Chapter 6

345 10 0
                                    

🔥🔥🔥

"Joe. Wake up." Nagising naman ako sa isang pamilyar na boses. Mabilis naman akong napamulat ng makita kung sino ang katabi ko sa isang pamilyar sa akin na kwarto.

Napabalikwas naman ako ng banging ng maalala ang nangyari kagabi.

"Bakit mo ako dinala dito?" Sabi ko sa kanya. Napatingin naman ako sa aking damit. Nakasuot na rin ako ng bagong damit.

"Mahimbing ka kasing nakatulog kagabi dahil sa alam mo na. Kaya dinala nalang kita dito." Sabi niya sa akin. Napaiwas naman ako ng tingin ng maramdaman ang init ng aking pisngi.

"Diba nasa opisina mo tayo kagabi. Paano tayo nakarating dito? I mean, paano mo mapapaliwanag ang nakita ng mga empleyado?" Tanong ko sa kanya. Napakamot naman ito ng ulo na parang ang dami ng mga tanong ko.

"Uhm. Wala nang masyadong tao doon sa building at si Vivian nalang ang mas kilala ko doon. Binigay naman niya sa akin ang bag mo ng walang sinasabi. Hindi naman niya binigay ang address mo dahil nagmamadali rin siyang umuwi kaya dito na kita dinala sa bahay ko." Paliwanag niya.

Hinanap ko naman ang mga gamit ko para makaalis na.

"We're are you going?" Nakakunot nuong tanong niya.

"Uuwi na ako. Mamayang hapon nalang ako papasok." Sabi ko sa kanya at nagmamadaling umalis. Pero bago pa ako makaalis ay hinatak na niya ang aking kamay para mapaharap sa kanya.

"Hindi ka aalis hangga't sa sasabihin ko." Seryosong sabi niya.

"Pero Sir" reklamo ko pero ibinaba na niya ang mga gamit ko at hinatak ako papuntang kusina. Nagulat naman ako ng may nakita na akong nakahain na pagkain doon.

"I made this for you." Mahinang sabi niya pero sapat lang na marinig ko. Nakita ko naman ang pamumula ng kanyang tainga. Napaiwas naman siya ng tingin sa akin. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Nag effort talaga siya para malutuan niya ako.

"T-thank you Sir." Sabi ko sa kanya.

"I will not accept your thank you. Just say my name, that's all I want as Thank you." Sabi naman niya. Napailing nalang ako. Bakit ba ang big deal sa kanila pag hindi tinawag sa pangalan.

"Okay. Thanks Leighton." Nakangiting sabi ko. Naistatwa naman siya sa kanyang kinatatayuan.

"W-welcome." Nauutal na sabi niya. Natawa naman ako. Hindi ko akalain na makikita ko siyang mautal. So cute!

"Kumain kana." Sabi niya sa akin. Tumango lang ako.

"Ikaw? Kain ka na rin." Sabi ko sa kanya. Tumango lang ito at kumuha lang ng pandesal at may ginawa na pala siyang kape para sa sarili.

Natapos kaming kumain ay hinayaan niya akong maligo at mag ayos sa sarili para makapasok sa trabaho. Kahit nahihiya ay nilakasan ko ang aking loob na kumilos ng normal.

Pagkatapos kong maligo ay kinuha ko naman ang aking cellphone para matawagan ang nasa bahay. Nagdadalawa palang ang ring ng sinagot rin ito.

"Hello?" Napangiti naman ako ng marinig ang maliit na boses na iyon.

"Wind." Tawag ko sa kanya. Binilhan ko rin sila ng phone para matawagan ko kung saan sila naroroon. Hindi naman sila tumatawag sa akin kung hindi importante dahil alam nila na may trabaho ako.

"Mommy!" Masayang sabi niya. Napangiti naman ako.

"We're my other puppy?" Natatawang sabi ko.

I Lust You (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon