Chapter 57

173 3 0
                                    


🔥🔥🔥

"Ako na ang maghahatid sa mga bata ngayon Leighton. Magdadala ako mamaya ng kotse dahil may imemeet akong investor ni Kuya." Sabi ko naman kay Leighton habang inaayos ang kanyang necktie. Tumango naman siya sa aking sinabi.

"Yeah sure! But please be careful." Sabi naman niya sa akin. Tumango naman ako at ngumiti sa kanya. Sabay naman kaming bumaba na dalawa at nakita namin ang aming mga anak na kumakain na. Pinaghandaan na sila nila Lizzie.

"Good Morning Kuya, Ate!" Sabay naman na sabi ng dalawa. Ngumiti naman ako sa kanila. At nakita ko naman ang pagtango ni Leighton sa kanila.

"Sumabay na kayong kumain sa amin." Sabi ko naman sa kanila. Tumango lang ang mga ito at umupo na rin. Wala namang kaso na sumabay sila. Naging pamilya na namin sila. At nagpapasalamat ako sa kanila dahil gumaan ang aking trabaho dahil tinutulungan nila ako simula pa noon. Maaasahan mo talaga silang dalawa.

Pagkatapos naman naming kumain ay naghanda naman kaming lahat sa aming pag alis.

"Lizzie, kayo na ang bahala sa bahay. Wag mag papapasok ng kung sino kung hindi kilala. Mag ingat kayo." Bilin ko naman sa kanila. Tumango naman ang mga ito.

"Baby! I have to go!" Napabalin naman ako kay Leighton dahil sa kanyang sinabi. Tumango naman ako sa kanyang sinabi. Humalik naman ito sa aking labi bago pumunta sa kanyang sasakyan.

Humarap naman ako sa mga bata.

"Tara na?!" Tanong ko naman sa kanila. Tumango naman ang dalawa. Sumakay naman ang mga ito sa likod ng sasakyan habang ako naman ay nasa harap. Nakita naman namin ang pag alis ni Leighton. At sumunod naman ako sa kanya.

Iba ang aming daan na dalawa dahil ihahatid ko pa ang mga bata sa school. Yong napag usapan namin ni Leighton na i home school nalang muna ang mga bata pero naisipan naman namin na secure naman ang school na pinapasukan nila. Hatid sundo nalang ang aming gagawin para alam namin kung saan sila. Hindi rin naman sila nawawalan ng body guard na nasa paligid lamang.

Pagdating sa school ay bumaba naman kami. Inayos ko naman ang polo ni Air na may kulubot na dahil sa paggagalaw sa loob ng sasakyan. Hindi katulad ng kay Wind na tahimik lamang at hindi siya masyadong nagalaw. Si Air naman kung bukas lang ang pinto ay nakalabas na ito at nahulog dahil halos ilabas na niya ang kanyang ulo para lang makita ang nasa labas. Tinatanggal kasi minsan ang seatbelt. Napabuntong hininga nalang ako. Pagsasabihan ko silang dalawa mamaya.

Humalik naman ako sa pisngi ng dalawa.

"Behave at school puppies!" Nakangiting sabi ko naman sa kanila. Sabay naman tumango ang dalawa. Sinenyasan ko naman sila na pumasok na. Kumaway naman ang mga ito hanggang sa hindi ko na sila nakita.

Pumasok naman ako sa sasakyan at pupunta na sa opisina. Kukunin ko pa ang documents at nay instructions pa si Kuya sa akin bago ako pupunta sa meeting place naman ng isang investor.

Wala namang traffic sa daan. Maayos lang naman ang aking pagpapatakbo. Nanlaki naman ang aking mata ng may bigla nalang dumaan na sasakyan. Halos mawalan ako ng balanse. Nanlaki naman ang aking mata na papunta ako ngayon sa may puno. Mabilis ko namang tinapakan ang break ng sasakyan. Mabuti nalang ay napahinto ko naman ito.

Hinihingal naman ako habang nakatingin sa labas. Wala na doon ang sasakyan. Tanging ako nalang ang naiwan sa may daan. Nanginginig ang aking kamay at kinuha ang aking cellphone. Mabilis ko namang tinawagan si Leighton.

"Hello baby? How are you?" Tanong naman niya sa akin.

"L-leighton, pwede mo ba akong puntahan?" Hindi mawawala ang panginginig sa aking boses. Gusto kong maging kalmado para hindi siya mag aalala.

I Lust You (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon