Chapter 12

271 5 0
                                    

🔥🔥🔥

"Buntis ka ba?!" Napatigil naman ako dahil sa aking narinig.

"P-po?" Tanong ko sa kanya. Napatingin naman ko kay kuya na hindi alam kung ano ang gagawin. Si mommy naman parang naiiyak na. Si daddy naman seryosong lang at diritsong nakatingin sa akin. Habang si Tita Delilia, hindi ko alam pero parang paghuhusga ang kanyang mukha.

"Sinong ama?" Tanong ni Daddy. Napayuko naman ako. Hindi ko kayang sagutin ang tanong niya.

"Nakakahiya!" Biglang sigaw ni Tita.

"Hindi ka na nahiya. Napabuntis ka tapos hindi mo alam kung sino ang ama!" Dugtong pa niya. Nagsimula ng mamasa ang aking mata. Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako napagsabihan ng ganito ka sakit na salita. Ang may masakit ay nang galing pa sa aking kapamilya.

"Nakakahiya ka! Mataas pa naman ang tingin ko sa iyo. Pareho lang pala kayo ng kuya mo! Hindi marunong lumugar at lakwasa lang ang nasa isip! Tingnan mo, anong nangyari?! Buntis ka! Paano mo palalakihin yang batang yan! Aasa ka naman sa ama mo!" Sigaw ni Tita. Doon na tumulo ang pinipigilan kong luha.

"H-hindi naman po siguro. N-nagkakamali lang po kayo." Nauutal na sabi ko. Nagpatuloy lang sa pag agos ang aking mga luha.

"At nagawa mo pang itanggi! Nakita na nga ang sintomas. Ikakaila mo pa!" Sigaw naman ni Tita at humawak pa siya sa kanyang ulo.

Sa pagkakataon na ito ay lumapit na sa akin si kuya para alalayan ako. Doon, mas lalo lang akong naluha. Alam kung hindi ako iiwan ni kuya.

"Dadalhin ko lang si JM sa kwarto niya." Sabi naman ni kuya. Hindi na niya hinintay ang sasabihin nila at inalalayan na niya ako papunta sa aking kwarto.

Nang makarating kami sa kwarto ay hindi parin natigil ang aking pagluha. Nasa tabi ko lang si kuya at inaalo ako. Tahimik lang siya sa aking tabi.

"Tahan na. Nakakasama yan sa iyo. Ngayon pang may laman na ang tiyan mo." Seryosong sabi niya at hinimas ang aking likod.

"K-kuya. Hindi pa naman sigurado. B-baka mali lang ang pag intindi ni Tita." Naiiyak na naman ako.

"Bukas, sasamahan kita pacheck up. Kung meron man talaga. Tatanggapin ko yan bilang aking pamangkin at palalakihin mabuti na walang tinatapakang tao." Seryosong sabi niya. Yumakap naman ako sa kanya. Nagpapasalamat talaga ako na nandidito si kuya sa aking tabi para gabayan at intindihin ako.

I Lust You (COMPLETED) Where stories live. Discover now