Chapter 44

185 5 0
                                    


🔥🔥🔥

"JoceLeen, hear me out. I want to talk about us. I didn't mean to tease you like that." Sabi naman niya sa akin. Nandito lang ako sa may gilid. Malapit sa may bintana. Dahil sa kahihiyan na ginawa ko. Ayaw ko na siyang makita ngayong araw na ito.

"I'm not in the mood Leighton. I'm going to sleep!" Inis naman na sabi ko sa kanya. Tumayo naman ako sa kanyang kama at pumunta sa direksyon ng sofa.

"Where are you going to sleep?" Tanong naman niya sa akin. Inis ko naman siyang tiningnan at sumagot.

"Sa sofa. Saan mo ba ako patutulugin?" Inis naman na sabi ko sa kanya.

"You sleep in our bed." Seryosong sabi niya sa akin. Hindi ko naman pinansin ang kanyang sinabi at humiga sa sofa. Kinuha ko rin ang comforter at doon ako nagtago. Bahala siyang lamigin diyan.

Nanlaki nalang ang aking mata ng bigla nalang akong lumutang sa iri at biglang ibinagsak sa kama. Lumabas naman ako sa comforter at inis na tiningnan siya.

"Sinabi ko na sa sofa ako matutulog eh!" Inis naman na sabi ko sa kanya.

"No, you're not! You will stay with me." Sabi naman niya. Inirapan ko lang siya at akmang tatayo. Nang bigla nalang niya akong kinulong sa kanyang mga braso. Napaatras naman ako at natahimik nalang. Seryoso ang kanyang mukha pero kalmado siyang nakatingin sa akin. Naiilang naman akong natawa at umatras nalang.

Tahimik naman ako at sinunod nalang ang kanyang gusto. Humiga naman ako sa kabilang bahagi ng kama at bumalik sa pagtatago sa comforter. Narinig ko naman ang kanyang pagbuntong hininga at naramdaman ko naman ang paglubog ng kabilang bahagi ng kama.

"JoceLeen, let's talk!" Kalmadong sabi naman niya sa akin.

"If you don't want to talk. I will talk." Sabi naman niya sa akin.

"I don't want this ackwardness between the both of us. I already confess to you. I'm not asking for an immediate answer but can you please act normal when your with me. Like we use to, in California." Mahinahong sabi niya sa akin.

Hindi naman ako sumagot sa kanya. Ayoko pang sabihin sa kanya ang aking nararamdaman. Pero kasi biglaan lang ang lahat. Bigla nalang siyang magcoconfess na gusto niya ako. Hindi ko alam kung totoo ba iyon. Alam ko naman na sinabi niya na may gusto siya sa akin noon pa man pero iba na kasi ang panahon ngayon. Pwedeng magbago iyon. Baka iniisip nalang niya yon o para yon lang ang gusto niyang paniwalan. Baka ngayon nagustuhan nalang niya ako dahil may anak kami. Okay lang naman sa akin na hindi na niya ako magustuhan basta tanggap lang niya ang aking mga anak. Tatanggapin ko nalang ang lihim kung nararamdaman sa kanya. Ayoko naman na napilitan lang siyang pumasok sa ganito.

"I want the old you JoceLeen. That you are sweet to me and everything. I want everuthing to work out. May mga anak na tayo. Ayoko namang isipin nila na wala tayong koneksyon sa isa't isa." Sabi naman niya sa akin. Napabuntong hininga nalang ako sa kanyang sinabi.

Lumabas naman ako sa comforter at humarap sa kanya.

"Leighton, we can act casual naman sa harap nilang dalawa. You can spend your time to them kahit wag nalang ako." Sabi ko naman sa kanya.

"I want you to be part of it. Hindi lang sila, pati na rin ikaw. Hindi ko sila dinala dito dahil sila lang ang gusto ko. Gusto ko rin ang ina ng mga anak ko. I'm inlove with you Joe." Seryoso sabi niya sa akin. Nag iwas naman ako ng tingin sa kanya.

I Lust You (COMPLETED) Where stories live. Discover now