Chapter 22

237 8 0
                                    

🔥🔥🔥

"What are you doing here?" Tanong ng pamilyar na boses. Nanlaki naman ang aking matang tumingin rito.

"Sir!" Biglang sigaw ko. Kunot noo naman itong tumingin sa akin. Si Lucy naman ay hindi lang nagulat sa kanyang kapatid.

"Who are you talking to?" Tanong naman sa kanya ni Lucy. Napataas naman ang kilay ni Sir Leighton na parang hindi naintindihan ang kanyang sinabi.

"Of course you. What are you doing here in my room?" Sir Leighton reply. I don't know what to do in this situation. Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa.

"Well kuya. I have papers to check like you ask me to do. And that's the thing you ask me! Why am I here? So rude kuya. I don't know that you are like that?!" Sabi naman ni Lucy at binigyan ng hindi makapaniwalang mukha si Sir Leighton. Nagulat naman si Sir Leighton at tumingin sa akin na may tipid na ngiti.

"Will you please get out?" Sabi naman niya. Tumango naman ako at akmang umalis. Nilampasan ko naman siya at nagulat nalang ako ng bigla nalang niyang hawakan ang aking kamay.

"Where do you think your going?" Tanong naman niya sa akin. Kunot noo ko naman siyang tinignan.

"Sabi ninyo po na umalis ako. Kaya aalis po ako." Sabi ko sa kanya. Inis naman itong bumalin kay Lucy.

"I'm not referring to you. I'm referring to here!" Sabi niya at tinuro pa ang kanyang kapatid. Nagulat naman ako doon. Si Lucy ang kanyang paaalisin?

"What?" Gulat namang sabi ni Lucy. Hindi namang kumibo ang kanyang kapatid at hinintay lang ang kanyang gagawin.

"Okay! Fine. I'll go ahead." Sabi niya at inwan kaming dalawa dito sa loob. Kinabahan naman ako dahil kami nalang dalawa ang naiwan. Hindi naman ako kinabahan kanina na nandidito si Lucy. At ngayon na kami lang parang hindi ako mapakali sa aking pwesto at dapat may gawin ako para makaalis.

Tumingin naman ako sa kanya at nag iwas ng tingin. Seryoso lang itong nakatingin sa akin na parang sinusuri ang aking emosyon. Bumitaw naman ako sa kanyang pagkakahawak na siya namang madali niyang binitawan at akmang aalis. Nang bigla naman niya akong hatakin sa may bewang.

Nanlalaki naman ang aking mata tumingin sa kanyang leeg. Hindi ko magawang tumingin sa kanyang mata na nagpapalunod sa akin ano mang oras sa ngayon. Hawak palang niya ay para na akong nanghihina. Ngayon lang ito nangyari sa tanang buhay ko.

"Look at me." Sabi niya sa akin. Nanatili lang ang aking tingin sa kanyang dibdib. Ayokong gawin ang kanyang sinabi dahil baka babagsak na ako dahil lang sa kanyang mga titig.

"JM... Look at me." Malambing na sabi niya. Napatingala naman ako bigla sa kanya dahil sa paraan ng kanyang pagtawag. Mga friends ko lang at family ang tumatawag sa akin ng JM. Maliban doon ay wala na. Joe na palagi ang tawag nila sa akin.

"How are you?" Tanong niya sa akin at napaatras naman ako ng hawakan niya ang aking noo. Pero hindi naman ako makaalis dahil mas hinigpitan niya ang pagkakahawak sa akin.

"Huh?" Tanong ko sa kanya. I can't understand what he was saying because of my situation right now. I feel suffocating in a wide place with man holding me.

"Breath." Natatawang sabi niya. Napailing nalang ako.

Tinulak ko naman siya at mabilis na umalis doon sa kwarto. Hindi ko na ito nilingon dahil hinahawakan ko na ang aking pisngi na sobrang init. Mabilis ko namang pinaypayan ang aking sarili. Nang makalayo layo na ako ay napahawak naman ako sa may puno para mabalanse ang aking sarili. Dahil anumang oras ay matutuba ako. Napahawak naman ako sa aking dibdib na bumibilis ang tibok ng puso ko. Napailing iling nalang ako.

I Lust You (COMPLETED) Where stories live. Discover now