Kabanata 14

2.2K 103 9
                                    

Buong buhay ko ay inilaan ko sa aking pamilya. Ginagawa ko ang lahat para sa kanila. Ako na ang tumatayong haligi ng tahanan magmula noong makulong ang kinakasama ni Nanay na si Tito Aljon.

It was hard on my part. It was tiring, but they never heard any single complain coming from me. Kahit minsan napapaisip ako kung worth it pa ba lahat ng ginagawa ko. Kung ano kaya ang pakiramdam na isa ka lang normal na estudyante? Iyong mayroon kang kompleto at masayang pamilya? Iyong ako naman ang makakaranas ng pag-aalaga mula sa iyong Nanay at Tatay.

Na-cu-curious ako at nasasabik ako sa tuwing naiisip ko ang mga gano'ng klaseng bagay... kasi sa totoo lang, pagod na pagod na ako sa ganitong klaseng buhay. Pagod na pagod na akong maging Ate na ginagawa ang lahat para sa kanila ngunit palagi na lang naisasantabi at nababalewala.

Konting-konti na lang ay tuluyan na akong mauubos.

I snapped back to reality when my phone rang. Pabagsak kong binitawan ang hawak kong bote ng beer. Bumuntong hininga ako at tinitigan lang ang cellphone ko na nakapatong sa table habang patuloy iyon sa pagba-vibrate. Naka-plaster sa screen ang pangalan at numero ni Reyster.

Ilang beses na itong tumatawag ngunit ni isa ay wala akong sinasagot. It's been five days. Five damn days since I start avoiding him. Iyon din iyong araw kung saan ako nakapagbitaw ng hindi magandang salita sa kaniya. Hindi na namin iyon napag-usapan pa, bagkus ay ramdam kong iniiwasan din n'yang pag-usapan ang pangyayaring iyon.

At isa pa, hindi ko alam kung paano ako hihinging sorry sa kaniya. It was out of my control. Nadala lang ako ng emosyon ko sa pagtatalo namin ni Eunice. Sobrang na-a-appreciate ko rin naman ang mga efforts at tulong na ginagawa ni Reyster; hindi lang sa relasyon namin kundi pati na rin sa pamilya ko.

Pero may mga pagkakataon na hindi ko rin talaga maiwasan ang mainis at makaramdam ng inggit sa kaniya, sa mga bagay at buhay na mayroon siya, sa paraan ng pakikisama at pagtrato sa kaniya ng mga nasa paligid ko. Para bang lahat na lang ng magagandang bagay ay sumasang-ayon sa kaniya.

"Si Reyster ba 'yon? Bakit hindi mo sinasagot?"

Walang gana akong nag-angat ng tingin kay Boss Harrold na kanina pa pala kuryosong naka-matyag pala sa kilos ko. Maging si Trisha na nakaupo sa tabi ko ay gano'n din. Si Rhys lang yata na nakaupo sa tabi ni Boss ang walang pakialam sa akin at abala sa pagkalikot sa kaniyang cellphone.

I pursed my lips as I shook my head. "M-Maingay kasi..." palusot ko.

Totoo naman, eh. Malalim na ang gabi kaya mas naging lively na ang tugtugin dito sa Aloha. Sumasabay sa dagundong ng aking puso ang malakas na musika. Kahit sanay na ako sa lugar na ito ay hindi ko pa rin maiwasang mahilo sa malikot at iba't ibang kulay ng ilaw pati na rin sa pianghalong amoy ng alak, sigarilyo, at electric cigarette.

"Puwede ka namang lumabas, ah? Hindi ba't gano'n ang ginagawa mo sa tuwing tumatawag siya sa 'yo kapag nasa duty ka?" Trisha shut her brows up at me.

Napalunok ako at agad nag-iwas ng tingin. Tinungga ko ang alak na hawak ko at napapikit na lang nang gumuhit ang init no'n sa lalamunan ko. Kung mayroon mang tao na labis na nakakakilala sa akin ay maliban kay Reyster ay si Trisha 'yon.

She knows me too well, that's why nahihirapan akong maglihim sa kaniya. Siya ang nakakaalam ng lahat-lahat sa akin. Sa mga nangyayari sa amin ni Reyster, tungkol sa pamilya ko, sa mga frustrations at maling desisyon ko. Maging ang relasyon namin ni Reyster ay kilalang kilala rin n'ya.

"May problema ba kayo?" dagdag pang tanong ni Boss Harrold. Bakas ang pag-aalala sa mata at tono ng pananalita nito.

Nagtiim-bagang ako at nanatiling walang kibo. "Come on, you can tell it to us. Kung hindi ka komportable sa akin, puwede mo namang sabihin na lang kay Trisha. Rhys and I will leave you two alone." Bahagya n'yang sinulyapan ang lalaki sa kaniyang tabi na hanggang ngayon ay wala pa ring pakialam.

I shook my head slowly. "H-Hindi na... huwag na kayong umalis. Gusto ko rin sanang humingi ng advice mo."

And with that, I started sharing what happened few days ago. Simula sa pagtatalo namin ni Eunice hanggang sa pagdating ni Reyster at pag-awat n'ya sa aming magkapatid. Sinabi ko rin sa kanila iyong nabitawan kong masakit na salita at kagaya nga ng inaasahan ko ay kulang na lang ay ibalibag nila ako sa sobrang panggigigil nila sa akin.

"Reyster's a good guy. Hindi naman kayo magtatagal nang ganiyan kung isa't kalahating gago 'yang boyfriend mo 'no..." Trisha uttered beside me.

Nilingon ko siya at tipid na tinanguan. "Alam ko naman 'yon."

"Wala rin naman akong nakikitang mali sa ginawa ni Reyster. Hindi naman siya siraulo na basta na lang tutunganga riyan sa isang tabi at hihintayin pang magpatayan kayo ng kapatid mo," Boss Harrold sneered.

"For me, he's the best guy. Alam n'ya ang time kung kailan siya magiging maloko, malambing, o seryoso sa mga bagay-bagay... kung magkakaroon man ako ng boyfriend, gusto ko 'yong kagaya n'ya at hindi kagaya noong pinsan mong pinaglihi sa kagaguhan." Sumimangot si Trisha at medyo ngumiwi pa dahil sa sinabi.

I chuckled. Ngayon pa lang ay naaawa na ako kay Jolo, mas malinaw pa sa sikat ng araw na hindi talaga siya magugustuhan ni Trisha.

"You know what, Eloisa..." she trailed off and I looked at her, confused.

"What?"

"I'm just wondering kung hindi ba sumasakit ang likod ni Reyster?" she asked.

My forehead knotted with her question. Mas lalo akong naguguluhan sa mga sinasabi n'ya. Hindi ko alam kung sadyang magulo lang talaga siya kausap o ako lang 'tong hindi maka-gets.

"Kasi baka nabibigatan na siya sa kakabuhat sa relasyon n'yo?" Then they laughed.

Hindi nakaligtas ang bahid ng pagkasarkastiko sa tono ng pananalita ni Trisha. Naikuyom ko ang aking kamao at umiwas ng tingin sa kanila. I didn't take that as a question and I didn't take that as a joke because I know it was really a half meant.

Bigla akong nagsisi. Sana hindi ko na lang pala sinabi sa kanila. Imbis kasi na gumaan ang nararamdaman ko ay tila ba mas lalo pa itong bumigat.

Punyemas!

Alam ko naman na pawing katotohanan ang lahat ng sinasabi nila. Alam ko at aminado ako na si Reyster nga talaga ang nagbubuhat sa relasyon namin pero bakit parang ang hirap para sa aking tanggapin?

Akala ko ay maiintindihan nina Trisha at Boss Harrold ang nararamdaman ko ngunit mali ako. Hindi pala. Dahil kagaya ng mga kapatid ko, kagaya ng pamilya ko, at kagaya ng ibang tao ay si Reyster na naman ang pinili. Siya na naman ang tama. Siya na naman ang dakila at ako na lang palagi ang walang kwenta.

"Then what about your sister? Kumusta na kayo ngayon? Nagkasundo na ba kayong dalawa?" pag-iiba ng usapan ni Boss Harrold nang mapansin n'yang hindi na 'ko kumikibo.

Pinaglaruan ko ang bote na hawak ko bago pagak na tumawa. Isa pa 'yong pino-problema ko. Magmula noong pagtatalo namin ay agad siyang lumayas kinabukasan. Sinubukan namin siyang ipagtanong-tanong sa mga nakakakilala at sa mga kaibigan na madalas n'yang kasama kaso ang tanging sagot lang nila sa amin ay mga katagang 'hindi ko po alam', pero nang subukang puntahan ni Nanay ang boyfriend 'kuno' nito ay hindi na rin ito mahagilap pa.

"I therefore conclude na sumama siya roon sa boyfriend n'ya..." Boss Harrold nodded his head then sipped on his tequila.

"Babalik din 'yon. Ganiyan talaga ang halos karamihan sa mga kabataan ngayon. Masiyadong matataas ang tingin sa sarili. Mahihilig gumawa ng kalokahan at problema, tapos nagkakanda-lintik lintik na ay tatakbo pauwi at magtatago sa kandungan ng magulang."

Trisha groaned. "Hay naku, masiyado naman kayong seryoso! Imbis na magmukmok tayo rito sa isang sulok, maghanap na lang tayo ng mga potential sugar daddy d'yan sa tabi-tabi!" eksaheradang aniya at hinila ako patayo pero hindi ako nagpadala.

"Kayo na lang. Okay na 'ko rito." I glanced at my wristwatch. It's already 12 in the midnight. Kailangan ko na ring umuwi maya-maya. Nagkibit-balikat si Trisha at tumungo na kung saan-saan na table para makipagkilala.

Kasunod na umalis ay si Rhys. Lumabas ito kanina ng bar na walang paalam at hanggang ngayo'y hindi pa bumabalik. Ilang saglit pa'y nagpaalam na rin sa akin si Boss Harrold.

"Hindi ako puwedeng malasing. Marami pa akong kailangang gawin." He then leaned closer to my ears and whispered. "Mas maraming pera, mas maraming fafa."

Napatawa na lang ako at tinulak siya palayo sa akin. Parang gago. 

Trials that We Can't Balance (Accounting Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon