Chapter 19

236 7 0
                                    

🔥🔥🔥

Pagkatapos kung ipakita kay Vivian kung saan ako natutulog. Ay hanggang ngayon hindi parin siya makapaniwala. Nakatingin pa rin siya sa paligid habang inisa isa ang mga ito.

"Dito ka talaga natutulog. Hindi talaga ako makapaniwala!" Sabi niya. Inirapan ko lang siya at kinuhanan siya ng maiinom.

"Pag lima mo na yan." Sabi ko pa sa kanya.

"Hindi talaga ako makapaniwala. Ang mahal kaya ng kwartong ito. VIP talaga. Mabuti pa sigurong lumipat rin ako dito!" Sabi niya sa akin. Inirapan ko lang siya.

"Akala mo naman na kaya mong pakisamahan ang boss natin. Noong nga, iniwan mo lang ako ng dumating siya. Kaibigan ba yan!" Inis na sabi ko sa kanya. Pabiro naman siyang umirap at natatawang umiling iling sa akin. Binigay ko naman sa kanya ang isang baso ng juice at ininom naman niya ito.

Pagkatapos niyang uminom ay hinatak na naman niya ako sa may sofa.

"Dito ka! Mag kwento ka naman kung ano ang nangyari sa dalawang araw mo dito sa lugar na ito. Hindi ba ackward?" Tanong niya.

"Minsan. Yong binabalikan niya ang nakaraan." Sabi ko. Mas natuon ang pansin niya sa akin.

"Anong sabi?"

"Yong nga! Binabalikan niya ang nangyari five years ago. Hindi ko alam kung ano ang irereact ko sa kanya. Kaya tinatalikuran ko nalang siya." Sabi ko sa kanya. Umasim naman ang kanyang mukha.

"Wow! At may gana ka pa talaga talikuran ang ganoong kagwapong nilalalang. Kalahi na nga noon si Adonis tapos tinalikuran mo lang! Lakas ng tama mo ah!" Inirapan ko lang ito.

"Tama na nga yang papuri. Hindi halata ang kagwapuhan niya eh!" Sarkastikong sabi ko sa kanya. Tumawa lang siya.

"Akala ko ba titingnan mo lang kung saan ako nakapwesto? Ba't may kasamang daldal pa?!" Tanong ko sa kanya. Inismiran lang niya ako at tumayo na siya. At umalis na lang. Natawa nalang ako sa kanya.

"Sige babalikan nalang kita mamaya. Hindi mo pa naman kayang pumunta doon ng mag isa. Baka akalain pa ng mga tao kaka dese otso mo lang. Nahiya naman ako!" Sarkastikong sabi niya. Kinurot ko naman siya. At hinatid ko na ito palabas ng bahay.

"Nagkaaso na nga. Pero minsan lang naman mag bar!" Sabi niya at tinalikuran niya ako. Kumaway nalang ako sa kanya habang naglalakad ito palayo.

Pagdating ng gabi. Gaya ng sinabi niya ay sinundo niya talaga ako sa bar. Kahit na kaya ko namang pumunta. Walang katutuhanan ang sinabi ng isang yon. At hanggang ngayon rin hindi parin nakauwi sina Leighton at Lucy kaya nagawa ni Vivian ang kung ano anong gusto niya. Panay ang daldal ng baliw na parang ngayon lang siya nakapagkwento sa akin.

Nagsusuot lang ako ng damit at hinihintay niya naman ako. Panay lang rin ang kwento niya at hindi talaga siya nauubusan ng kwento.

"Tara na!" Aya ko sa kanya. Pagkatapos kung magbihis. Tumigil naman siya sa kanyang pagsasalita at tumayo na rin ito.

Pagkadating namin sa bar ay naabutan namin ang aming mga katrabaho na nakaupo sa taas na pwesto. At nagulat naman kaming ng nag eenjoy talaga ang lahat, lalong lalo na si Miss Becky na ang ginagawa lang noon ay sinasaway kami kung bakit ang gulo namin. Tapos ngayon naman siya itong parang leon na nakalabas sa hawla. Panay ang pagtawa niya habang may kasamang hindi kilalang lalaki. Nag uusap lang ang dalawa habang sumasayaw kasama ang iba. Nakita nila kami ay binati lang nila kami. Nakita ko naman ang pagkuha ng maiinom ni Vivian. At nilagot lang ito bigla.

"Hoy! Anong ginagawa mo?" Gulat na tanong ko. Wala talagang preno ang isang to. Umupo naman siya kaya sumunod ako sa kanya.

"Wag ka nga ganyan! Hindi naman ako kagaya mo na magkakaroon ng instant baby pagkatapos maglasing." Sigaw niya dahil sa lakas ng musika dito sa loob ng bar. Inirapan ko lang siya at binalik sa ibang lugar ang aking tingin. Nagulat naman ako ng makita ko doon may railing na masayang nakikipag usap sa mga kapwa kalalakihan nito. Malayo lang ito sa akin pero nakikita ko naman. Nakatagilid ito sa akin kaya hindi niya ako nakikita. Busy ito sa pakikipag usap sa mga kasamahan niya. Pinikit ko naman ang aking mata at binuksan ulit. Sinigurado na totoo ang nakita ko. Pero sa kasamaang palad tama talaga ang nakita ko.

"Oh! Diba si Sir David yan?!" Tanong ni Vivian sabay turo sa lalaki. Napaiwas naman ako ng tingin sa kanyang sinabi. Hindi ko akalain na makikita ko pa siya sa tanang buhay ko.

"Hala! Affected ka pa?" Tanong niya sa akin.

"Hindi." Simpleng sagot ko sa kanya. Parang hindi parin siya naniniwala sa sinabi ko dahil sa pinapakita ng kanyang mukha.

"Hoy! Akala ko si Sir Leighton na ang gusto mo!" Sigaw pa niya. Nanlaki naman ang aking mata dahil sa kanyang isinigaw. Tinakpan ko naman ang kanyang bibig at tumingin sa paligid kung may nakarinig ba sa amin ngayon. Mabuti nalang na busy ang lahat sa kanya kanyang ginagawa. Mabuti rin dahil malakas ang musika kaya hindi maririnig ang aming pinag usapan.

"Tumahimik ka nga!" Saway ko sa kanya. Kinuha naman niya ang kamay ko na nasa bibig niya at nakataas ang kanyang kilay na humarap sa akin.

"Sus! Nahiya ka pa. Marami namang nagkagusto kay Sir Leighton. At mas gwapo naman si Sir Leighton kay Sir David. Kulang lang sa paligo si Sir David kaya ganoon!" Katwiran niya.

"Bakit mo ba siya kinukumpara?"

"Hindi naman sa ganoon. Opinyon ko lang naman yon kaya wag mo nalang pansinin." Sabi pa niya. Natahimik naman kaming dalawa pero bigla nalang ulit itong nagsalita.

"Pero talaga! Mas maraming nagkagusto kay Sir Leighton." Bawi pa niya at tumango tango pa ito. Na parang tama ang kanyang sinabi. Umiling iling nalang ako. Napatingin nalang kami sa kabilang bahagi ng sofa namin na bigla nalang pabagsak na naupo si Miss Becky. Nagulat nalang kami ng bigla nalang itong yumuko at nilagay ang kanyang braso sa mesa at ginawang unan ang kanyang braso. Nagulat nalang kami ng bigla na naman siyang umangat ng tingin sa amin. At ngayon umiiyak na ang kanyang mga mata.

"Bakit? Bakit niya ako iniwan?!"

I Lust You (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon