Chapter 4 - The Five Bad ... Gays?

399 11 1
                                    

-Ziexa's PoV-

We stood up yet I still have the shivers inside and out of me. I'm scared. I'm scared because they might be bad guys. But I'm still hoping they were good and helpful people.

"Anong ginagawa nyo dito? 'Di nyo ba alam na delikado sa lugar na'to sapagkat may mga zombies na nakapalibot sa buong area?" tanong ng isang lalaki na maputi. Na sa pagkakaalam ko ay ang leader nila.

"Naghahanap po kami ng pagkain at armas boss." magalang na saad ni Ailen.

"Sandali. Ikaw ba si Ailen?" tanong ng lalaki kay Ailen.

May apat siyang kasama kaya panigurado na kapag kami'y nanlaban ay matatalo kami. Malalaki at makikisig ang kanilang katawan kumpara sa amin.

"Opo boss." kalmadong tugon ni Ailen.

"Oh my goshh! Fafa Ailen! Ikaw nga! Kyah! By the way, I'm your big fan! I mean we are your biggest fan! Kyah!" tili ng leader ng gang nila na ikinagulat namin.

Sandali. Ba't sya nagtitili? Bakla ba sila? Shuta! Mga bakla nga! Pinagdudumugan nilang lahat si Ailen na ngayon ay hirap sa paghinga.

'Di naman ako kontra sa mga baka pero shet nakakagulat!

Sinong mag-aakala na ang nga brusko at malalaking lalaki na tulad nila ay mababakla kay Ailen?

Shuteks! Nagkatitigan kami ni Missy. Na ang mukha rin nya ay parang 'di mapinta. Gulat rin sya sa nangyayari.

"Beshies! May mga zombies na!" tili ng isang matabang lalaki na may hawak na baseball bat.

"Owh! 'Di ko pa nga nagagapang si Ailen ay may zombies na agad ang gumagapang sa atin!" pagmamaktol ng leader nila.

Nag-form sila ng parang defense form.

Ang dalawang lalaki na may palang baseball ay sa harap. Habang ang tatlo ay may mga dalang baril na tig-iisa. Isang pistol na Glock, isang P99 at isang PM.

Isa-isa nilang pinatumba ang mga zombies na paparating sa amin. Ako naman ay tinutulungan na rin silang paghahampasin gamit ang isang wrench na hawak-hawak ko kanina. Si Ailen at Missy din ay nakikitulong na rin gamit ang baseball bat ko na ginamit ko kanina sa bahay.

Mabilis naman na naubos ang zombies.

"Beshies! Halina kayo! Baka dumating pa ang ibang zombies! " sigaw ng isang medyo payat na lalaki.

"Missy, ikaw na lang muna dumala ng bag ko. May bitbit kasi akong mabigat na toolkit. Baka magamit natin ang nasa loob nito." sabi kay Missy.

"Sundan nyo lang kami ha? Fafa Ailen? Sunod lang kayo sa amin. Medyo malayo pa naman yun. Maglakad na lang tayo para 'di tayo makita ng ibang zombies.Kung magtakbo naman tayo ay mapapagod lang tayo. " sabi ng leader nila.

Tumango lang kaming tatlong bilang pagsang-ayon namin.

Nagsimula na kaming maglakad at baka makita ulit kami ng zombies.

Nagkwentuhan kami well, I mean sila kasi naiilang pa rin kami. Mas lalo ma si Ailen.

"By the way mga ses! We will introduce our selves." saad ng leader nila.

"I am Josifina." sabi ng leader nila.

"Hoy ses! Jose yun ghurl! Ako naman pala si Charles a.k.a. Charlotte. " sabi ng medyo mataba ng kunti.

"Tumahimik ka dyan Charlandi! Dadaan ang lalaking may dede! Hi I am Jonas a.k.a. Jonalyn." tugon ng mataba ng lalaki na may dede nga kaso puro naman taba.

"Jonalinte ka ses! Ako dapat nauna sa iyo. Pero by the way, I am Adrian slash Adriana, the dyosa of mga maganda." saad ng payat na lalaki.

Napatingin naman kaming lahat sa kanya. At nagsalita ang apat na bakla ng "HUWAW! ANG GANDA MO TEH?" at nagtawanan kaming lahat.

Zombious EraWhere stories live. Discover now