Chapter 18

241 7 0
                                    

🔥🔥🔥

"Team building is an activity to test how a team work together to finish a task. So ngayon, masusukat kung paano kayo kikilos bilang grupo." Nakangiting sabi sa amin ni Lucy. Nasa tabi naman niya si Leighton na nakikinig lang rin kay Lucy. Nasa harap niya kaming lahat at nakikinig lang sa kanya. Tumango tango rin kung tinatanong niya.

Ngayong umaga na rin masisimula ang team building activity namin. Masigla rin ang lahat at excited sa mga larong gagawin ngayon.

Naramdaman ko naman na may nakatingin sa akin kaya napatingin ako sa paligid kong sino iyon. Pero wala naman akong nakitang nakatingin, tutok na tutok lang naman ang mga ito sa mga sinasabi ni ma'am Lucy. Nahagip naman ng aking tingin si Leighton na nakatingin pa rin kay Lucy.

Naalala ko naman kagabi yong nangyaring narinig ng mga bata ang boses ni Leighton. Pagkatapos akong sawayin ni Leighton kagabi ay hindi naman ito nasundan. Pagkatapos ay hindi na rin naman nagtanong ulit ang kambal tungkol doon, sinabihan ko lang ito na kasamahan lang. Sinabihan ko na rin sila na dapat na rin matulog, sumunod naman sila kaya walang masyadong nagkaproblema sa akin. Hindi lang talaga ako handang sabihin.

"Okay guys ready na kayo?!" Tili ni Lucy. Napabalik naman ako sa ready dahil doon. Nagsitilian naman ang aming kasamahan kasama na doon si Vivian.

"Girl! Excited na ako. Kasama natin si Sir Leighton!" Tili ng kasamahan namin na si Vecky. Napatingin naman ako sa kanya. Hindi ko alam kung sino ang kasama ko sa laro.

"Viv, saang grupo ako nabibilang?" Tanong ko sa kanya. Napataas lang kilay nito.

"Yan kasi hindi nakikinig. Puro Leighton nalang ang iniisip." Sabi naman ni Vivian. Sinapak ko naman siya at sinaway.

"Patahimikin mo nga yong bunganga mo!" Inis na sabi ko sa kanya. Napatingin naman ako sa paligid na ngayon may kanya kanyang pinag usap.

"Let's go guys! Simula na tayo!" Sigaw naman sa amin ni Lucy. Sumunod naman kami sa kanya. Hinatak ko naman si Vivian.

"Sinong kasama ko?!" Tanong ko sa kanya.

"Malamang makasama tayo!" Inis naman na sabi niya. Inirapan nalang ako. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil kasama ko siya.

Pumunta naman kami sa may buhangin at may crew na doon na may dalang lubid.

"Guys! Ngayon tug of wars ang lalaruin natin. Kailangan ang tulong ng lahat para manalo. Team work ang kailangan ng lahat. Friendly game lang ito ha!" Paalala sa amin ni Lucy. Sa ngayon nakikinig na ako sa kanila. Baka may makalimutan pa ako at hindi marinig dahil lang sa malalim ang iniisip.

Pumwesto naman kami kung sino ang kasama namin. Nasa may gitnang bahagi kami at nag uusap usap kung paano kami maglalaro. Napakunot naman ang aking noo ng makita ang mga kasama ko na parang kinikilig habang panay tingin sa aking likuran. Tiningnan ko naman kung ano ang nangyayari sa aking likuran. Nagulat naman ako ng makita ko si Leighton na nakatingin lang sa harapan habang nakasunglass. Hindi ko alam na magkagrupo pala kami! Bakit walang nagsabi sa akin?! Seryoso lang itong nakatingin sa harap. May balikat lang ang taas ko sa kanya kaya nakatingala ako ngayon sa kanya. Tumikhim naman ako at nag iwas ako ng tingin sa kanya.

Nagsimula naman kami at kasali ako sa maglalaro ng tug of wars. Hindi naman maka tutol dahil si Miss Becky na ang nagsabi. Kasama rin si Leighton sa amin dahil lalaki ito at kayang humatak.

Pumwesto na kami sa may lubid. Nagsimula na kaming maglaro. Sa bawat hatak ko ay naiilang talaga ako naramdaman. Dahil nasa likod ko si Leighton. Alam ko naman na hindi ito pansin ng iba dahil nakatuon lang ang kanilang pansin sa laro. Patuloy lang kaming humatak sa lubid. Hanggang sa natapos ang laro namin.

Marami pa kaming nilaro ngayong araw. Palit palitan lang kung sino ang grupong nanalo. Masaya naman ang lahat habang naglaro kami. Teamworm talaga ang kailangan sa amin. Minsan nga lang ay nag aaway dahil hindi gusto ang suwestiyon ng isa. Minsan naman ay nagtatampuhan. Sunod lang kami ng sunod ni Vivian. Speaking og Vivian, kung maglalaro kami ay minsan kasama ko siya, minsan naman ay hindi.

Hanggang sa gumabi ay sa may restaurant lang kami ng hotel kumain. Masaya ang lahat dahil madami ang handa at masasarap rin ang mga ito. Kailangan daw naming kumain dahil bukas iba naman ang activity na mangyayari.

Natapos ang araw na masaya ang lahat kahit pagot. Nagsipuntahan naman kami sa aming mga kwarto para matulog. Nang makarating ako sa may kwarto tinutuluyan ko. Na mas magandang sabihin, kwarto ni Leighton.

Naabutan ko naman siya sa may kusina na naglalagay ng wine sa kanyang baso. Pinasadaan lang niya ako ng tingin. Nag iwas naman ako ng tingin at dumiritso nalang sa kwartong tinutuluyan ko. Doon ko nilabas ang aking buntong hininga

🔥🔥🔥

Pangalawang araw na namin ngayon dito sa resort. Hanggang ngayong gumagawa pa rin kami ng activity para sa team building na ito. Kaunting pahinga. Half day lang naman ang gagawin namin ngayon. Pagkahapon ay hinayaan kami ni Lucy at Leighton na magpahinga nalang at gawin ang gusto namin dahil may gagawin pa daw sila na trabaho.

Nandidito lang kami ngayon sa may cottage na nirentahan namin. Kumakain lang kaming lahat at nag kukwentuhan.

"Bar tayo mayang gabi!" Sabi naman ni Miss Becky. Napatingin naman kami sa kanya. First time niyang magsabi ng ganoon. Mas seryoso lang talaga to minsan at palaging trabaho ang inaatupag. Kaya nakakapagtaka na ganyan ang kanyang sinabi.

"Oo nga. May bar doon sa kabilang banda ng resort. Wala naman tayong ginagawa ngayon eh." Sabi naman ni Mae.

Napatingin naman ako kay Vivian na na parang kumikislap pa ang kanyang mata na gusto ring sumama. Napabubtong hininga naman ako at sumama nalang sa kanila. Ayoko namang maiwanang mag isa dito kaya pumayag na rin. Napagpasyahan namin na mamayang gabi nalang pumunta at ngayon magpapahinga muna kami para active mamayang gabi.

"Bakit kaya nag aya si Miss Becky no?" Tanong sa akin ni Vivian habang naglalakad kami papunta sa aming mga kwarto.

"Hindi ko nga rin alam kung bakit!" Sabi ko naman sa kanya.

Napatigil naman siya na parang may naalala.

"Joe! Saan nga pala ang kwarto mo?! Dalawang araw na tayo diyo pero hindi ko alam kung saan ka nagstastay.  Para mapuntahan kita doon mamaya." Sabi naman ni Vivian. Napaisip naman ako. Hindi pa pala niya alam kung saan ako tumutuloy ngayon. Siguro okay lang naman na pumunta siya doon, wala rin naman si Leighton ngayon.

I Lust You (COMPLETED) Where stories live. Discover now