Chapter 9

285 8 0
                                    

🔥🔥🔥

"Ate Joe!" Nabilaukan naman ako dahil sa pamilyar na boses na tumawag sa akin. Mabilis naman akong inabutan ng tubig nina kuya at Vivian.

Nag angat naman ako ng tingin at nakita ko si Lucy na nakangiti habang nakatingin sa akin.

"Hi Tita Lucy!" Sabi namang bati ng dalawa sa kanila.

"How are you puppies?" Nakangiting tanong ni Lucy sa kanila.

"We're okay, Tita." Nakangiting sabi naman ni Wind bago nagpatuloy sa pagkain.

Napatingin naman ako sa kanila kuya na ngayon ay seryoso na at tahimik na tumingin sa akin. Si Vivian ay parang naiilang dahil siguro sa kanyang nalaman kani kanina lang. Wala namang paki ang kambal na ngayon nagpatuloy lang sa kanyang pagkain. Si Lucy naman ay umupo sa bakanteng upuan na katabi ng kay kuya.

"Mabuti nga at nakita ko kayo dito. Gusto ko ring makabonding ang kambal. Hindi ko alam kung bakit ang gaan ng loob ko sa kanilang dalawa." Nakangiting sabi niya. Nagulat naman ako doon. Narinig ko naman ang mahinang pagtikhim ni Kuya.

"Oh! Siya ba ang ama ng kambal?" Tanong niya at tinuro pa si Kuya. Natahimik naman kami at pinroseso ang sinabi ni Lucy. Nagulat nalang ako ng bigla nalang tumawa si Vivian.

Nakakunot ang noo ni Kuya habang nakatingin kay Vivian.

"Itong unggoy nato magiging ama nang naggugwapuhang bata na ito." Natatawang sabi ni Vivian bago kumuha ng pagkain.

"Oh! Hindi pala! May bad. Oh! You must be Ate Vivian's boyfriend." Sabi naman ni Lucy habang nakaturo kay Vivian na sa kabilang bahagi naman na katabi ni Kuya.

Nabilaukan naman si Vivian. Kaya mabilis ko naman itong binigyan ng tubig.

"No!" Sabay pa na sabi ni Vivian at Kuya. Natawa naman si Lucy dahil sa kanila.

"Wag na kayong magkaila. Obvious naman eh." Natatawang sabi ni Lucy. Nakatingin lang kaming tatlo ng kambal sa kanila.

"Ahm. Lucy, si JayCee Marcuss Greene pala, kuya ko." Pagpapakilala ko kay kuya kay Lucy.

"Ouh! You mean JC novel? The famous Author of the lover's series." Namamangha na sabi ni Lucy. Napakamot naman ng ulo si Kuya dahil sa pagkailang sa mga sinabi ni Lucy.

"I'm a fan!" Excited na sabi ni Lucy. Napairap naman si Vivian.

"May fan rin pala ang unggoy." Bulong ni Vivian pero rinig na rinig naman namin. Napakunot naman ang noo ni Lucy dahil walang ka alam alam sa nangyari sa pagitan nila. Si kuya naman inirapan lang si Vivian at tipid na ngiti ang ibinigay niya kay Lucy.

Natapos rin kaming kumain lahat. Pero nanatiling tahimik ang pagitan namin. Alam kung naiilang na rin sa amin si Lucy dahil sa katahimikan. Si Vivian naman parang hindi mapakali, biglang bubukas ang kanyang bibig pero sinasarado nalang niya ng hindi alam kung tama bang magsalitam. Ang bibig pa naman ng isang yan ay walang preno. Si Kuya naman ay kaswal lang na naghihintay kung sino ang magsasalita pati na rin ang kambal. Minsan tinatanong nila pero kadalasan tango lang at kaunting sagot ang natatanggap nila sa kambal.

"Mommy, do you really have to go? Can you stay for a minute?" Sabi naman ni Air habang nakayakap sa akin. Nakatingin lang sa akin ang kanyang kakambal na si Wind. Sa kanilang dalawa mas malambing sa kanila si Air kumpara sa kapatid niya. Kaya hinahayaan lang naman ni Wind kung ano ang gusto ng kambal dahil ginagawa rin naman ni Air kung ano gusto ng kambal niya.

"Air, you know that mommy doing this for you, right?" Si Kuya na ang kumausap sa kanya dahil hindi niya talaga ako binitawan. Alam ko rin sa sarili ko ano mang oras ay bibigay rin ako sa kanila.

"I know but mommy already have overtime. Can mommy have a break?" Nagulat naman ako sa sinabi ni Air. Hindi ko alam na tinandaan niya talaga ang sinabi ko sa kanya kung bakit hindi ako nakauwi kagabi.

Nag angat naman ako ng tingin ng marinig ang pagtawa ni Vivian. Sinamaan ko naman siya ng tingin at nag peace sign lang ito habang nagpipigil sa kanyang tawa.

"Maybe tonight. Babawi si mommy sa inyo, we'll have our dinner sa mall, okay?" Sabi ko naman sa kanilang dalawa. Nag aliwalas naman ang kanilang mukha at mabilis na tumango. Bumitaw naman ang mga ito sa yakap at lumapit na sa kanilang Tito Ninong. Napabuntong hininga naman si Kuya kaya ngumiti lang ako dito. Humarap naman ako dito at tiningnan naman niya ako at sinasabing mag uusap tayo mamaya. Tumango nalang ako dito at kumaway sa kambal.

Hanggang sa makalayo na sila. Humarap naman ako kay Lucy at Vivian na nakatingin rin sa papalayong bulto ng kambal.

"Tara na balik na tayo sa building. Late na tayong dalawa." Sabi naman ni Vivian. Tumango lang ako sa kanya. Nagsimula naman kaming lumakad papunta sa building.

"Guys. Nababagabag talaga ako. Pamilyar talaga ang mukha ng kambal. Do we know each other before, ate?" Tanong naman ni Lucy sa akin. Nagulat naman ako.

"A-ako?" Tanong ko naman.

"Malamang girl! Hindi naman siguro ako! May kambal ba ako?!" Sarkastikong sabi ni Vivian. Inirapan ko naman siya. Tumawa lang si Lucy sa kanya.

"Anyways, ate? Magkakilala na ba tayo noon?" Tanong ulit ni Lucy. Mabilis naman akong umiling.

"Hindi naman. Nitong mga nakaraang taon lang naman tayo nagkakilala eh." Sabi ko naman sa kanya. Hindi ko pinahalata na kinakabahan ako. Nag isip ulit siya bago humarap sa amin.

"Nevermind nalang ate. Baka kamukha lang." Sabi naman ni Lucy. Tumingin naman ako kay Vivian para humingi ng tulong. Nagkibit balikat lang naman siya at palihim na tumawa.

"Pero totoo ang sinabi ko kanina na ang gaan ng loob ko sa kanilang dalawa." Sabi naman niya. Tumango lang ako at tipid na ngiti lang ang isinukli.

"Ate. Diba they love dog. Baka minsan pwede ko silang isama sa zoo or dog's hotel? Pwede naman diba ate?" Nakangiting tanong ni Lucy.

"H-hindi ko alam pero pwede naman. Pero kasi silang dalawa naman ang masusunod kung sasama ba sila." Sabi ko naman sa kanya.

"Ah. Okay! Maybe next time nalang kung kasama ka. What if bilhan ko sila ng costume na dogs?" Nakangiting tanong niya.

"M-may mga costume na silang aso eh." Sabi ko sa kanya. Hindi ko naman gustong sirain ang ngiti niya pero madami na kaming asong costume ang nasa bahay. Iba't ibang klaseng aso may costume silang dalawa.

"Binilhan na kasi sila ni Kuya every month kaya ganoon. Pasensya na Lucy ah." Sabi ko naman sa kanya.

"Okay lang. Ano ba ang mga gusto nila?"

"Mga puzzle."

"Alam mo may kakilala rin akong nangungulekta ng mga puzzle. Si Kuya ang dami na niyang box sa puzzle sa bahay." Kwento naman ni Lucy. Tumango lang ako. Napatingin naman ako sa kanya kung nahahalata na ba niya ang mga pagkakahawig nila pero mabuti nalang at parang wala naman siyang napapansin.

"Bakit ang tahimik mo ate Viv?" Tanong naman sa kanya ni Lucy.

"Wala lang. Baka may masabi pa akong masama."

"Bakit ate?" Tanong ulit ni Lucy.

"Wala lang patuloy ninyo lang yang usapan ninyo. Hanggang sa dumating tayo sa pwesto." Sarkastikong sabi niya. Napailing nalang ako. Natawa rin si Lucy. Hanggang sa marating kami sa department namin.

"You're late!"

I Lust You (COMPLETED) Where stories live. Discover now