Chapter 16

251 6 0
                                    

Babala mga kaibigan! Madami po itong errors. Wala po kasi itong edit at hindi ko pa nachicheck. Siguro pagkatapos lang po ng story ko po ito titingnan para wala mabago. Thank you

🔥🔥🔥

"I'm hungry but I change my mind. I just want to stare at you and enjoy the moment." Nagulat naman ako sa sinabi niya. Tinititigan lang ako ng kanyang nakakalunod na mata. Naririnig ko narin ang mabilis na pagpintig ng aking puso.

"Kain na po tayo." Aya ko sa kanya. At bahagyang tinulak siya. Kasya lang ito para makaalis ako sa itaas ng lababo. Nagmadali naman akong pumunta sa may mesa kung saan nakalagay ang mga pagkain. Nakasunod lang ito sa akin.

Mabilis naman akong umupo. Umupo naman siya sa may katabi kong upuan. Ibang klase kasi itong resort na kinuha ni Sir. Ang mga kwarto ay para ng bahay.  Kaya malaya siyang gawin kung ano ang gusto niya.

Nagsimula naman kaming kumain. Tahimik lang ang paligid namin. Naiilang na nga ako dahil sa katahimikan na namamagitan sa amin. Tumingin naman ako sa kanya na nagpatuloy lang sa pagkain. Parang wala lang sa kanya ang presensya ko. Kung sa bagay naman, kung ano ano na ang pinag gagawa niya para naman hindi siya nahihiya sa akin.

Sino ba naman ako para kahiyaan? Isang hamak lang na empleyado sa kumpanya na pagmamay ari niya. Nagpatuloy lang ako sa pagkain.

Hanggang katagalan nag angat naman ako sa kanya ng tingin ng makita itong tapos ng kumain. Tapos na rin naman ako sa aking pagkain kaya napagpasyahan ko iligpit na ang aming pinagkainan. Hindi naman siya umimik. Tinitingnan lang niya kung ano ang susunod ko na kilos.

Bumalik na naman ang ilang na naramdaman ko. Sumunod naman ito sa parte kung saan ang may lababo at sumandal sa may counter. Nagsimula naman akong maghugas at hindi nalang pinansin ang kanyang presensya.

"How's your day?" Napatalon naman ako sa kanyang sinabi. I don't know why but his making a conversation with me. Siguro tahimik lang ang paligid kaya gumawa siya ng ingay.

"Okay lang." Sabi ko sa kanya. Pero hindi ako tumingin sa kanya. Nagpatuloy naman ako sa paghugas ng pinggan.

"JoceLeen, about what happen a years ago..." Napatigil naman ako sa aking ginagawa dahil sa kanyang sinabi. Hindi ko akalain na babalikan niya ang mga panahong iyon. Nilagay ko naman ang aking pinaghugasan sa mga lalagyan nito. Hindi ko siya sinagot at tumalikod na para makaiwas sa kanyang sinabi.

Naramdaman ko naman ang kanyang pagsunod. Hindi ko rin alam kung saan ako pupunta. Hanggang sa makarating ako sa sala dito at nagpatuloy pa rin sa paglalakad. Para na akong baliw dito na umikot ikot lang sa loob ng tinutuluyan niya. Siya naman ay nakasunod sa akin at hindi nagsasalita.

Hanggang sa hindi na niya makaya ang sitwasyon ay hinatak niya ako at isinandal sa may pader. Nagulat naman ako sa kanyang biglaang ginawa.

"B-bakit?" Tanong ko sa kanya. Nakita ko naman ang kanyang sarkastikong pagtawa.

"You have the nerve to ask me that?" Mahinang sabi niya. Bakas sa kanya ang galit. Na parang pinipigilan lang niyang sabihin ang mga bagay bagay. Napayuko naman siya at napabuntong hininga.

"Why did you left without saying anything?" Tanong niya sa akin.

"A-alam mong mali na nangyari iyon at saka hindi mo naman diba hinahanap ang mga naka one night stand mo. Okay ka na, okay na ako. Bakit mo pa binabalikan?" Mahinang sabi ko. Lakas loob ko na iyong sinabi sa kanya.

"One night stand!" Mahinang sabi niya.

"Hahanapin ba kita kung one night stand lang yon!" Inis na sabi niya. Hindi naman siya umalis sa kanyang pwesto. Hawak niya parin ako.

"M-mabuti pang kalimutan nalang natin ang nangyari iyon at mamuhay ng parang walang nangyari." Sabi ko sa kanya.

"How will I live a normal life, if you always hunting in my dream. Everyday, you where always in my mind. You! why the fuck will I forget you?!" Sigaw niya sa akin. Nag iwas naman ako ng tingin.

Marahan ko siyang tinulak. Bumuntong hininga naman ito at binitawan ako. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil nakalayo na ako sa kanya. Mabilis naman akong pumunta sa akin kwartong tinutuluyan at sinarado ang pinto.

Pagpasok ko sa kwarto ay nilabas ko na ang kanina ko pang pinipigilan ng hininga. Pumunta naman ako sa restroom para maayos ang aking sarili. Naghilamos para mabalin ang aking pansin sa iba. Hindi ko akalain na nasabi niya ang mga bagay na iyon. One night stand lang naman ang nangyari sa amin. Bakit siya nagalit? Diba dapat maging masaya siya dahil hindi ko naman siya hinanap. Walang responsibilidad na nakapatong sa kanyang ngayon.

Pagkalabas na pagkalabas ko sa restroom ay humiga naman ako sa kama at tumingin sa kawalan. Hindi dapat ito mangyari. Kailangan itong matigil. Masama kong magpapatuloy pa ang bagay na ito. Napahawak naman ako sa aking dibdib ng maramdaman ang pagbilis ng tibok ng aking puso. Kailan ko ito humiling naramdaman? Yong binibigyan ako ng mga letters at bulaklak ni David na nakapahulog ng loob ko sa kanya. Kahit sa simpleng salita na sinusulat niya sa mga letter ay napapangiti na ako.

Napatingin naman ako sa aking mga kaibigan na ngayon ay nag aasaran kung sino ang crush nila.

"Diba, Crush mo si David?" Sabi naman ni Lesley kay Freya. Umiling iling naman si Freya at kinikilig pa. Napailing nalang ako sa kanilang kakulitan. Malapit na ring matapos ang araw makakauwi na rin ako sa bahay. Gusto kung matulog ng matulog ng matulog. Bahala na silang humusga pero tulog ang kaibigan ko.

"Ikaw JM? Sino ang crush mo?" Tanong naman ni Freya.

"Wala akong crush." Sabi ko naman sa kanila. Natahimik naman ang dalawa at nagulat nalang ako ng bigla nalang itong tumawa.

"Nagbibiro ka lang diba. Nakakatawa ka naman! Abnormal yang mga taong walang crush!" Sabi pa ni Lesley. Nakangiting umiling iling lang ako sa kanila.

"Bakit ka ba nagka crush sa David na yan?! I playboy naman ang isang yan." Sabi ko naman sa kanya. Inirapan lang niya ako at nagpatuloy sa pagnakaw tingin sa lugar kung saan nalalaro sina David ng basketball.

"Ate JM!  May nagpapabigay sa iyon." Sabi naman ng isang studyanteng kakilala namin. Napatingin naman sina Lesley at Freya sa bulaklak.

"Hail, kanino daw galing yan?" Tanong naman ni Lesley.

"Hindi ko kilala ate Lesley eh. Ibang uniform kasi ang gamit niya at ngayon ko lang po ito nakita." Sabi naman ni Hail. Tinusok tusok naman ni Lesley ang aking bewang.

"Pero ate! Sobrang gwapo!"

I Lust You (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon