Chapter 6

51.9K 1.3K 205
                                    

Chapter 6
***

"Ma'am Annabeth, gising na." Gising ni Ate mildred sakin. Napakunot ako at dahan dahan na dumilat.

Gusto ko pang matulog.

"Gising na, Annabeth. Hinihintay ka ni Sir. Hiro. Sabay daw kayong kumain." Sabi ni Ate mildred kaya nagulat ako.

Nandito pa si Kuya Hiro? Minsan nalang kami mag sabay mag almusal kasi lagi syang busy.

"Kanina ka pa hinihintay." Dagdag ni Ate mildred kaya tumango lang ako at bumangon na.

Nang umalis na si Ate mildred, Inabot ko ang cellphone ko at napangiti agad ng may message mula sakanya.

"Good morning, babe. Eat your breakfast." Napangiti ako sa message ni Oliver.

Tatlong linggo na kami ni Oliver simula ng sagutin ko sya. Nag transfer ulit sa ibang school si Bikoy kaya wala akong naging kaibigan.

Nakilala ko si Oliver na player ng school at naging mag kaibigan agad kami dahil palabiro at makulit si Oliver. Hanggang sa niligawan nya ako.

"Good morning. I'll eat my breakfast now. Ikaw din." Reply ko bago tumayo na at lumabas ng kwarto ko.

Dumiretso ako sa dinning room at nandun nga si Kuya Hiro na nakaayos na at hindi pa nag sisimulang kumain.

"Kuya Hiro." Bati ko lang sakanya at dahan dahan ng umupo sa gilid nya.

Tumango lang sya at kumuha na ng sariling pagkain kaya kumuha na din ako.

Simula ng pumasok na ulit ako matapos mawala nila mommy at daddy.. hindi na kami naging close ni kuya hiro.

Lagi syang busy at sa gabi nalang kami nagkikita. Minsan nalang din kami mag usap.

Tahimik lang kaming kumain, gaya ng dati. Mga tunog lang ng kubyertos ang naririnig ko.

Natigilan ako ng tumunog ang cellphone ko. Tinignan ko si Kuya Hiro at tuloy lang sya sa pagkain kaya dahan dahan kong kinuha ang cellphone ko sa gilid ko.

"I'm on my way to school. Meeting with coach. Still eating?" Text ni Oliver.

Mabilis lang akong nag reply. "Yes."

Agad din naman syang nag reply kaya maliit akong napangiti. "Then, wag ng mag reply. Eat well."

"Stop texting with your boyfriend and eat your breakfast." Madiin na sabi ni Kuya Hiro kaya binaba ko ang cellphone ko.

Alam ni Kuya Hiro na may boyfriend ako. Sinabi ko sakanya at wala namang problema.

Tumuloy na ako sa pagkain pero napaangat din ng tingin kay Kuya Hiro ng tumayo na sya.

"I'll go now. Finish your food." Aniya at sinuot na ang coat nya bago madiin akong tinignan. "Follow my only rule. Be home after school." Aniya bago iwan na ako.

Sinundan ko lang sya ng tingin hanggang mawala sa paningin ko at napatingin ako sa pagkain ko. Wala na din akong gana.

Tumayo na ako at dumiretso na sa kwarto ko para mag ayos at pumasok sa school.




Gaya ng dati, Nabored lang ako sa school lalo na't ako lang ata ang walang kaibigan. Pero nakinig ako ng mabuti lalo na at college student na ako.

Dapat galingan ko din kagaya ni Kuya Hiro nung college sya.

"Dismissed." Sabi ng prof namin kaya tumayo na ang iba. Inayos ko na ang mga gamit ko at tinignan ang cellphone kung may text si Oliver.

Gusto kong makausap man lang sya bago ako sunduin ng driver.

The Obsessive Lawyer [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon