Kabanata 22

2.9K 123 23
                                    

"Anong oras ba tayo aalis? Alam n'yo kasi guys hindi dapat sinasayang ang oras ng mga kagaya kong Certified Public Accountant na," yamot na wika ni Trisha kaya nagtawanan kaming lahat. Alam naman kasi namin na nagbibiro lang siya.

"Tangina! Ang yabang ha? Mabuti ako lowkey lang. Kahit kailan ay hindi ko ipinagmayabang na naging topnotcher ako sa LET exam last year..." pasimpleng pagyayabang din naman ni Terrence na halatang ayaw din magpatalo.

Bahagya akong natawa ngunit agad din iyong napalitan ng pagkunot ng noo nang may maalala. "Akala ko ba hindi ka mag-ta-take ng board exam, Trish?" tanong ko.

Ngumuso naman siya at nagkibit-balikat.

"Nandito na rin naman tayo eh, edi might as well na mag-take na rin ako. Ayos din naman kasi pumasa ako. Medyo nahirapan lang ako sa pag-a-apply ng trabaho dahil hinahanapan ako ng experience. Eh tangina naman, kaya nga ako nag-a-apply para magka-experience!"

"Sabagay. May point ka naman!" Humalakhak ako kaya mas lalo siyang nalukot ang kaniyang mukha.

"Ewan ko ba! Ayos lang naman sanang taasan ang standards ng mga kompanya na 'yan kung mataas din sila magpasahod! Mas malaki pa yata ang kita ng mga mata ko kaysa sa kita ng bulsa ko eh..." patuloy na litanya niya.

Napailing na lang ako at lumabas ng bahay para silipin kung nandiyan na ba ang van na gagamitin namin. Nang makita itong paparating ay sinabihan ko na agad sina Nanay na maghanda na.

Papunta kami ngayong Batangas para mag-celebrate. At isa pa, isasabay na rin ang pa-despedida para sa nalalapit na pagsampa ulit ni Reyster sa barko.

It's been years now since that thing happened. Marami na ang napagtanto at nabago. Ni minsan ay hindi ko inakalang aabot kami sa ganito. Masaya, mapayapa, at kontento. Buong akala ko'y habang-buhay na kaming malulugmok sa kadiliman... pero mali ako.

I admit that I was wrong for questioning His capability, for doubting His existence, and for not trusting Him enough. Masiyado akong nagpadala sa nararamdaman ko at maging Siyang nasa itaas ay pinagdudahan ko. Marami akong natutunan sa loob ng ilang taong lumipas at marami rin akong nais ipagpasalamat.

Pinagpatuloy ni Eunice ang pag-aaral niya at ngayong taon nga ay naka-graduate na siya sa Senior High School. Hindi naman siya kaagad bumalik dahil kinailangan muna niyang alagaan at bantayan ang anak niya. Si Nanay naman ay maayos na ang kalagayan. Hindi na nawala ang maintenance niyang gamot pero kahit papaano'y malakas at malusog na siya. Si Albert at Marie ay pareho nang nasa high school.

Ako ang tumataguyod sa pag-aaral nilang dalawa. Nag-tra-trabaho ako sa mall bilang isang saleslady at kung day-off naman ay ume-extra ako ng trabaho sa Aloha. Wala akong problema sa pag-aaral ni Eunice dahil ang pamilya ni Reyster ang nagpapa-aral sa kaniya.

Ipapagpapatuloy niya ang pag-aaral sa kolehiyo. Sa katunayan nga ay nakakuha rin siya ng scholarship sa isang sikat na unibersidad sa Maynila. Hindi man natupad ang pangarap na kurso para sa akin ni Nanay ay wala namang problema dahil si Eunice na ang magpapatuloy no'n.

BS Accountancy ang kinuha niyang kurso. Hindi namin siya pinilit. Sariling desisyon at kagustuhan niya iyon. Hindi dahil malaki ang sahod, kundi dahil iyon talaga ang pangarap niyang maging. Sa susunod na buwan ay luluwas na siya ng Maynila kasama ang boyfriend niya. Si Rhys.

Wala akong ideya kung paano sila nagkahulugan ng loob at kung paano naging sila. Halos himatayin pa kami ni Reyster nang bigla itong umuwi sa bahay kasama si Rhys at walang prenong pinagtapat sa amin na boyfriend na niya ang lalaki.

Tawang-tawa pa ako noon sa reaksyon ng boyfriend ko dahil umandar na naman ang pagiging Kuya niya sa mga kapatid ko. OA kung maka-react at talagang hindi nilubayan ng madilim na tingin si Rhys.

Trials that We Can't Balance (Accounting Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon