Chapter 8

55.9K 1.2K 393
                                    

Chapter 8
***

"Yayayain mo sya na sabay kayong mag dinner sa restaurant na napag usapan natin at sabihin mo na mauuna ka." Plano ni Betty na agad kong inilingan.

"Hindi ako hahayaan ni Kuya Hiro na pumunta dun ng mag isa." Sabi ko sakanya kaya natahimik sya.

"Hmm.." napaisip sya. "Subukan muna natin then.. kung hindi pumayag, tumakas tayo and sabihin mo na nasa restaurant ka na." Aniya.

"Papagalitan naman ako ni Kuya Hiro." Sabi ko sakanya at kinunotan sya ng ngitian nya ako.

"Kung naging kami naman ni Kuya Hiro mo pagkatapos naming mag date edi hindi ka nya papagalitan." Masaya at kinikilig nyang aniya.

Natahimik ako at tumango nalang.

"So, sabay kaming kakain under reservation mo and pwede ka namang kumain under reservation ko." Plano nya at masaya akong nginitian.

Napahinga nalang ako ng sobrang lalim at tumango.

"Mauuna na ako sa restaurant." Excited at mahinang tili ni Bikoy sa tabi ko ng matapos na ang huli naming subject bago mag break.

Maliit ko lang syang nginitian habang inaayos ang mga gamit ko at dahil sa sobrang excited nya, nauna syang mag ligpit at kinawayan lang ako bago tumakbo na palabas ng room.

Napahinga ulit ako ng malalim. Nakailang hinga na ba ulit ako ng malalim ngayong araw? Tumayo na ako at sinukbit ang bag ko bago huling lumabas ng room.

Kakalabas ko pa lang ng room at agad kong nakita si Kuya Hiro at nasa likod nya lagi si Ate Mia.

Agad na inabot ni Kuya Hiro sakin ang plastic bag na puno lagi ng snacks mula sa 7eleven.

"Thank you." Pasalamat ko. Lagi nalang akong binibigyan ni Kuya Hiro ng pagkain.

Gusto nya ba akong patabain? Dati lang pinag bawalan nya akong kumain ng mga snacks kasi unhealthy daw and now I'm being pampered.

"How's class?" Tanong ni Kuya Hiro at kinuha ang bag ko. Hindi si Kuya Hiro ang teacher namin ngayon dahil paiba iba ang schedule ng subject namin.

"Okay lang." Sagot ko habang tinitignan ang loob ng plastic bag dahil nagugutom na din at agad na natakam ng makita ang pocky.

Agad ko yung kinuha at binuksan. Kumuha ako ng isang stick at sinubo muna habang inaayos ang mga hawak.

Napatingin ako kay Kuya Hiro ng ilapit nya ang mukha nya sakin. "Ahh?" Aniya habang madiin na nakatingin sakin.

Natulala ako saglit bago kinagat muna ang nasa bibig ko at bago kumuha ng pocky ulit para kay Kuya Hiro.

Gulat akong napatingin kay Kuya Hiro ng kagatin nya ang kinagatan ko ng pocky stick at hinatak pa mula sa pagkakahawak ko.

"Huh?" Tanong ko sakanya ng hawak at kinakain na nya ang pagkain ko.

Kumuha ulit ako sa box at inabot sakanya pero inilingan na nya. Bakit nya pa inagaw yung akin?

"Kuya Hiro, sabay tayong mag lunch." Aya ko sakanya gaya ng plano. Tumango naman agad si Kuya Hiro.

"What do you want to eat?" Tanong nya.

"Pasta." Sagot ko. Tumango sya at sinukbit na ang bag ko.

"Let's go." Aniya at hinawakan ang kamay ko.

"May meeting kayo Sir. Hiro." Nakangiting sabi ni Ate Mia ng harapin sya ni Kuya Hiro.

Agad kong naisip ang plano. "Mauuna na ako. Nag pa reserve na ako." Mabilis kong sabi.

The Obsessive Lawyer [COMPLETE]Where stories live. Discover now