Chapter 25

221 6 0
                                    





🔥🔥🔥

Isang linggo...

Isang linggo ko na iniiwasan si Sir Leighton dahil hindi ko na alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon. Mabilis ang tibok ng puso ko pag nakikita ko siya. Kinakabahan ako na hindi ko alam kung ano ang aking gagawin.

Kung may pinapagawa naman siya sa akin, pinapadala ko lang sa iba. Hindi naman ito ng reklamo kaya mas mabuti.

"Hoy!" Napabalik naman ako sa reyalidad ng marinig ang tawag sa akin ni Vivian. Tumingin naman ako sa kanya at tipid na ngiti ang aking binigay.

"Anong eksena ito?" Sarkastikong tanong naman niya sa akin. Inirapan ko lang siya.

"Iniiwasan mo no? Bumigay ka na naman no? Sus! Yang pagmumukhang yan! Alam ko na kung bakit?! Marupok kasi eh!" Sabi naman niya sa akin.


"Viv naman! Ang bibig mo baka may makarinig!" Saway ko naman sa kanya. Inirapan lang niya ako.

"Ewan ko sa iyo. Bakit hindi mo nalang sabihin sa kanya ang nararamdaman mo at ang totoo. Alam ko naman na hindi lang yang simpleng pagkagusto. Nakita mo nga, ilang jugjugan na ang nangyari?!" Diritsong sabi naman niya sa akin. Naramdaman ko naman ang pag init ng aking pisngi dahil sa kanyang paraan ng pagsasabi.

"Sus! Namumula pa! Inilabas mo nga yong dalawa. Tapos nakipag away ka pa sa hotdog! Ewan ko nalang sa iyo!" Sabi naman niya sa akin at iniwan ako. Nag iwas naman ako ng tingin at yumuko para matago ang aking mukha gamit ang aking kamay.

"Joe! May sasabihin ako sayo!" Napatingin naman ako kay Mae ng bigla nalang niya akong tawagin.

"Ano na naman yan?" Si Vivian na ang sumagot. Inirapan lang siya ni Mae.

"Ito na nga may sasabihin ako!" Nakangiting sabi niya sa akin.

"Pwede bang ikaw nalang ang pumalit sa akin Joe. May pinapagawa kasi si Boss sa akin kaya hindi ko ito magagawa. Sinabihan ko na siya na maghanap nalang ako ng kapalit kaya ikaw ang napili ko!" Nakangising sabi naman niya sa akin.

"Ano ba yan?" Tanong ko naman sa kanya.

"Hindi naman gaano kalaki. One week or two seminar lang naman sa california." Sabi naman ni Mae. Nanlaki naman ang aking mata sa kanyang sinabi.

"C- california?" Nauutal na tanong ko sa kanya. Marahan lang siyang tumango. Tumingin naman ako kay Vivian na naghihintay lang rin sa aking sagot.

"Wag kang mag alala, dagdag sahod tapos free rin ang accomodations mo doon." Sabi naman niya sa akin. Napatango naman ako. Alam ko naman na international ang Hinderson Corporation.

"That would be a great honor." Manghang sabi ko naman sa kanya. Tumango naman siya sa akin.

"Wag kang mag alala. Seminar lang naman yon at weeks lang naman. Malaki pa ang sahod kaya ano? Game ka?" Tanong naman niya sa akin. Tumango lang ako. Ngumiti naman siya at umalis na.


Tumingin naman ako kay Vivian.


"Aalis ka?" Naluluhang sabi naman niya sa akin. Napakunot naman ang aking noo ng makita ang naluluha niyang mata.


"Hoy! Anong nangyari sa iyo?" Natatawang sabi ko naman sa kanya. Umiling iling lang siya at pinahid ang kanyang mga takas na luha.

"Wala ito. Ganyan ka naman! Mang iiwan!" Nakabusangot naman na sabi niya sa akin. Natawa nalang ako sa kanyang sinabi.

I Lust You (COMPLETED) Where stories live. Discover now