Chapter 34

196 6 0
                                    

🔥🔥🔥

"Ate, ngayon ko lang napansin. It may be my imagination but there's a resemblance of your twin and kuya Leighton especially Wind."
Nagulat naman ako sa kanyang sinabi. Bumalin naman kami ng tingin sa family picture nila.

"Talaga ate. Hindi ako nagbibiro. Magkapareho talaga sila." Sabi naman niya sa akin. Nawala naman ako ng salita. Biniksan ko ang aking bibig upang magsalita pero walang lumabas na kahit isang salita.

"May hindi ka ba sinasabi sa akin?" Seryosong sabi niya sa akin.

"Ate, I'm asking you." Sabi pa ni Lucy sa akin.

"L-lucy, can we talk some other time. Parang hindi ito ang magandang oras na pag usapan ito." Mahinahong sabi ko sa kanya. Tumingin naman siya sa akin. At hindi rin nagtagal ay tumango naman siya sa aking sinabi. Narinig naman namin ang pagsasalita ng MCEE kaya napatingin kami dito. Nagpaalam naman sa akin si Lucy na babalik na doon.

Doon lang ako nakahinga ng maluwag ng makaalis si Lucy. Napatingin naman ulit ako sa picture bago ko napagpasyahan na umalis.

Sa aking paglalakad. Nagulat nalang ako ng may biglang may humatak sa akin. Napatingin naman ako doon at nanlaki ang aking mata sa aking nakita.

"K-kuya?!" Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa akin. Mabilis ko namang ginala ang aking mata para tingnan kung may nakakita ba sa amin.

"What are you doing here?" Kunot noong tanong niya sa akin. Mabilis ko namang tinanggal ang aking kamay na hinawakan niya bago umayos ng tingin sa kanya.

"P-party? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko naman sa kanya. Hindi pa rin nawawala ang kunot sa kanyang noo.

"You said na may lakad na ngayon." Sabi naman niya sa akin. Tumango naman ako.

"Hindi ba obvious na dito ako pumunta." Sabi ko naman sa kanya. Napairap nalang siya ng kanyang mata.

"How about you? Ano ring ginagawa mo dito?" Tanong ko naman sa kanya.

"Isa ako sa investors ng Hinderson Mining. Tita Bella ask for my presence." Mahinang sabi niya sa akin. Napakamot naman siya ng kanyang ulo habang sinasagot ang tanong ko.

Napataas naman ang aking kilay dahil sa aking narinig. Sumilay naman ang ngiti sa aking mga labi.

"Tumi tita ka na ngayon!" Sabi ko naman sa kanya at tinusok tusok pa ang kanyang gilid. Inalis naman niya ang kanyang kamay na nakahawak sa akin at inis na tumingin sa akin.

"Are you with Vivian?" Tanong naman niya sa akin. Tumango naman ako sa kanyang labi bago sumilay ang ngiti sa aking labi dahil sa aking naisip.

"Bakit hinahanap mo?" Nakangising sabi ko naman sa kanya.

"What? I'm just asking. Sino ang sasama sa iyo pauwi. Wag mong bigyan ng malisya ang mga sinasabi ko!" Inis naman na sabi niya. Tumango tango lang ako sa kanyang sinabi.

"Opo ku---" hindi ko na natapos ang aking sasabihin dahil sa gulat. Mabilis naman akong napatingin sa aking gilid ng may biglang humatak sa akin.

Amoy palang alam ko na kung sino ito. Napatingin naman ako sa kanya at seryoso lang ito nakatingin kay Kuya. Napatingin naman ako kay kuya na ngayon wala ng ekspresyon ang kanyang mukha. Hindi ko na alam kung ano ang iniisip niya. Kaya nagpabigay ng kaba sa aking dibdib.

"Sir? Anong ginagawa mo dito?" Sabi ko at napatikhim. Inayos ko naman ang aking pagsasalita para hindi mapansin ang aking pag uutal utal.

Ano naman ang ginagawa ng lalaking ito dito?

I Lust You (COMPLETED) Kde žijí příběhy. Začni objevovat