Chapter 18

44.7K 1K 130
                                    


Chapter 18
***

"Hmn! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Galit kong tanong sakanya at pilit syang tinutulak pero hindi man lang sya gumalaw kahit unti.

Mas diniin nya ako sa pader at mas hinigpitan ang hawak sa isa kong kamay at madiin ulit akong hinalikan habang nakahawak sa batok ko.

Mahina akong napapadaing sa hapdi ng labi ko at napapakunot ako sa sakit. Pilit ko ulit syang tinutulak pero  madiin nya lang akong tinignan.

Inis ko syang tinignan pero para sa sarili yun. Bakit ang sarap parin ng halik nya kahit sa marahas na paraan?

Dahan dahan nalang akong nanghina at kumapit sakanya habang dahan dahan na pilit ginagantihan ang halik nya.

Ilang segundo lang naging marahas ang halik nya at unti unti yung bumagal at malambot at matamis na akong hinalikan.

Mahina akong napapaungol sa halik nya at parang napapaso ako sa hawak nya. "Hmmn." Mahina kong ungol ng pumunta ang hawak nya sa leeg ko mula sa batok ko at naramdaman ko ang kiliti sa mga haplos nya.

Nagkatinginan kami ng bitawan nya ang kamay ko at pumunta ang isa nyang kamay sa bewang ko. Madiin nya akong tinignan at bumaba ang tingin nya sa labi ko bago hinuli ulit ang labi ko.

Dahan dahan kaming naghalikan at unti unting naging mapusok yun at humigpit ang kapit nya sakin ng may kumatok sa pinto ng kwarto at dahan dahan na bumukas ng pinto.

"S-sir. Ang g-gabihan ni Ma'am Annabeth?" Halata ang gulat sa boses ng maid.

Lumayo si Hiro sa halikan namin at madiin muna akong tinignan bago seryosong nilingon ang maid. "Bring Annabeth's dinner here." Utos nya.

"Sige po, Sir. Hiro." Sagot ng maid at umalis din.

Nang masarado ang pinto, madiin ulit kaming nagkatinginan. Mabilis na tumitibok ang puso ko lalo na ng bumaba ulit ang tingin nya sa labi ko.

Inangat nya ang kamay nya at dahan dahan na hinawakan ang labi ko na sigurado akong namumula.

"I still want to kiss you." Napapaos nyang aniya at madiin ulit akong tinignan.

Pumunta ang tingin nya sa buhok ko at dahan dahan na hinimas yun. Parang napapaso ulit ako ng bumaba ang kamay ni Hiro sa leeg ko at dahan dahan na inalis ang mga buhok ko na nakaharang sa balikat ko.

"Hiro." Tawag ko sakanya ng ilapit nya ang mukha nya sa leeg ko at binigyan ako ng magaan at maliliit na halik.

"Ughh." Mahinang daing ni Hiro na parang nag pipigil. "It's dinner time, Bree." Bulong nya at lumayo na sakin kasabay ng katok ng maid sa pinto.






Akala ko ba dinner time? Tanong ko sa sarili habang nakaupo na sa kama at nasa harap na ang tray ng pagkain.

Pinakawalan na nya ang labi ko at hahalikan sana ulit ako ng pigilan ko na sya.

"Stop horny-hiro. I'm hungry." Saway ko sakanya kaya mahina syang tumawa at binigyan ng mabilis na halik ang labi ko.

"Eat your food." Nakangiti nyang aniya at pinatong ang isa nyang siko sa tuhod nya at pumangalumbaba habang pinapanuod ako.

Napaiwas nalang ako ng tingin sakanya at kinuha na ang spoon ko. Sya... Kumain na ba sya?

"You should eat too." Dahan dahan at mahina kong sabi at tinignan muna ang madaming pagkain sa harap ko bago sya tinignan.

"Really?" Masaya nyang tanong at kinuha ang spoon na hawak ko. "Okay ma'am." Aniya at mas lumapit sakin. "Then let me feed you, Bree."






The Obsessive Lawyer [COMPLETE]Where stories live. Discover now