Chapter 22

46K 926 112
                                    

Chapter 22
***

Kumportable akong nakaupo ngayon habang nasa byahe at nakatingin lang sa labas ng bintana. Papadilim na at ngayon pa lang ako dadalhin ni Hiro sa surpresa nya.

Pinigilan ko ang ngiti ng maalala ang ginawa namin mag hapon at kahit lunch namin ng anong oras na hindi namin nakain ng maayos.

Napaayos ako ng upo. At kaylangan pa naming mag palit ng damit dahil nadumihan namin ang mga damit namin.

Napatingin ako sa kamay ni Hiro ng abutin nya ang kamay ko na nasa hita ko at pinag salikop. Tinignan ko sya at nasa daan lang ang tingin nya habang nag mamaneho bago saglit akong nilingon.

"What are you thinking about?" Tanong nya at binalik ang tingin sa daan. Napalunok lang ako at nilagay ang kamay ni Hiro sa tyan ko dahil gusto ko ang init nun.

"Kung ano ang surpresa mo." Sagot ko at nangingilatis syang tinignan.

Napangiti lang sya at nilingon ako. "Malapit na tayo. You'll see that I can provide for us better." Aniya kaya napakunot ako. Ano kaya yun?

Binalik na ni Hiro ang atensyon nya sa pagmamaneho at binilisan ang patakbo ng mamahalin nyang sasakyan.


"We're here." Aniya matapos ang ilang minuto pang byahe kaya napalingon ako sa labas sa side ko kung nasaan kami.

Napakunot ako ng mga shops lang yun. Date? Lumingon ako sa gilid nya ng pakiramdam ko hindi yun ang surpresa nya at nasa harap pala kami ng sigurado akong building.

Pinilit kong silipin ang buong building pero hindi ko makita dahil nakaparada na mismo ang sasakyan sa entrance ng building.

Mahinang tumawa si Hiro at hinimas ang buhok ko bago bumaba na ng sasakyan at nakita kong binati sya ng guard na tinanguan nya lang habang umiikot para pagbuksan ako.

Binuksan na ni Hiro ang pinto ko at nilahad ang kamay nya. Inabot ko ang kamay nya at maingat nya akong inalalayan pababa.

Mabilis kong nilingon ang building at tiningala ang pangalan nun. "Emperor." Basa ko sa pangalan at nakita ang law na nakalagay sa baba lang nun kaya parang alam ko na.

"May law firm na. Babies nalang ang kulang." Bulong nya sakin at kahit may ideya na ako, nagulat parin ako ng kumpirmahin nya.

Mahinang natawa si Hiro sa gulat ko paring mukha at inalalayan na akong maglakad palapit sa entrance ng building.

I mean, alam kong magaling na attorney si Hiro pero sakin dumidiretso ang sahod nya bilang stand in CEO. Ibig sabihin kita nya lahat ng pagpapatayo ng ganto kalaking firm bilang attorney. Hindi ko alam na ganon kagaling na attorney si Hiro.

"Yes, I'm that great." Natatawa at mayabang nyang aniya ng mabasa siguro ang naiisip ko.

Parang bata na mangha kong tinignan si Hiro habang masaya lang syang madiin na nakatingin sakin. "I have investments and I think I'm pretty good at it." Aniya at inangat ang isang kamay para hawakan ang pisngi ko.

"I also make lots of money even without Gallego's company. So, I can provide for us. I want you to need me. You and our baby." Aniya kaya napangiti ako at hinawakan ang kamay nyang nakahawak sa pisngi ko.

Nang aasar ko syang tinignan. "You really don't like, me providing for us  huh?" Natatawa kong tanong sakanya kaya mahina na din syang natawa.

"That would be my nightmare." Amin nya kaya natawa ako.

Madiin kaming nagkatinginan. Masaya ako para sakanya at puno ng pag mamahal ko syang tinignan. "Congratulations, Atty. Hiro Saito." Bati ko sakanya kaya napangiti sya at binigyan ng halik ang labi ko.

The Obsessive Lawyer [COMPLETE]Where stories live. Discover now