Chapter 19

43.1K 975 160
                                    


Chapter 19
***

Agad akong hinatak ng mahimbing na tulog habang nakayakap sakin si Hiro at nakaunan ako sa braso nya.

Sobrang himbing ng tulog ko ng may maramdaman akong malambot na bagay ang dumampi sa labi ko.

Dahan dahan kong dinilat ang mga mata ko at ang sobrang lapit na mukha ni Hiro ang una kong nakita.

Nilayo nya ang mukha nya ng mapansin na gising na ako at maliit syang napangiti at inangat ang kamay para himasin ang pisngi ko. "Sorry for waking you up. I was just giving you a good night kiss." Nakangiti nyang aniya at inalis ang mga buhok ko na tumatabing sa mukha ko.

Madiin kaming nagkatinginan habang hinihimas nya ang pisngi ko at bumaba ang tingin ko sa labi nya bago hinuli yun.

Mahina syang napaungol at hinawakan ako sa braso ng dahan dahan akong bumangon at ang isa naman nyang kamay ay pumalupot sa bewang ko.

Inalalayan nya akong pumunta sa taas nya at humiwalay kami sa halikan ng naka upo na ako sa matitigas nyang abs.

Madiin ko syang tinignan bago dahan dahan na tinaas ang night gown ko at madiin nya lang akong pinanuod habang nagdidilim ang mga mata nya sa pagnanasa at adorasyon.

Napahinga ako ng tinaas ko na ang night dress ko sa bandang dibdib at Feeling ko hubad na hubad na ako ng lumitaw na sa harap nya ang mga dibdib ko.

Binato ko ang night gown sa lapag at tumibok ng mabilis ang puso ko ng madiin nya akong tinignan habang dahan dahan na bumabangon.

Dahan dahan ko ding nilapit ang mukha ko sakanya at mahina akong napaungol ng mag tagpo ang mga labi namin.







Dahan dahan kong dinilat ang mga mata ko ng parang umiikot ang paningin ko at nahihilo.

Napakunot ako ng ngayon ko lang naramdaman ang ganto katinding pagkahilo.

Mabilis akong napahawak sa bibig ko ng bumaliktad ang sikmura ko at nag mamadali kong tinanggal ang kumot na nakatakip sa katawan ko at mabilis na pumunta na bathroom.

Mabilis kong inangat ang takip ng toilet bowl bago lumuhod para dumuwal.

Nangilid ang mga luha ko habang sumusuka at bumabaliktad ang sikmura ko.

Nang matapos kong sumuka, nanghihinang napaupo ako sa saglit sa lapag bago dahan dahan ng tumayo.

Umiikot parin ang paningin ko na flinush ang bowl bago naglakad na papunta sa sink at nag mumog.

Tinignan ko ang sarili sa salamin ng matapos at namumutla ako. Anong nangyayari sakin?

Napahawak ako sa tyan ko na bumabaliktad kanina at natigilan ng maalalang... May buhay narin palang nabubuhay sa loob ko at dalawa na kaming naghahati sa loob ko.

Tumibok ng mabilis ang puso ko bago dahan dahan na ginalaw ang kamay ko. Dahan dahan at maingat kong ginalaw ang kamay ko habang pinapakiramdaman sya sa loob ko.

At maliit akong napangiti ng unti unting umayos ang pakiramdam ko. "You like... Mommy,.. baby?" Dahan dahan kong tanong at napangiti.

Lumabas na ako ng bathroom at tinignan ang kama na walang nakahiga. Nasan sya?

Napatingin ako sa labas ng bintana at sigurado akong sobrang aga pa sa lagi kong gising para mag almusal na.

Nagluluto ba sya ng umagahan? Tanong ko sa sarili habang naglalakad papunta sa kama at umupo. Napatingin ako sa night gown ko na nakatiklop na sa bedside table.. pati narin ang underwear ko.

The Obsessive Lawyer [COMPLETE]Where stories live. Discover now