Chapter 13

51.8K 1K 119
                                    

Chapter 13
***

Naghihintay ako ngayon sa may sasakyan nya dahil tapos na ang klase ko. Nakatayo lang ako sa may labas ng passenger seat at hindi muna pumasok.

Lumilipad ang utak ko kaya nagulat ako at mabilis na napaharap sa may humawak sa kamay ko at matalim ko agad na tinignan si Hiro na nakangisi ngayon sa harap ko at sobrang lapit namin.

"What are you thinking?" Tanong nya at tinaas ang isa kong kamay at binigyan ng halik ang kamay ko.

Namula ako pero mabilis ding natigilan ng may marinig akong nagtatawanan hindi malayo samin.

Mabilis kong binuksan ang pinto ng passenger seat at kinakabahan na pumasok.

Muntikan na kaming mahuli. Sabi ko sa sarili ng panuodin silang lagpasan kami at nakita kong binati pa nila si Hiro na seryoso nya lang tinanguan.

Nang makaalis na ang grupo ng mga studyante na yun, bumalik ang ngiti ni Hiro at bubuksan sana ang pinto ng passenger seat ng mabilis kong nilock.

"I'm sorry, bree." Hingi nya ng tawad sa muntikan na naming pagkahuli. "Give me a kiss." Hirit nya pa habang kinakatok ang bintana ko.



"Where are we going?" Pangalawa ko ng tanong sakanya habang pinapanuod lang ang labas habang nag mamaneho sya.

"Just trust me." Aniya at saglit akong nilingon at nginitian bago binalik ang tingin sa kalsada. "It's my favorite restaurant and they sell the best burgers." Masaya nyang aniya kaya napatango nalang ako.

Mangha din akong napapatango ng may madaming magagandang shops kaming nalalagpasan.

Siguro sobrang ganda din sa sinasabi ni Hiro, huh?

"Let's stop here." Aniya kaya napalingon ako sakanya na bumaba na para pagbuksan ako.

Inalalayan nya akong bumaba at napalingon ako sa paligid. Wala akong nakikitang Burger shop o kahit na anong shop!

"Papasok pa tayo sa eskinita na yun." Natatawa nyang aniya ng mapansin ang katanungan sa mukha ko.
"Well, sobrang sarap sa shop na yun kaya tago." Dagdag nya pa.

Naglakad na kami sa eskinita na tinuro nya at hindi naman madumi at maliwanag pa.

Napalingon ako kay Hiro ng kunin nya ang bag ko at sinukbit sa isa nyang balikat bago hinawakan ang isa kong kamay at pinag salikop.

Napangiti ako ng mukha syang bad boy ngayon lalo na sa nakatali nyang mahabang buhok.



Napaangat ako ng tingin sa shop na sinasabi ni Hiro ng huminto kami sa paglalakad.

Sa harap ko ay siguradong matagal ng burger shop. Malinis naman sa labas pero siguradong luma na ang mga materyales na ginamit sa shop.

"Come on, Rich girl. Don't judge the book by its cover. They sell the best food here." Pang aasar nya kaya matalim ko syang tinignan.

Pinagbuksan nya ako ng glass door at nauna na akong pumasok. Hindi gaya sa labas, mukha namang bago ang mga upuan pero mukhang makaluma parin ang disenyo sa loob lalo na at may mga makaluma ding gamit.

Inalalayan ako ni Hiro umupo sa mahabang upuan at dun ko lang napansin na kami lang customer.

Sana naman hindi dahil sa disenyo ng restaurant sa labas.

"Kuya Ben." Bati ni Hiro sa may katandaan at katabaan na halatang may half na lumabas sa counter.

"Hiro!" Masaya nyang bati at tinignan ako. "Tagal mo ng hindi nakakapunta dito." Dagdag ni Kuya Ben gaya ng tawag ni Hiro.

The Obsessive Lawyer [COMPLETE]Where stories live. Discover now