Chapter 10

298 8 0
                                    

🔥🔥🔥

"You're late!" Mabilis naman kaming napatingin sa boses na iyon. Nanlaki naman ang aming mata ni Vivian ng makita kung sino iyon.

"S-sir!" Gulat na sambit ni Vivian. Nakatingin lang sa amin si Sir Leighton na may seryosong mukha habang ang kanyang dalawang kamay ay nasa bulsa ng kanyang pantalon.

"Kuya, it's okay. Kasama ko sila. Inutusan ko silang dalawa." Sabi naman ni Lucy sa kanyang kuya. Lumapit naman siya dito at nakangiting humarap sa amin. Nagawa pa niya kaming kindatan.

Napatingin naman kami kay Sir Leighton na seryoso lang at diritsong nakatingin sa amin. Bumitaw naman siya ng tingin at mabilis na napabuntong hininga.

"Okay. I excuse you this time but wala ng next time." Seryosong sabi niya. Mabilis naman kaming tumango at para kaming nagpapaligsahan ni Vivian na makarating sa pwesto mesa. Nakahinga naman kami ng maluwag ng makaupo kami sa kanya kanya naming upuan.

"Grabe! Parang nawalan ako ng hininga sa paghaharap namin ni Sir ah! Parang nawalan ako ng kaluluwa." Natatawang niyang sabi sa akin. Napailing nalang ako sa kanya. At nagsimula ng magtrabaho.

🔥🔥🔥

Five P.M. na tapos na namin ang lahat ng dapat gawin ngayon araw. Nakahinga naman kami ng maluwag dahil tapos na rin lahat lahat. Ipepresent nalang ito next month.

"Vacation! Vacation!" Natawa naman kaming lahat dahil sa pagdiriwang na ginawa ni Vivian. Kami, kami na lang rin ang naiwan dito sa opisina kaya malaya niyang magagawa ang lahat.

"Excited na ako. Makakapagrelax na rin tayo." Sigaw niya. Napailing nalang ang mga kasamahan namin dito.

"Paalala lang na team building ang pupuntahan natin, Viv ha." Natatawang sabi naman ni Mae.

"Kahit na! Enjoy pa rin naman tayo." Sabi niya. Pagkatapos niyang magsigaw sigaw ay bumalik na rin ito sa kanyang upuan at lumapit sa akin ang may ngiti sa kanyang labi.

"Excited na talaga ako! Nakapagpaalam ka na ba?" Tanong niya sa akin. Umiling iling lang ako at sumimangot naman ito.

"Masaya sana kung kasama ang kambal." Nakasimangot na sabi niya. Tumango naman ako. Masaya rin sana dahil paboritong ng mga itong mamasyal hindi lang halata.

"Maybe sa susunod nalang natin sila isama. Alam mo naman sa mga kasamahan lang natin ito. At alam mo naman kung sino ang kasama natin diba. Baka mamaya makapagpaalam na ako, next week pa naman ang team building." Sabi ko sa kanya. Tumango tango naman ito at wala ng masabi dahil sa haba ng aking sinabi.

"Siguraduhin mo, alam mo naman silang dalawa, hindi mapakali kung hindi ka makasama. Tapos one week pa naman ang team building." Sabi niya sa akin. Tumango lang ako.

"Excited na talaga ako." Natawa nalang ako sa kanya. Hindi obvious na excited ang isang to kanina pa bukang bibig ang team building.

Natapos ang araw ay tapos na rin ang aming hinahabol na trabaho na dapat ipresent next month.

"Viv. Restroom muna ako. Pagkatapos uwi na tayo." Sabi ko sa kanya. Tumango naman ito.

Pagpasok ko sa restroom ay ginawa ko na ang dapat kung gawin pagkatapos ay tiningnan ang sarili sa salamin.

Sa aking daan palabas ay nagulat nalang ako ng may humatak sa aking papunta sa isang abandonang kwarto. Nanlaki naman ang aking mata. Hindi ko makasigaw dahil tinakpan niya ang aking bibig.

Nilagay pa niya ang kanyang hintuturo sa kanyang bibig at sinasabi itong tumahimik ako. Nang masigurado niyang hindi na ako sisigaw ay binitawan niya ang aking bibig.

I Lust You (COMPLETED) Where stories live. Discover now