Chapter 3

61.3K 1.4K 547
                                    

Chapter 3
***

First day of school ko ngayon bilang grade 8 student at sobrang saya ko dahil classmate ko si bikoy at kasabay ko na lagi si Kuya Hiro na pumasok.

Mabilis ko lang na tinapos ang breakfast ko. Baka sipain ako ni kuya hiro pag babagal bagal ako.

Mabilis na akong tumayo kahit hindi pa sila tapos. Unti lang kinain ko pero nag paalam na ako kila mommy.

"You're full?" Tanong ni mommy ng halikan ko sya sa pisngi.

"Opo." Sagot ko at si daddy naman ang nilapitan at hinalikan.

"Bye daddy." Paalam ko.

"Take care, my Beth." Sabi ni daddy kaya nginitian ko sya at dumiretso na ng kusina para kunin ang baon ko.

Pagpasok ko ng kusina nakita kong nakahanda na ang baon ko. Nginitian ako ni ate mildred. "Baon mo." Aniya at inabot na sakin ang baon at ang pinagawa kong baon pa.

"Para sa kaibigan mo na si bikoy." Aniya at inabot na ang paper bag na may isang sandwich at juice.

Niyakap ko si ate mildred. "Thank you." Masaya kong sabi sakanya at niyakap nya lang din ako pabalik.

Sa lahat ng maid namin, si ate mildred lang ang close ko.

Lumabas na ako ng mansion at pumasok sa sasakyan na lagi kong sinasakyan pag pumapasok. Umupo ako sa gilid para sa tabi ko si Kuya Hiro.

Napangiti ako. Mabagal akong gumalaw kaya minsan late ako sa school. Pero ngayon sabay na kami ni Kuya Hiro dapat bilisan ko lagi para magustuhan nya ako.

Tinignan ko ang paperbag na hawak. "Siguradong magugustuhan na ni Kuya na maging kapatid ako." Masaya kong sabi sa sarili at napatingin kay kuya hiro na lumalabas na ng mansion.

Mangha ko syang pinanuod. Bumagay ang salamin na binigay ko kay Kuya Hiro sa mga mata nya. Lalo syang gumwapo.

"Ang swerte ng magiging girlfriend ni Kuya Hiro." Bigla kong sabi kaya nagulat ako sa sinabi.

God! 14 palang ako! Anong pinag sasabi ko?

Magkasalubong ang mga kilay na naglakad si Kuya Hiro papunta sakin. Agad ko syang nginitian at pagbubuksan sana sya mula sa loob ng buksan na nya ang pinto.

Inayos ko pa ang palda ko sa akalang sasakay na sya.

"My Car." Sabi nya lang kaya napakunot ako.

Huminga sya ng malalim at hinatak na ako pababa. "We'll use my car." Aniya kaya na-excite ako.

Unang beses kong makakasakay ng sasakyan ni Kuya Hiro!

Nauna ng maglakad si Kuya Hiro papunta sa sasakyan nya na regalo ni daddy sakanya nung grumaduate sya. Tumanggi si Kuya Hiro pero napilitan din dahil kay daddy.

Pinagbuksan na ako ni Kuya Hiro ng passenger seat at nginitian ko sya bago pumasok na at inalalayan nya pa ako.

Tumibok ng mabilis ang puso ko. Aagahan ko na lagi para mabait si Kuya Hiro.

Nakangiting tinignan ko si Kuya Hiro at nagulat ako ng taasan nya ako ng kilay.

"You're always late. Why in hurry today?" Tanong nya at nangingilatis akong tinignan.

Napasimangot ako. Inagahan ko na nga eh! Nasungitan parin. Mag rereklamo na sana ako ng sungitan nya ulit ako.

"Why? Do you have crush?" Bintang nya at itutulak na naman sana ang ulo ko gamit ang hintuturo nya.

Sayang naman ang una kong plano. Plan B!

"Huh? So excited to see him--" Napatigil sya sa pag susungit at pag tulak sa ulo ko ng iabot ko sakanya ang paperbag na hawak.

The Obsessive Lawyer [COMPLETE]Where stories live. Discover now