lang dahil papunta na si Hiro.

Nilingon ko sya ng makita kong malapit na kami sa ice cream parlor na pinag tatrabauhan nya malapit sa school.

"Pano ang trabaho mo?" Tanong ko sakanya ng pagbuksan nya ako.

Ngayon lang sya nagbaba ulit ng tingin sakin. "Sinesante na ako." Sagot nya kaya napaiwas ako at napaisip kung may kinalaman ba ang ginawa ni Hiro o si Hiro mismo.

Tinanguan lang ni Kuya christian ang lalaki na siguradong dati nyang katrabaho at kaibigan na naka shift ngayon.

Inalalayan nya akong umupo sa may pang apatang table sa tabi ng glass wall kung saan kita ang labas.

Nakatingin lang ako sa dalawang upuan na nasa harap ko at inisip kung sino ang dapat kong makilala na may kinalaman kay Hiro.

Hindi ako kinakabahan dahil kung ano mang malaman ko.. hindi ko hahayaan na makaapekto samin.

"Dito ko sila nakilala kaya napag usapan naming dito nalang magkita." Sabi ni Kuya christian at seryoso akong tinignan bago namin marinig ang tunog ng pagbukas ng glass door.







The Obsessive Lawyer [COMPLETE]Where stories live. Discover now