Chapter 13

271 5 0
                                    

🔥🔥🔥

"Rise and shine. Puppies!" Gising ko sa kanilang dalawa. Natawa naman ako ng makitang umikot lang ang mga ito at yumakap sa isa't isa. Ang kucute talaga nilang tignan sa kanilang pajama.

"Puppies! Wake up na!" Pangigising ko. Hindi talaga ito tinatablan. Lumapit naman ako sa kanila at hinalik sila sa kanilang mga pisngi.

Unang nagmulat ng kanyang mata ay si Air at ngumiti sa akin. Tinaas pa niya ang kanyang mga kamay para iparating na gustong magpabuhat. Natawa naman ako at lumapit sa kanya para buhatin siya. Mabilis naman itong yumakap sa aking leeg. At humalik sa aking pisngi.

"Good morning mommy!" Nakangiting sabi niya. Hinalikan ko naman ito sa kanyang pisngi. Ito talaga ang pinakamalambing sa kanilang dalawa.

"Wind. Wake up na! Your brother is already wake up." Sabi ko sa kanya. Hindi parin ito tinatablan.

"Wind. Kung hindi ka pa gigising, hindi ka na magiging puppy." Sabi ko natawa naman si Air na buhat ko.

"Okay, okay. I'm awake!" Sabi niya at tumayo. Lumapit naman ito sa akin at yumakap sa aking binti habang kinukusot ang kanyang mata.

Umupo naman ako sa kama nila at tumabi naman si Wind sa amin habang nakaupo sa aking binti si Air. Yumakap lang si Wind sa akin at humikab pa.

"How's your sleep?" Tanong ko sa kanila.

"You know mommy! I have the most beautiful dream in the world. Kasama raw natin si daddy tapos happy family daw tayo." Kwento sa akin ni Air. Napa iwas naman ako ng tingin sa kanya. Dahil nakikita ko ang kislap sa kanyang mata habang kukwento siya sa akin.

"Opss!" Biglang sabi niya ng mapagtanto ang sinabi. Tinakpan naman niya ang kanyang bibig at nanlalaki ang kanyang mata. Tipid lang na ngiti ang binigay ko sa kanila.

"I'm sorry mommy." Sabi naman ni Air at niyakap ako, sumali rin ng yakap sa akin si Wind.

"It's okay! Go the a shower na at mag toothbrush na kayo." Sabi ko sa kanila. Sumunod naman ang dalawa. Napabuntong hininga nalang ako at tumayo. Kumuha nalang ako ng susuotin ng dalawa ngayon.

Pagkatapos nilang mag ayos ay bumaba na kami. Nilutuan ko naman sila ng pancake at nagtimpla ng gatas. Masaya namang kumain ang mga ito. Pagkatapos ay napagpasyahan naming bumalik sa kwarto nila para manood ng paborito nilang movie na 'the secret life of pets'. Nakatuon lang ang tingin nila sa TV. Habang nakasandal sa akin si Air at si Wind naman nasa kama nakatihaya.

Ilang ulit na rin naman nila ito napanood pero hindi pa rin sila nagsasawa. At seryoso talaga ang dalawa.

"Baby!" Tawag ko sa kanila. Napatingin naman ang mga ito sa akin.

"I have something to tell you." Sabi ko sa kanila. Bumangon naman si Wind at lumapit sa akin.

"Mommy has to go next weeks. I'll be away for a week. Is that okay?" Tanong ko sa kanila.

"Where are you going?" Sabi naman ni Wind.

"Hindi ko pa alam pero parang may dagat daw ang pupuntahan namin." Kwento ko sa kanila. Nag aliwalas naman ang mukha ng mga ito.

"Can we come?" Tanong naman ni Air.

"I'm sorry baby. But may trabaho rin kaming gagawin doon. Hindi ko kayo maaasikaso. Maybe next time, isasama ko kayo." Sabi ko naman at hinimas ang ulo nila. Dahil ang habang ng nguso ng dalawa.

"It's okay. Tito Ninong is here naman kaya. You can go mommy." Sabi naman ni Wind. Tumango nalang ako at hinalikan ang kanyang ulo pati na rin si Air. Nagpatuloy naman sa panunuod ang dalawa. Tinuon ko na rin ang aking pansin sa telebisyon.

I Lust You (COMPLETED) Where stories live. Discover now