Chapter 20

243 7 0
                                    

🔥🔥🔥

"Bakit?! Bakit niya ako iniwan?" Naiiyak na sabi niya. Nakita ko naman ang kanyang pagkatulala at nagulat naman ako ng bigla na naman siyang umiyak. Napatingin naman ang iba pa naming kasamahan sa kanya at tinanong pa kami kung ano ang nangyari. Hindi namin naman ito nasagot dahil hindi rin namin alam ang nangyari sa kanya. Nakuta rin namin ang dahan dahang pag upo ng mga kasamahan namin para siguro madamayan ang pagiging miserable ni Miss Becky.

"Hindi ba ako sapat?" Tanong nito.

Napatingin naman kami ng Vivian sa isa't isa dahil nakatingin ito sa amin. Sinenyasan ko naman siya na siya na ang kumausap. Inirapan naman niya ako at pumunta sa tabi ni Miss Becky. Hinimas himas naman niya ang likod nito. Nakamasid lang kami ng iba sa kanya.

"Minahal ko naman siya eh! Sobra sobra pa nga ang ibinigay ko! Hindi naman ako nanghingi ng kapalit pero bakit?!" Sigaw niya. Napalayo naman si Vivian dahil sa kanyang pagsigaw. Napangiwi nalang ako sa kanya. Wala naman kaming nagawa at hinayaan nalang si Miss Becky na ilabas ang hinanakit ito.

"Hindi ba ako sapat? Hindi niya ba ako mahal? Bakit? Ang daming bakit na pumasok sa aking isipan. Kinaya ko dahil mahal ko siya!" Iyak lang siya ng iyak habang nilalabas ang lahat.

"Matanong lang kita Miss Becky, sino ba yang sinasabi mo? Bubogbugin namin." Sabi naman ni Jason ang katrabaho namin. Tumango naman ang iba sa kanya.

"Wag ninyo na siyang saktan. Sapat na sa akin na masaya siya." Naiiyak na sabi pa niya. Tumango tango naman si Jason sa sinabi ni Miss Becky.

"Sino ba yang lalaking yan? Ang kapal naman ng mukha niya." Sabi naman ni Mae.

"Gusto ninyo talagang malaman! Ito sasabihin ko! Si Sir Leighton!" Biglang sigaw niya. Nagulat naman kami sa sinabi nito. Nagkaroon naman ng katahimikan sa pagitang namin. Tanging mga tao nalang sa bar at ang musika ang nagiging ingay. Pero hindi parin ito sapat sa katahimikan namin.

Hindi talaga nila natanggap na ginawa ni Sir Leighton kay Miss Becky!

Wait what?! Sir Leighton?

Tama ba yong sinabi ko. Napatingin naman ako sa iba. Ngayon napasipol naman ang ibang kalalakihan. Si Vivian naman na nag cocomfort sa kanya ay parang hindi makapagsalita dahil sa narinig. Ang iba naman ay hindi alam kung ano ang sasabihin at tumingin tingin pa sa paligid.

Pero nagulat nalang ako ng biglang masitayuan ang iba namin kasama at bumalik sa dance floor na parang walang nangyari. Nakita ko naman ang seryosong mukha ni Vivian at malakas na pagtapik  ang balikat ni Miss Becky. Kita sa kanyang mukha ang sakit sa bawat pagtapik ni Miss Becky. Napabuntong hininga nalang ako. Nakita ko naman ang papalapit na si Jason na tumatawa pa.

"Lakas ng tama mo Miss!" Pagkasabi niya noon ay umalis naman siya at pumunta na rin sa dance floor. Napasimangot nalang si Miss Becky dahil walang naniwala sa kanya.

Umalis naman sa kanyang tabi si Vivian at may inis na pumunta pabalik sa kanyang pwesto katabi noong akin.

Nag angat naman kami ng tingin ng umalis na rin si Miss Becky papunta sa dance floor kahit na nakasimangot parin ito.

"Todo alalay pa naman ako! Tapos ganoon lang pala ang iniyakan niya. Asawa mo pa!" Inis na sigaw niya. Tinakpan ko naman ang kanyang bibig at pinandilatan siya ng mata.

"Hoy ang bibig mo kahit ano nalang ang sinasabi!" Saway ko rito. Umiling lang siya at tumayo na rin. Sumunod naman ako sa kanya dahil ako nalang ang naiwan sa upuan namin kasama ang iba na may kasamang mga lalaki. Nakita ko naman siya na papunta sa dance floor at nagsimula na rin itong sumayaw ng parang walang paki sa paligid. Kahit na naiilang ako ay sumayaw na rin ako. At paminsan minsan naman ay umiinom sa dalang inumin na kinukuha rin ni Vivian.

Hanggang sa hindi ko na namalay kung ano ang ginagawa ko. Nawala na ang ilang na nararamdaman ko. Napalitan na ito ng saya dahil na rin siguro sa alak na nainom ko. Patuloy lang kami sa pagsasayaw na lahat. Mas lumakas na rin ang tugtog ng musika dito sa lugar.

"Whooo!" Sigaw ni Vivian. At nagpatuloy sa kanyang pagsasayaw. Wala namang sumasaway sa kanya dahil patuloy lang rin sa pagsasayaw ang mga tao. May naghahalikan rin sa may gilid. May gumagawa rin ng kababalaghan sa may kabila. Napapikit naman ako at sumayaw nalang.

Nagulat nalang ako ng may kamay na biglang humawak sa aking bewang. Napatingin naman ako doon kung sino ang humawak sa aking bewang. Nagulat naman ako kung sino iyon. Nakapikit lang rin ito habang sumasayaw.

"D-david?" Mahinang sabi ko. Alam kung hindi naman niya maririnig ang sinabi ko dahil sa lakas ng musika dito sa loob ng bar. Napamulat naman ito dahil naramdaman siguro niya ang matang nakatingin sa kanya. Nagulat rin ito ng makita ako. Napatiligil na rin kami sa aming pagsasayaw. Parang natauhan na ako dahil sa aking pagkagulat.

"J-joe!" Sigaw niya. Kinuha ko naman ang kanyang kamay na nasa bewang ko parin at tinanggal ko ito. Nakita ko naman ang kanyang tipid na ngiti na nakikita lang dahil sa liwanag ng araw.

"Let's talk." Mahinang sabi niya at hinatak na niya ako sa may taas kung saan mahina lang ang musika. Makakapag usap talaga kayo ng mabuti.

Bumitaw naman ako sa hawak niya dahil hindi ako komportable. Mapait naman siyang napangiti dahil sa ginawa ko.

"Noon masaya ka pa kung hinahawakan ko ang kamay mo. Pero ngayon parang diring diri kana sa kamay ko." Sabi niya at napayuko. Seryoso ko lang siyang tiningnan.

"Ano nga pala ang pag uusapan natin?" Pag iiba ko. Hindi ko nalang pinansin ang kung ano mang pinapakita niyang reaksyon. Gusto ko lang maliwanagan sa mga nangyari noon. Huminga naman siya ng malalim bago nagsalita muli.

"First of all. I want to say I'm sorry. Hindi ko sinasadya ang mga yon." Mahinang sabi niya sa akin. Tumingin naman ako sa kanya. Nakita ko naman na sincere ito sa kanyang paghingi ng patawad. Kaya tumango ako sa kanya.

"Pinapatawad na kita. Nangyari na ang nangyari. Hindi na naman mababalik ang nakaraan kaya okay na sa akin ang nangyari. Mas mabuting tanggapin nalang natin kung ano ang meron tayo ngayon." Seryosong sabi ko sa kanya. Nakahinga naman siya ng maluwag at tumango tango sa akin. Natahimik naman kaming dalawa kaya napagpasyahan kung magpaalam na sa kanya para bumalik sa mga kasamahan ko.

"Sige aalis na ako." Sabi ko

"Sige! See you next time." Nakangiting sabi niya. Tipid na ngiti lang ang ginawad ko sa kanya. Pumunta naman ako sa may restroom at naghilamos. Tinext ko naman si Vivian na mauuna na ako dahil inaantok na rin ako. Hindi ko na ito tinawagan dahil alam ko namang hindi naman niya ito maririnig. Lumabas na ako ng bar at pumunta na sa kwartong tinutuluyan ko. Nakahinga naman ako ng maluwag ng makitang wala pa ang sasakyan ni Leighton. Mas komportable akong maglakad lakad sa kwarto ng wala si Leighton.

Pag akyat ko naman sa lugar ay wala namang katao tao. Dim rin ang ilaw na nakalagay dito. Kaya sinyales na hindi pa siya dumating. Hindi ko alam kung bakit naiinit ako ngayon pero tinanggal ko naman ang aking mga damit sa katawan at iniwan ang aking dalawang pang loob. Hindi naman ako nahihiyang maglakad lakad dito dahil nag iisa lang naman ako. Hahakbang na sana ako ng may marinig akong boses.

"What are you doing?!"

I Lust You (COMPLETED) Where stories live. Discover now