Chapter 23

227 9 0
                                    


🔥🔥🔥



Pagkatapos kung mai discharged ay sinamahan naman ako ni Vivian umuwi. Umalis na rin si Sir Leighton dahil may trabaho pa ito. Nagprisenta pa ito kanina na ang kanyang sasakyan nalang daw ang gagamitin namin para hindi na kami mahirapan. Tumangi naman ako dahil nakakahiya pwede naman kaming mag taxi.

Pag uwi ko sa bahay namin ay naabutan ko na ang dalawang bata ay nalalaro sa may sala suot ang kanilang bunny costume. Napangiti nalang ako habang nakatingin sa kanila.

Umalis na rin si Vivian pagkatapos akong ihatid dahil may gagawin pa daw ito. Sa susunod nalang siya makikipag kamustahan sa mga anak ko.

"Hi bunnies!" Masiglang bati ko sa kanila. Nag angat naman ito ng tingin at binitawan ang kanilang laruan.


"Mommy!" Sigaw naman ni Air at mabilis na lumapit sa akin. Yumakap naman ito sa akin. Tumingin naman ako kay Wind na nakasunod lang. Tinawag ko naman siya para lumapit sa akin. Nag iwas lang siya ng tingin. Bumitaw naman sa akin si Air at nilapitan ang kanyang kapatid. Mabilis naman niya itong tinulak para makalapit sa akin. Napangiti naman ako ng mabilis itong yumakap sa akin at hindi lang nagsalita. Sumali rin si Air sa aming dalawa.


"We miss you mommy!" Masiglang bati ni Air sa akin. Hinalikan ko naman ang ulo nilang dalawa. Panay lang ang yakap ng dalawa sa akin ayaw na akong bitawan. Hanggang sa makarating ako sa aking kwarto ay nakayakap pa rin ang mga ito. Sila na rin ang tumulong sa akin na ayusin ang dala kong damit. Napangiti nalang ako sa kanila.

"Mom, why didn't you answer our call last time?" Tanong naman sa akin ni Wind. Napatingin naman ako sa kanya.

"Naging busy si mommy. Hindi ko napansin. Sorry." Malambing sabi ko naman rito. Tumango lang siya at yumakap ang maliit nitong kamay sa aking leeg at binaon ang mukha sa aking leeg. Kahit mahiyain minsan si Wind, nagagawa pa rin niyang maglambing sa ibang paraan na gusto niya. Sumali naman sa amin si Air. Ayaw rin patalo.

Buong araw namin ay nagyakapan lang kami at panay naman ang kwento ng dalawa kung ano ang nangyari buong linggo nila. Nakikinig lang ako sa kanila.


"Hindi naman kayo naging sakit sa ulo ng tito ninong niyo?" Tanong ko naman sa kanila. Umiling iling naman ang dalawa.

"What did you do in your tito ninong's office?" Tanong ko naman sa kanila. Sa aking pagkakaalam doon palagi ang tambayan ng dalawa pagkasama nila ang kanilang tito ninong. Yumakap naman sa akin si Air. Nandito na kami ngayon sa aking kama at gustong matulog na katabi ako.

"Mommy, we didn't do bad things?!" Malambing na sabi sa akin ni Air.

"Why so defensive? What did you do?" Tanong ko ulit sa kanila.

"Where did liar go?" Tanong ko naman sa kanila.


"Mommy... Just that, tito ninong is always busy and he didn't pay attention when we are talking so we suprise him with a card! And said we love him." Sabi naman ni Air sa akin. Napakunot naman ang aking noo paano na bad things yon?

"Is that a bad thing?" Tanong ko naman sa kanila. Nagkibit balikat lang naman ang dalawa at sumandal ulit sa akin.

"We don't know, he's mad at us because of what we do." Panunumbong naman sa akin ni Wind. Tumango lang ako at hinalikan ang noo nila.


"Go to sleep na. We're going to the mall tomorrow." Masiglang sabi ko naman sa kanila. Tumango naman ang dalawa at natulog na habang yakap ako. Hinimas ko lang ang buhok nila dalawa. At hindi ko rin namalayan na nakatulog na rin pala ako.

I Lust You (COMPLETED) Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin