Kabanata 15

2.4K 106 4
                                    

Dahil wala na rin naman akong kasama sa table ay napagdesisyunan ko na lang na magpahangin sa labas. Hindi naman ako lasing dahil high tolerance ako sa pagdating sa alcohol.

Dumiretso ako sa 7/11 na ilang kanto lang ang layo sa Aloha para bumili ng kape. Niyakap ko ang aking sarili nang humampas ang malamig na simoy ng hangin sa aking balat.

Hindi ko maiwasang mapangisi. I couldn't imagine leaving this province. Never. With its cold breeze, breath-taking places, simple yet contented life, and genuine people. Lucban always has a soft spot inside my heart.

Kung sakali mang dumating ang araw na kailangan kong umalis sa bayan na ito, sigurado at walang duda na gagawa ako ng paraan para bumalik at bumalik dito.

“Salamat...” Ngumiti ako sa cashier matapos niyang iabot sa akin ang sukli.

Ang pagod at inaantok nitong mukha ay biglang lumiwanag. Marahang umukit ang malawak na kurba sa kaniyang labi.

“Enjoy your coffee, Ma'am.”

Tanging isang tipid na tango lang ang isinukli ko bago tuluyang tumalikod. Hindi pa man ako tuluyang nakakalabas ng pinto ay muli na namang nag-ring ang cellphone ko.

It's Reyster again.

Hawak ang kape sa isang kamay, ginamit ko ang isa bilang pagsagot ng tawag. Mabuti na lang ay pinagbuksan ako no'ng guard ng pinto.

“Hello?” pagbungad ko.

“Tol, kanina pa ako tumatawag. Bakit ngayon mo lang sinagot? Nasaan ka na ba?” sunud-sunod niyang tanong at mababakas doon ang pag-aalala.

I feel bad for him. Hindi ko dapat siya tina-trato nang ganito. Totoo namang wala talaga siyang ginagawang masama pero ewan ko ba, gulong-gulo na ako.

Tumingala ako sa mapayapa at madilim na kalangitan bago sumagot.

“Pauwi na rin ako maya-maya.”

“Nasa Aloha ka ba? Marami ka bang nainom, Tol? Kaya mo bang umuwi mag-isa? Kailangan mo ba ng susundo sa 'yo? Kasi kung hindi, papakisuyuan ko si Jolo–”

“H-Hindi na. Kaya ko namang umuwi.” pigil ko sa kaniya kaya naman natamihik siya sa kabilang linya.

I sighed and bit my lower lip. “Pero kung hindi ka komportable, magpapahatid na lang ako kay Boss Harrold o Trisha.”

Of course, that's a lie. Sinabi ko lang 'yon para hindi na siya mag-alala at hindi na humaba pa ang usapan.

“It's for you to decide, Mahal. As long as safe kang makakauwi, then I'm fine with that...”

Halos mapapikot ako sa lamyos at lambing ng kaniyang boses. It was sound like a bedroom's voice; husky and cold.

Ramdam ko ang pag-iinit ng dalawang sulok ng mga mata ko pero agad ko iyong pinigilan.

Batid kong pagod siya sa kaliwa't kanang training ay nagawa pa rin naming makapag-usap nang matagal. Simpleng kumustahan at kwentuhan lang naman iyon tungkol sa mga nangyari buong araw. Saka lang namin tinapos ang tawag nang sabihin niyang inaantok na siya at sinundan pa iyon ng dalawang hikab.

“Just text me when you got home. Kapag hindi na ako naka-reply, ibig sabihin no'n ay tulog na ako,” muling paalala niya bago tuluyang tapusin ang tawag.

Dumako ang tingin ko sa lalaki na tahimik na nakaupo sa bakanteng upuan na nasa labas din ng convenient store. Malayo ang tingin nito habang may hinihithit na sigarilyo.

Bahagya pa akong nagulat sa nakita. Okay... I didn't know that Rhys do smoke. Akmang lalapitan ko siya nang may biglang matinis na boses ng babae na tumawag sa pangalan ko.

Kunot noong dumako ang tingin ko roon sa babae. Mula sa peripheral vision ko ay nakita kong napalingon din si Rhys ngunit agad ding iniwas iyon at ibinalik ang tingin sa kawalan.

“Aling Marites?” taka kong untag nang makalapit siya sa akin.

Pinasadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Wala pa rin namang nagbago sa kaniya. Suot nito ang kulay pulang spaghetti strap na sando at halos lumuwa na ang dibdib sa sobrang revealing noon, ang kaniyang pambaba ay maong na short shorts. Kulot ang mahaba at kulay blonde nitong buhok at animo'y pinaputok ang kaniyang labi sa sobrang kapal na lipstick.

“Eloisa...” Her eyes twinkled and smiled sweetly at me. “Kumusta ka na? In fairness, ang ganda mo pa rin! Mas fresh pa sa kipay ko!”

Hindi ko alam kung ngingiti o maaasiwa ba sa sinabi niya. Should I take it as a compliment or not? Mukha ba akong kipay?

Gusto kong mapairap sa kawalan ngunit pinigilan ko ang sarili ko. I just gave her a awkward and fake grin.

“Pero alam mo, mas lalo kang gaganda kapag tinanggap mo 'yong offer ko sa 'yo noon pa...” she added.

“Aling Marites, hindi nga ako interesado sa ganiyan,” tugon ko na sinamahan ko pa ng tipid na tawa.

Umingo siya at pabiro akong hinampas sa braso. “Ito naman! Hindi mo pa nga nasusubukan, eh! Masaya ro'n. Easy money lang! Galante 'yong mga pumupuntang lalaki ro'n sa club na pinagtra-trabuhan ko. Konting drama at pagpapaawa lang ay tiyak na magbibigay agad ng malaking halaga ang mga iyon...”

I shook my head in instant, nakakaramdam na naman ng inis sa kaniya. Sa Maynila siya naninirahan, sa mismong club kung saan siya nagtra-trabaho at umuuwi lang dito sa probinsya kung kailan niya gusto.

At sa tuwing nagkakasalubong o nagkikita kami ay palagi niya akong pinipilit na sumama sa kung anumang trabaho niya.

Nakakairita na.

“Maayos naman ang buhay namin. Hindi ko na kailangan pang magtrabaho sa ganiyan,” tanging sagot ko na lang at palihim na nagdadasal na sana ay umalis na siya sa harapan ko.

She hissed and rolled her eyes. “Ano ka ba naman, Eloisa! Tinutulungan na nga kitang mapaganda ang buhay mo! Ito na 'yon, oh... trabaho na ang lumalapit sa 'yo. Tandang tanda ko pa kung paano rin ako tanggihan ng Nanay mo noon pero tingnan mo ang nangyari? Naging pokpok din at nabuo pa nga kayo!”

Tumiim ang bagang ko at madilim siyang tinitigan. Imbis na makaramdam ng takot ay umangat lang sulok ng kaniyang labi at pinagtaasan ako ng kilay, naghahamon.

“Wala kang talino. Wala kang pera at tanging ganda lang ang mayroon ka... at ang mga kagaya mo ay sa pagiging prostitute lang din babagsak.” Kinuha niya mula sa bulsa ang puting calling card at sapilitang ipinatong sa kamay ko. “Kapag kailangan mo ako o kung sakaling magbago man ang isip mo, tawagan mo lang ako sa numerong iyan. Naghihintay lang ako sa 'yo.”

Mabilis ang pagtaas baba ng dibdib ko habang sinusundan ang papalayong si Aling Marites.

Tanggap ko naman ang madilim na nakaraan ni Nanay. Batid kong marami ring tao ang nakakaalam sa dati niyang trabaho. May ilang walang pakialam at may mangilan-ngilang tao na ginagamit iyon bilang sandata bilang pang-uuyam sa amin.

Masakit... pero nasanay na kami. Wala, eh. Gano'n talaga.

“Are you fine?”

Nilingon ko si Rhys na ngayo'y nakatayo na sa harapan ko. Bakas pag-aalala at pag-iingat sa mga mata nito.

Lumunok ako't nag-iwas ng tingin.

“I heard everything but... don't worry. Walang kahit sinuman akong pagsasabihan,” anas nito at tanging isang tipid at sinserong ngiti lang ang isinukli ko.

“Salamat...” I nodded my head and tapped his shoulder. “Sige, una na 'ko.”

Hindi ko na siya hinintay pang makasagot. Tumalikod na ako at naglakad palayo dala pa rin ang bigat sa dibdib.

Trials that We Can't Balance (Accounting Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon