Chapter 38

199 6 0
                                    

🔥🔥🔥

"The kids told me about you meeting with Hinderson's Parents." Tumango naman ako sa kanyang sinabi. Alam ko naman na hindi mapipigilan ng dalawa na sabihin sa kanila kuya ang tungkol sa nangyari kahapon.

"Nakarating na ba sa kanila ni Mommy ang tungkol dito?" Tanong ko naman sa kanya. Umiling naman siya.

"So anong plano mo ngayon. Alam na nang lahat pero hindi pa alam ng ama ang tungkol sa mga anak niya" sabi naman ni Kuya sa akin. Tahimik lang ako sa kanyang sinabi.

"Ano ba talaga ang gusto mong gawin. Ang malaman niya ang tungkol sa dalawa o hahayaan mo nalang na hindi niya malaman?" Tanong naman ni Kuya sa akin.

"Kuya. Hahayaan ko nalang na siya ang maka diskobre. Kahit anong resulta sa oras na malaman niya tatanggapin ko." Sabi ko naman sa kanya. Napabuntong hininga naman siya sa aking sinabi.

"Paano kung sa ibang paraan niya malaman JoceLeen? Na paraan na makakasama sa inyo o isa sa inyo ang masaktan." Seryoso sabi ni Kuya. Natahimik naman ako sa kanyang sinabi.

"Mas mabuti sa iyo manggaling ang impormasyon tungkol sa dalawa. Hindi yong sa iba niya pa malaman." Sabi naman ni Kuya sa akin. Umiling naman ako sa kanyang sinabi.

"Kuya, hindi ko alam kung paano. Hindi madali na ganon ganoon ko lang sasabihin sa kanya ang tungkol sa dalawa." Sabi ko naman sa kanya. Napahawak nalang ito sa kanyang sintido dahil sa aking sinabi.

Namuo naman ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Hindi nagtagal ay narinig ko naman itong napabuntong hininga. Kaya napatingin naman ako sa kanya.

"Hahayaan na kita sa desisyon mo JoceLeen. Kahit anong mangyari. Nandito ako sa inyong tatlo." Sabi naman ni Kuya sa akin. Ngumiti naman ako sa kanya.

"Salamat kuya. Kahit kailan, hindi mo kami iniwan." Sabi ko naman sa kanya. Tumayo naman ito at lumapit sa akin. Niyakap naman niya ako at hinimas ang aking likod.

"Tayo lang naman ang magtutulungan sa pamilyang ito." Sabi naman niya sa akin. Hindi naman nagtagal ay bumitaw naman siya sa yakap.

"Sige na. Matulog ka na. May trabaho ka pa bukas." Sabi naman niya sa akin. Tumango naman ako sa kanyang sinabi. Umalis naman ako sa kanyang opisina at natulog na sa aking kwarto.

🔥🔥🔥

Dalawang linggo na ang nakalipas. Dalawang linggo na ang nakalipas noong nagkita kami ng pamilya ni Leighton. Hanggang ngayon kino contact ako nila Tita Bella tungkol sa dalawa. Minsan naman ay dinadala nila ito sa pasyalan.

Nalaman rin nila mommy ang tungkol sa pagpapakilala ko sa dalawa sa mga magulang ng kanilang ama. Nakapag usap na rin kami ng masinsinan tungkol dito. Nagkita na rin sila ni Mommy nakipag usap sa kanila. Sinabi ko rin sa kanila ang tungkol sa aking desisyon. Wala naman silang sinabing iba at sinuportahan nalang ang aking desisyon.

Naging mabuti naman ang takbo ng pag uusap ng dalawang pamilya. Naging close na nga sila at minsan magkasama silang pinapasyal ang kambal.

Dalawang linggo na rin simula noong malaman ko ang tungkol sa nakaraan ng mag pipinsan. Wala namang akong napansin na kabago bago. Dahil minsan pumupunta sa kompanya si David at nakikipag usap kay Leighton.

Seryoso lang sila at trabaho lang ang kanilang pinag uusapan. Hindi mo sila mapapansin na magpipinsan pala ang dalawa.

Dalawang linggo na rin ang nakalipas yong kinausap ako ni David tungkol sa kanyang panliligaw. Hindi ko pa ito nakakausap ulit dahil madami akong trabaho. Hindi ko rin siya maaabutan. May binibigay siyang regalo sa aking minsan. Na napapansin ng mga katrabaho ko. Parang hindi ko nagugustuhan ang kanyang ginagawa. Kaya kailangan ko siyang makausap dahil nadadamay ang aking trabaho.

I Lust You (COMPLETED) Where stories live. Discover now