Chapter 39

200 6 0
                                    


🔥🔥🔥

"Do you remember what I said last time? Can we make a contract by that kiss? I can't get over you JoceLeen. Kung pwede lang kitang iuwi ginawa ko na. Pero gusto ko yong gusto mo rin, hindi yong pwersahan."

Napailing nalang ako dahil sa aking iniiisip. Napabuntong hininga naman ako at binalik ang aking tingin sa aking ginagawa.

"Hoy! JoceLeen Makenzie, kanina ka pa napapabuntong hininga diyan. May problema ka ba?" Tanong naman sa akin ni Vivian. Napatingin naman ako sa kanya at umiling iling.

Parang hindi ako nakatulog dahil sa sinabi ni Leighton sa akin kagabi. Ibubuka ko sana ang aking bibig pero tinikom nalang at pinagpatuloy ang aking trabaho.

Hindi yon pwede. May mga anak na ako. Pero kahit wala, hindi yon magandang tingnan. Hindi naman siya umamin sa akin bakit ko naman siya papayagan na mangyari ang bagay na iyon. Hindi naman siguro dahil marami nang nangyari sa amin ay dapat na itong ipagpatuloy. Pinipigilan ko na ang aking sarili na humantong sa puntong iyon. Hindi na ulit mangyayaari ang bagay na iyon.

"Viv, tapos mo na ba ang sa iyo?" Sabi ko naman kay Vivian. Napatingin naman ako kay Vivian na ngayon nakatulala. Kinalabit ko naman ito kaya napatalon ito sa gulat.

"Huh?" Tanong naman niya sa akin. Umiling iling nalang ako bago nagsalita.

"Sabi ko, tapos ka na ba sa iyo. Sasali ko na sa akin para maipasa ko na." Sabi ko naman sa kanya. Tumango naman siya sa aking sinabi. Binalik naman niya ang kanyang tingin sa kanyang ginagawa pero nakita ko naman ay hindi siya gumagalaw.

"Hoy! May problema ka ba? Matagal ka nang ganyan ah." Sabi ko naman sa kanya.

"Joe, paano kung may malaman ka na magkakagusto sa iyo, anong gagawin mo?" Tanong naman niya sa akin. Napakunot naman ang aking noo sa aking sinabi.

"Saan mo naman napulot ang mga yan?"

"Sagutin mo nalang. Paano kong may magkagusto sa iyo?" Tanong naman niya ulit.

"Masaya ako. Magpapasalamat ako sa kanya." Sabi ko naman sa kanya.

"Yon lang?"

Tumango naman ako sa kanyang sinabi. Napabusangot naman siya sa aking sinabi.

"Paano kong magustuhan mo rin siya o kakilala mo naman siya?" Tanong naman ulit niya sa akin.

"Saan ba ito papatungo? Yon ba ang problema mo? May nagkagusto na ba sa iyo?" Tanong ko naman sa kanya. Inirapan naman niya ako. Nagkibit balikat nalang ako dahil hindi ko alam kung bakit niya ginawa ito sa akin. Binalik nalang niya ang kanyang tingin sa kanyang ginagawa.

"JoceLeen, tapos ka na ba sa trabaho mo?" Napatingin naman ako sa nagsalita. Secretary pala ito ni Sir Leighton. Tumango naman ako sa kanya.

"Oo pero hihintayin ko muna si Vivian. Sabay na kaming papasa mamaya. Bakit?" Tanong ko naman sa kanya.

"Pinapa akyat ka ni Sir sa office niya. May ipapagawa daw siya sa iyo." Sabi naman ng secretary. Tumango nalang ako sa kanyang sinabi.

"Ako na ang magpapasa niyan mamaya JoceLeen. Baka matagalan ka mamaya." Sabi naman sa akin ni Vivian. Tumango nalang ako sa kanyang sinabi.

"Salamat ha!" Sabi ko naman rito.

Naglakad naman ako at sumunod sa secretary ni Sir. Hanggang sa makarating kami sa kanyang opisina. Kumatok muna ako bago ko naisipan na pumasok.

I Lust You (COMPLETED) Where stories live. Discover now