Wakas

66.2K 1.4K 243
                                    

Wakas
***

Magkahawak ang kamay kaming pumasok ni Hiro ng Airport at napaangat ako ng tingin sakanya ng ipalibot nya agad ang isa nyang braso sa bewang ko at sobrang lapit na talaga namin sa isa't isa.

Madaming lumilingon samin kaya lalong dumidilim ang mukha ni Hiro. Suot ko ngayon ang magandang puting off shoulder dress na may pagka unting revealing sa may chest part.

I just want to tease him at pinayagan naman nya ako.. pero ganto naman kami kalapit habang naglalakad sa airport, namula nalang ako sa hiya.

Saglit kong nilingon ang mga tauhan ni Hiro dala ang gamit namin kung nakakasunod ba sila dahil pipila na kami.

Hindi ko alam ang flight namin kaya huminto ako sa paglalakad dahil baka mamaya pa kami at kaylangan mag hintay muna o di kaya pipila na pero hindi ko alam kung saan.

Huminto din si Hiro sa paglalakad at nag tatanong akong tinignan. "Anong oras ba flight natin?" Tanong ko at naisip na dapat kanina ko pa tinanong. "Mag boboard na ba?"

Tinignan din ni Hiro ang mga pila bago nag baba ng tingin sakin. "We're not there." Aniya kaya napakunot ako.

Inalalayan na ako ni Hiro na maglakad papunta sa kung saan at maya maya ay may nag assist samin mula sa airline.

Parang may ideya na ako habang naglalakad kami at kita sa labas ang madaming nag gagandahang Airplane at Private Jet.

My parents don't own a plane or private jet. They take normal flights and first class flights when they go on a business trip.

Lumabas na kami at bago pa tumama ang malakas na hangin sakin napatingin ako kay Hiro ng isuot nya sakin ang coat nya.

Tumibok ng mabilis ang puso ko at madiin kaming nagkatinginan habang inaayos nya ang coat nya sakin.

"Bree." Tawag nya sakin at nilahad ang kamay nya. Napangiti ako ng tawagin nya ako at inabot ang kamay nya.

Pinag salikop nya ang kamay namin at nginitian ako bago sabay na kaming naglakad at saglit ulit akong napahinto ng makita ang Private Jet na nakahanda na at nag hihintay samin kasama ang crew.

Tumuloy na din ako sa paglalakad at pabirong matalim na tinignan si Hiro. "Stop slapping me with your riches, Mr. Saito." Sabi ko sakanya at nginitian nya lang ako.

"What's mine will be yours too soon, Ms. Gallego and you'll be mine, completely." Aniya.

Binati kami ng crew at ng magiging pilot bago ako inalalayan ni Hiro paakyat at kaagad na bumugad sakin ang maganda at mamahaling design sa loob bago bumaba ang tingin ko sa seats na puno ng red roses at hanggang lapag.

Parang nag wawala na sa bilis ng tibok ang puso ko at hinarap si Hiro na masayang nakangiti sakin.

"You prepared this?" Nangingilid ang luhang tanong ko sakanya. Madiin nya lang akong tinignan at hinawakan ang pisngi ko.

"Thank you." Pasalamat ko sakanya at nilapit nya ang mukha nya sakin at hinuli ang labi ko.

Saglit lang ang naging halik namin at madiin ulit kaming nagkatinginan bago ako sumiksik sakanya kaya natatawa nya akong niyakap.

"Why?" Tanong nya sakin kaya nag angat ako ng tingin sakanya.

"The smell of the roses is making me sleepy." Sabi ko sakanya kaya napakunot sya.

"Dizzy? You don't like the smell?" Nag aalala nyang tanong at mabilis akong umiling ng maghanda na ang crew para alisin ang mga rose.

"No. Not in a bad way. Sa sobrang bango it's making me sleepy." Sabi ko sakanya kaya napatango sya.

The Obsessive Lawyer [COMPLETE]Where stories live. Discover now