Chapter 7

54.2K 1.1K 151
                                    


Chapter 7
***

Inayos ko ang suot na coat ng mag sisimula na ang hearing. Umupo na ako sa pwesto ko at hinintay ang client na dedepensahan ko.

Tumingin ako sa cellphone ko kung may tawag ba mula sa mansion. Nagpapahinga parin sya mula sa nangyari kahapon.

Napahinga ako ng maalala ang nangyari at kinalma ang sarili ng hawak ng dalawang pulis na lumapit sakin ang leader ng drug syndicate.

Tumayo ako at walang emosyon na nakipag kamay lang ng tanggalin ang posas nya.

"Attorney Hiro, galingan natin." Nakangiti nya agad na sabi bago pa ako mag pakilala.

Umigting ang panga ko. Pinaimbestigahan na nila ako?

Tumango lang ako at nilahad ang upuan. Pinanuod ko syang nilingon ang mga tauhan nya sa likod namin bago prenteng umupo na.

Inayos ko ang necktie ko bago umupo na sa tabi nya at maya maya lang ay nag simula na ang hearing.

Tahimik lang akong nakinig sa attorney na laban sa client ko at madami syang nilabas na ebidensya laban sa client ko.

Mga transaction ng droga sa pilipinas at sa ibang mga bansa.

"Umapila ka." Madiin na sabi ng isang tauhan ng client ko sa likod ko.

"Manahimik ka!" Madiin na sabi ng client ko sa tauhan. "Siguradong may pasabog yan." Sabi nya habang nakatingin sakin at tumango. "Isa sya sa pinaka magaling na attorney sa pinas." Aniya at mahinang tumawa.

Nang ako na ang pwedeng mag salita, I did my job.. pero hindi ko pinanalo.

"Guilty." Hatol ng judge dahil sa kulang na mga ebidensya na makakapag laya sa client ko.

Hindi ko pinasa ang hinanda nilang pekeng mga ebidensya kasama ang CEO ng law firm kung nasaan ako.

"Magbabayad ka." Madiin at galit na galit nyang sabi sakin habang pinoposasan ulit sya ng mga pulis.

Walang emosyon ko lang syang tinignan at pinanuod syang hatakin ng mga pulis. Nakita ko pa ang pagtingin nya sa mga tauhan nya na nasa likod ko.

Naramdaman kong tumayo ang mga tauhan nya at naglakad na palayo. Dahan dahan ko silang nilingon at matalim nila akong tinignan habang naglalakad palabas ng court.

Nang makaalis sila, kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si slate. "Bantayan nyo ng maigi si annabeth." Sabi ko sa kabilang linya ng sagutin nya.

"Noted." Sagot lang ni Slate at narinig ko ang pag aalarma nya sa mga tauhan nya.

Binaba ko na ang tawag at inayos na ang gamit bago lumabas ng court kasama ang dalawang bodyguard.



"..fuck off." Type ko sa dulo ng resignation letter ko at saglit pang binasa yun bago i-print.

Habang hinihintay na matapos yun, tinawagan ko ulit si slate. "Is Annabeth alright?" Agad kong tanong ng sagutin nya ang tawag.

"Balita ng maid ay gumising na si Annabeth at napakain na." Sagot ni slate kaya nakahinga ako ng maluwag. "At wala namang kahinahinala sa labas ng mansion pero mag babantay parin kami." Aniya kaya napatango ako.

"Thanks man." Pasalamat ko sa kaibigan.

"Welcome. Perks of doing what's right." Tukoy nya sa delikado naming trabaho at parehas kaming natawa.

"Anyway, can you find me a bodyguard? Female bodyguard. And please make it beautiful." Sabi ko sa kabilang linya at ilang segundong hindi nakapag salita si slate.

The Obsessive Lawyer [COMPLETE]Where stories live. Discover now